IV. Betamax & Migraine

277K 4.8K 506
                                    

"Pweh!" Nasabi ko after kong kumain ng betamax. Sa totoo lang, feeling ko masusuka ako. Hindi ko nagustuhan yung lasa eh! Bubwit kasi tong si Maggie, nagpustahan kasi kami na pataasan dun sa assignment sa Stats, eh mas mataas siya. Kaya ito ang parusa ko, ang kumain ng kahit isang stick ng betamax.

"Ang arte mo naman, Riri!" Tawa siya ng tawa habang inabot sakin yung coke.

"Lika na nga! Panigurado hinahanap na ako sa bahay! Alas sinco na oh!" Sumimangot si Maggie habang hinihila ko na siya papalakad.

"Exaggerated talaga yang parents mo! Ang aga-aga ng curfew mo ah!" Pero nagpahila pa rin naman siya sakin. Syempre, para tipid sa pamasahe, free ride eh. 

"Nag-aalala lang sila no at baka nakalimutan ko na naman ang daan pauwi." Natatawa kong sabi. Minsan kasi nakakalimutan ko yung daan pauwi kaya eto, naghire sila ng driver para sakin. Kawawa naman ako, di na ako makakapagcommute. 



"MARS! WAIT! MAAAAARS!" May narinig akong sumigaw.


Araaaaay. Ang sakit ng ulo ko. Oww. Shizzz. Ang sakit!

"Bakit, Riri? Anong nangyayari sa'yo? Namumutla ka!"Binilisan namin ang paglalakad, siya na ang humihila sakin ngayon.

"Ang sakit-sakit ng ulo ko! Napasigaw na ako sa sobrang sakit.

"Asan yung gamot mo? Dala mo ba?' Alalang-alala yung mukha ni Magggie.


"MAAAAAAAAAAAAAARRRRSSSSS!" Nakarinig ulit ako ng isang pagsigaw.


"Nasa bag ko----Oww!" Napasinghap na naman ako sa sakit ng ulo ko.

"Lika na! Bilis! Sa loob na ka na uminom ng gamot mo!"Nagpapanic na si Maggie, kumalma lang siya ng makapasok na kami sa sasakyan at nang makainom ako ng gamot ko para sa matindi kong migraine.



Nakatulog ako mga ilang minuto after kong makainom ng gamot. Nagising ako mga palo ni Maggie. "Grabe naman yang gamot mo! Wala bang non-drowsy niyan?" Eng-eng talaga tong Maggie, akala mo naman sipon ang sakit ko! 

"Eng-eng ka talaga, Maggie." Sinimangutan niya lang ako. Ay oo nga pala! "Bakit nga pala sumakit yung ulo ko? Anong nangyari kanina?" Napakamot naman sa batok si Maggie.

"Hay nako. Kakaiba na talaga yang pagkaulyanin mo ah! Kanina kasi, may sumisigaw? Ewan ko kung anong koneksyon nun sa'yo at sumakit yung ulo mo." Napatango naman ako.

"Sino yung sumisigaw? At ano yung sinisigaw niya?"Inirapan niya ako, paniguradong naiinis na naman to sa 'limot skillz' ko. 

"Lalaki yung boses eh. Mars sinisigaw? Hinahabol siguro yung girlfriend niya no? Nag walk-out siguro?" Biglang tumibok ng malakas yung puso ko.

"Gwapo?" Sabay ngiti ko.

"Hindi ko nakita eh."  Sayang naman. 



Nagulat ako ng may kumatok sa bintana ng kotse, si Mama pala. At nasa harapan na pala kami ng bahay! Kaya pala ginising na ako ni Maggie. Tsk. Binaba ko yung bintana ko ng makita ko si Mama ng maayos.


"Pasado alas sinco na? Bat ngayon lang kayo nakarating dito?" Nakasalubong ang kilay ni Mama habang nagtatanong.

"Kumain pa po kasi kami ni Maggie. Sorry na po, Mama. Hindi na po mauulit." Lumingon ako kay Maggie.

"Opo, Tita. Hindi na po talaga mauulit. Promise po."Ngumiti si Maggie na parang anghel.

"Oh siya, sige. Papalagpasin ko muna to, pero kapag naulit to ah? Bibigyan kita ng parusa." Pananakot ni Mama.

"Opo. Di na po talaga mauulit." Tumango naman si Mama.

"Sige na't umalis na kayo diyan sa loob. Sasakay kami ng Papa mo." Nagtaka naman ako. Aalis? Weeeh? 


Pero syempre, bumaba na lang kami ni Maggie. Mahirap na, may atraso pa rin kami. >__<


"Mama, san po kayo pupunta ni Papa?" Tanong ko, hindi ko mapigil di magtanong eh.

"Pupunta kami ng Papa mo sa Cebu ngayong gabi sa Sabado pa ang uwi namin." At bago pa man ako makaisip ng gagawin sa mga araw na wala sila, nagsalita ulit si Mama."Better behave, Riri. Kapag nalaman kong may ginawa kayong kalokohan ni Maggie, patay ka samin ng Papa mo." GULP. Ano pa nga ba? T____T

"Opo, Mama. Promise po, hindi ako gagawa nang ikagagalit niyo." Nagulat ako ng tahimik ng sumakay si Papa sa kotse. San siya nanggaling at di ko siya napansing lumapit? 

"Aalis na kami, Anak. Baka ma-late pa kami sa flight namin ng Mama mo." Sabi ni Papa.

"At Maggie?" Tumingin si Mama kay Maggie.

"Bakit po, Tita?" Halatang kabado si Maggie, mas nakakatakot kasi si Mama kesa kay Papa.

"Sa bahay ka matutulog hangga't di pa kami bumabalik. Ipinagpaalam na kita sa Mommy mo, don't worry." Wow! Slumber party! 

"Sige na. Mauna na kami. Ingat kayo dyan, Anak." Sabi ni Papa na halatang naiinip ng umalis.

"Kayo din po, Papa. Ingat po sa byahe!" At umalis na sila.



Napatingin ako kay Maggie sikuhin niya ako. "Aray ah!"Nginitian niya lang ako ng nakakaloko. Uh-oh. May binabalak siyang ikakapahamak namin, for sure! >___< "Nako, Maggie! Kung ano man yang iniisip mo, NO!"

"Bahala ka. Gigimik ako mamaya mag-isa. Konsensya mo na kapag may nangyaring masama sakin, bestfriend."Ngumisi siya.


ABA'T NANGUNSENSYA PA! >:|


"Kukunin ko lang yung mga gamit ko ah? Pati yung party dress ko."  Imbyerna ka talaga, Maggie! Mapapahamak ako sa pangungunsensya mo! 



Pinabayaan ko lang siya na pumunta sa kanila. Dumiretso na ako sa pag-akyat papunta sa kwarto ko pagkapasok ko ng bahay. Haaayy. Bwisit. Sasama ba ako o hindi? Sasama ba ako o hindi? Sasama ba ako o hindeeeeee?! 


"Sasama ka ba o sasama ka?" Biglang sulpot si Maggie sa pintuan ng kwarto ko.

"Bwisit ka! Ginulat mo ko! Papatayin mo ba ako sa atake sa puso?!" Sabay bato ko sa kanya ng unan ko.

"Sumama ka naaaa. Bahala ka! Walang magluluto sa'yo ng pagkain!"  Ugh. Fine. Bwiset.

"OO NA! SASAMA NA AKO!" Bigla niya naman akong tinalunan. Ang bigat-bigat niya!

"Yehey! Sabi na nga ba't nagpapakipot ka lang eh!"Tuwang-tuwa siya. Akala ko pa naman ang sasabihin niya,'Sabi na nga ba't hindi mo ako matitiis eh!' Nako! Iba ka talaga, Maggie! Ibang-iba ka! >____<

"Pero patay ka sakin pag nalagot tayo ah!" Babala ko sa kanya.

"Yes, Ma'am!" Sabay saludo.




First time kong susuway kay Mama at Papa. This is so not me! 

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon