6

2.3K 133 13
                                    

PRINCE


Siguro kung naging lalake lang si Lindsey, si Cindy na ang magiging ideal girl niya. Paano, lahat ng gusto niyang maging e na kay Cindy na lahat. Halos nai-imagine ko pa ang batang Lindsey at sinasabing, "Paglaki ko, gusto kong maging si Cindy."


Parang sa anime, sobrang paborito ni Lindsey si Tohru Honda. Kung gagawing tao si Tohru, malamang si Cindy na ang gaganap. Masayahin. Positive thinker. Mabait. Pati nga bangs ni Tohru, kuhang-kuha niya.


Dati ayaw kong ma-meet ni Lindsey si Cindy. Kasi iisipin niyang magiging second rate nanaman siya kapag pinilit niyang maging katulad nito. Pero ewan ngayon, parang gusto ko nang ma-meet niya si Cindy para marealize niya na kahit sino pa siya, kailangan niyang tanggapin ang sarili niya.


"Ngayon lang kita uli nakitang nag-wax a!" pansin ni Kenji na pumasok sa kwarto ko para makigamit ng deodorant.


"Pre, uso bumili ng sarili mong axe. 'Wag mong ubusin 'yung sa akin."


"Nagpabango ka pa ha!"


"Hindi ako nagpabango 'no! Sadyang mabango lang talaga ako!"


Pinaikutan ako ni Kenji na parang babae na tinitingnan kung bagay ba sa akin ang damit na suot ko.


"Hindi ba'yan 'yung favorite na t-shirt ni Lindsey?"


'Yung Batman ko na black? Tss. Hindi 'no. Tsaka eto na nga lang naplantsa ko na damit. O sige na, sinabi na minsan ni Lindsey na bagay sa akin itong tshirt na 'to at gusto niya na lagi kong isuot ito. Nakalimutan niya na 'to. Tsaka ngayon ko nga lang rin naalala na gusto niya palang suot ko 'to e.


"I smell something fishy ha, Cosingtian!" pang-aasar pa ni Kenji na nagspray na rin ng nakalabas kong pabango.


"Mag-toothbrush ka kasi. Uso 'yun. Naaamoy mo lang siguro ang hininga mo!" kinuha ko bag ang bag ko sabay labas ng aking kwarto.


"Uy! Cosingtian! Bango mo a!" sabi ni Hiro na tumaas-taas pa ang kilay. Ewan ko ba sa mga 'to, para namang ngayon lang ako nagpabango bago pumasok ng school.


Nung hindi ako umimik, mas lalo pa akong inasar ni Hiro. "Bagong damit a. Size small!"


Alam kong alam na nila na naaasar na ako kasi malamang, pulang-pula na ang mukha ko. "Nung high school pa niya damit niyan. Sabi kasi ni Lindsey, pogi siya pag 'yan ang suot niya," gatong naman ni Kenji.


"Ay oo nga pala, World Lit ang first subject mo ngayon!"


Hindi ako nagpapapogi para kay Lindsey! Mamatay man ako ngayon! Promise! Tsaka pogi naman na ako a?Bakit kailangan ko pang magpakitang gilas kay Lindsey e isang ngiti ko lang naman, kikiligin na'yun? Tsaka dati na rin naman akong nagpapabango a, madalas ko lang talagang nakakalimutan. Inggit lang 'tong mga 'to kasi mas gwapo ako sakanila.


"Tara na nga, late na tayo!"


Pero sige na nga, aaminin ko na, medyo hinihintay ko parin ang reaksyon ni Lindsey saoras na makita niya ang suot ko. Kung magugustuhan ba niya o kung maaalala pa ba niya na minsan niya akong niloko ng, "Pogi naman ng Prince ko. Superhero na superhero ang dating." Kung maaalala ba niya iyong binili kong katulad ng t-shirt ko para sa kanya?


Maaalala kaya ni Lindsey 'yun? Kung gaano namin tinawanan iyong mga may couple shirt at kung gaano namin halos i-dinefend ang sarili namin na hindi kami aabot sa ganun ka-corny at kamushy na bagay kahit na alam naman naming deep inside, nahihiya lang kaming magsabi na kami mismo ay meron ring couple shirt.


Hindi kami naguusap kung kailan namin iyon susuotin. Parang nagpapakiramdaman nga lang kami e. May mga pagkakataong kapag isusuot ko ng Lunes yung tshirt ay isusuot niya rin sa parehong araw sa susunod na linggo. Ayun nga lang, hindi pa ako nakapaglaba nun. Pero sa totoo lang, kung hindi lang talaga ako magmumukhang hindi naliligo ay araw araw ko iyong isusuot. Kahit nakaunigotm kami. Araw araw hanggang sa magkasabay kaming suot ang couple shirt namin.


"Absent ata," sabi ni Kenji nang mapansin niyang malapit nang mag-bell pero wala pa si Lindsey. Kahit hindi ko naman isinuot 'yun mainly para kay Lindsey, medyo disappointed parin ako.


"Sayang. Abot hanggang pinto pa naman 'yang pabango mo." Hirit pa ni Hiro na nasa harapan lang namin ni Kenji.


Nang pumasok na si Ms. Castro, alam kong wala nang Lindsey na darating. Mapapansin kaya nina Hiro at Kenji kung sakali mang labahan ko 'to agad at isuot ulit next week kung saan makikita ko uli si Lindsey?


Kung bakit kasi 'di pumasok si Lindsey e! Makabawi man lang sana! Baka kasi kapag nakita niya ang suot ko, at least man lang ma-guilty siya sa mga ginawa niya. At least man lang maalala niya ako at kahit papano, na kahit konti, malungkot at masaktan rin siya gaya nang naramdaman ko nung bigla na lang siyang naglaho na parang bula.


"Sorry po maam!" sabi ng boses na matagal na matagal ko nang inaasahan na marinig. Hindi sana ako lilingon pero biglang humiyaw si Hiro na sinundan naman ni Kenji.


"Uyyyyyyyyy!!!!"


"Anyare?" sabi ko kay Kenji na kung makangiti naman e kilig na kilig na


"Pre, suot niya rin."


Tiningnan ko si Lindsey at nakita kong suot din niya ang t-shirt na bigay ko sa kanya noon.


"Uyyyy!!!!" hirit ulit ng buong klase nang marealize nila kung ano ba ang nangyayari. Lahat, maliban kay Cindy.


"Lindsey, take your seat."


Dumaan si Lindsey sa may side ko at mabilis na sinabing, "It's not what you think it is, wala lang akong maisuot."


At mabilis ko rin siyang sinagot ng, "I know."



Nakaupo na at lahat si Lindsey pero hindi parin tapos kiligin ang buong klase. Pati si Miss Castro nakisali.Ako naman. yumuko na lang...Kasi ayokong makita nila na sa kabila ng sakit na idinulot sa akin ni Lindsey at kahit matagal siyang hindi nagpakita sa akin, lihim akong napangiti nang makita kong suot niya ang couple shirt namin.

Isang Milyong Sulat 2: The EndWhere stories live. Discover now