XXXII. An Unexpected Turn of Events.

245K 3.7K 996
                                    

Lahat kami ay dumiretso sa isang maliit na bahay, medyo may kalapitan ito sa simbahang pinagdausan ng kasal namin ni Mark. Wow, kasal na talaga kami ni Mark... Mrs. Villareal na ako. Hindi ako makapaniwala. Kagabi lang ay nakakulong ako sa kwarto tapos ngayon, nasa reception na kami ng kasal namin ni Mark!

"Ang ganda ata ng ngiti mo." Mark said as he wraps his arms around me.

"Masaya lang ako. Mrs. Villareal na ako eh." Nginitian ko siya ng mas malaki.

"Ako rin, di ako makapaniwalang na pull-off nang lahat yung kani-kanila nilang task. Akalain mong mag-asawa agad tayo, eh kahapon lang ako nagpropose?" He smirked.

"Ang sabihin mo, minadali mo talaga kasi ayaw mo na akong pakawalan." Sabi ko habang kinukurot ang tagiliran niya.

"Oo naman!" Kinuha niya ang magkabilang braso ko at hinawakan ng maigi. "At para mas siguradong hindi ka na makakawala," Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga. "Bubuntisin kita agad-agad." Bulong niya, nakaramdam ako ng kiliti sa buong katawan dahil sa mainit niyang hininga.

"Later na ba 'yan?" Bulong ko rin sa kanya.

"Kung ako lang masusunod," He nipped my ears. "Kanina ka pa sana nakahubad at nasa ilalim na kita." Parang nag-apoy ang buong katawan ko nang matapos niya ang kanyang sinabi.

Humiwalay ako sa kanya at tinignan siya ng maigi. "Aba, ayos ka rin no?" Pagtataray ko kunwari. "Naka-score ka na sakin kahapon, pati ba naman mamaya gusto mo?" Tanong ko sa kanya.

"Anong magagawa ko? I can't get enough of you." He grinned.

Magsasalita pa sana ako nang mapatingin ako sa mga naglabasan galing kusina. Sila Renz, Maggie, Kara, Ate Krista at si Kuya Kriz, bawat isa ay may hawak-hawak na malalaking plato na may mga putahe. Hmmm! Sarap!

"Hindi ka lang pala sakin naglalaway?" Bumalik ang tingin ko kay Mark. "Mukhang pagkain ang kakumpitensya ko sa'yo ah?" He grinned.

"Masanay ka na't matakaw ang asawa mo." Tumayo ako at iniwan siya.


Hanggang sa kasal ay naging informal ang salu-salo.  Nag-videoke pa nga kami. Pinagtripan pa nila kami at pinasayaw sa gitna ng sala. Sinabitan nila kami ng tig-iisang libo, tig-iisang daan o tig-lilimang daan. Nagbaon ata talaga sila?

Mga alas otso na sila nagsialisan, hindi masyadong gabi kasi mukhang delikado sa daan at hindi pa nila kabisado ang pasikut-sikot dito. PInagbaon pa namin sila ng mga sobrang handa, baka kasi mapanis lang. Dadalawa lang din lang kami ni Mark dito, malabong maconsume namin lahat bago mapanis.

"Finally! Nagsialisan din!" Sabi niya habang humihikab, para tuloy siyang engot magsalita.

"Inaantok ka na agad? Baka di mo ako masabayan mamaya." Pang-aasar ko.

Napatayo naman siya bigla at pumunta ng kusina. Sinundan ko siya para makita kung ano ang ipinunta niya duon. Nakita ko siyang kumuha ng termos, baso, kutsara at kape. Napangiti ako.

"Maghintay ka lang matapos ko tong kape ko. Ihi lang ang pahinga mo." Narinig kong bulong niya.

Natawa ako. "Sira ka talaga!" 


Iniwan ko siya sa kusina at pumasok sa kwarto namin. Naligo na ako at nagsipilyo. Ngayon ko lang narealize na isang buong araw din akong hindi nakaligo at hindi nakapagsipilyo! Kamusta namang wedding ito? Hindi pampered ang bride!

After kong patuyuin ang buhok ko ay dumiretso na ako sa kama at nagdesisyong... huwag na magsuot pa ng kahit ano. Honeymoon na kaya namin.

Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan at napahinto si Mark nang makita niya ako. "Holy !@#$." He bluttered out, wide-eyed.

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon