XXXIV. Life-Support.

225K 4.1K 549
                                    

5 months. 5 months kaming tumira sa hospital. Well, 5 months and counting. Hindi pa kasi nagigising si Mark at kahit anong palatandaan ng pag-gising, wala siyang ipinapakita. 2 months ago, sinabihan na kami ng mga doktor na anytime daw ay maaaring ma-brain dead na si Mark. Nag-iyakan kaming lahat nuong nalaman namin iyon. Nagkaroon pa nga ata ng contest sa palakasan ng hagulgol nuon sa pagitan namin ng nanay ni Mark. Syempre, sino nga bang ina ang hindi magwawala kapag sinabihan ka na anytime ay maaaring ammatay na ang kaisa-isa mong anak?


At sino rin namang matinong asawa ang hindi maglulupasay, kung wala pang isang taon kayong kasal ay kinuha na sa iyo ng Diyos ang asawa mo? Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, nasaktan lang talaga ako nang marinig ko ang balitang iyon.


Nasaktan ako para sa sarili ko at para sa magiging anak namin. Oo, buntis ako. 3 months na pala akong buntis nuong mangyari yung aksidente. 8 months ko ng dinadala ang baby girl namin ni Mark at itong si Baby Girl lang namin ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob na mabuhay at magpakalakas sa mga oras na ito.


Araw-araw akong nagdadalas sa chapel ng simbahan, nagnonovena, nagrorosary, nag-ooffer ng kung anu-anong alay at kung anu-ano pang uri ng pagdadasal. Nagbabakasakaling mabingi na ang Diyos sa pagdadasal ko at gisingin na niya si Mark. Ganun din ang ginagawa ko kay Mark, araw-araw ko siyang kinakausap. Tip kasi sa akin ng doctor niya na maaaring naririnig niya ako at baka makatulong din ito sa mabilisan niyang pag gising. Oo, nalipat na siya ng kwarto. Mga 2 months lang siyang nagtagal sa ICU.


"Ate, kakausapin ka daw ng mga doktor ni Mark." Biglang naputol ang pag-iisip ko. Nagpasukan na kasi sa loob ng kwarto ni Mark ang mga doktor niya.

"Magandang Gabi po." Bati ko sa kanila.

"Good Evening, Mrs. Villareal." Bati sa akin ng isang doctor. "Misis, hindi nap o kami magpapaliguy-ligoy pa." Umpisa niya. Kinabahan ako bigla


Brain dead na kaya ang asawa ko? Masamang balita ba ang ipaparating nila?


"Misis, nababahala na kami sa tagal ng pagkaka-comatose ng asawa niyo." Sabi ng isang doktor. "For three months, naka induced coma lang siya. Though nawala na po ang swelling sa damaged part ng brain ni Mr Villareal,  hindi na po talaga siya nagpakita ng signs na gigising siya." Hindi muna ako umimik, sinubukan ko munang i-absorb lahat ng narinig ko.

"Sa tingin po namin ay makakabuti sa lahat na tanggalin na ang life support ni Mr. Villareal." Sabi ng isang doktor. Talaga bang mga doktor sila?! Bakit sumusuko kaagad sila?!

"No." Mahina pero matigas ang aking pagkakasagot.

"Pero, Misi—" Napahinto siya nang makita niyang masama ang tingin ko sa kanya.

"No, hindi tatanggalin ang life support ng asawa ko." Tumayo ako at tinignan silang dalawa ng masama. "Paano niyo nasasabi yan? Mga doktor kayo! Hindi dapat kaagad kayo sumusuko!" Sinigawan ko sila.

"Pero, Misis. Hindi po kami maaaring magbigay ng false hopes sa inyo." Sabat ng isang doktor.

"Kahit anong sabihin niyo, hindi tatanggalin ang life support ng asawa ko. Kahit maubos ang pera ko, hinding-hindi ako susuko. Makikita niyo, gigising din ang asawa ko!" Hindi ko na maiwasang hindi sumigaw at umiyak. Dala na rin siguro ito ng pagdadalang tao ko.

"Ate, kalma lang. Yung baby mo." Paalala sa akin ni Renz habang pinapakalma ako at hinihimas ang likuran ko.


Humingi sila ng pasensya bago sila umalis ng kwarto ni Mark. Kaming lahat na nagbabantay sa kanya ay tahimik lang. Lahat ay nagpapakiramdaman, nalulungkot sa pinamalita ng mga doktor. Hindi pa naman siya brain dead? Bakit pinagpipilitan nilang tanggalin ang life support niya? Nagbabayad naman kami ah? At din a ba sila naaawa sa akin? Obvious namang buntis ako at isang malaking kawalan sa magiging anak namin na malamang namatay ang ama niya bago siya ipanganak. 


Lumingon ako sa kanila. "Guys, labas muna kayo. Kakausapin ko lang siya." Agad-agad naman silang tumayo at umalis.

Humarap ulit ako kay Mark. Tumubo na ulit ang buhok niya, pero may kaiklian pa rin. Kinalbo kasi siya nuong inoperahan siya. They drilled his head para magawan ng paraan yung pressure sa ulo niya dahil sa pamamaga ng brain niya. 

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito. "!@#$ ka talaga. Bakit ayaw mo pang gumising ha?" Mahinahon kong tanong sa kanya.

Sumagot ka naman, Mark. Kahit pisilin mo lang yung kamay ko o kahit mag-twitch lang ang mga daliri mo. "Hindi ka na ba talaga gigising? Dapat ba ako maniwala sa kanila na i-give up ka na?" Nag-umpisa na namang tumulo ang mga luha ko.

"Mark, magpakita ka naman sakin kahit sa panaginip. Sagutin mo naman ako. Nami-miss na kita." Sabi ko habang pinipigilan ang mga hikbi ko.

Nakaramdam ako ng pagsipa ni baby girl sa loob ng aking sinapupunan. Naisipan kong ilagay ang kamay niyang hawak ko sa may parte nang aking tiyan na sinisipa ni Baby Girl. "Nagtataka ka ba kung ano 'yan?" Panay pa rin ang sipa ni Baby Girl. "Secret! Anong akala mo? Sasabihin ko sa'yo tapos wala akong makukuhang reaksyon? Aba, magising ka muna no!" Sabi ko habang hinihimas ang kamay niyang nakalapat sa tiyan ko.


Hindi ko pa ibinubulong o sinasabi sa kanya na buntis ako. Tulad nga ng sabi ko sa kanya, ayokong sabihin sa kanya tapos wala lang siyang reaksyon. Gusto ko rin sanang... masurpresa siya sa paggising niya. At para maisip niyang, worth it yung paggising niya dahil may munting anghel na naghihintay sa kanya.

"Gumising ka na ha?" Ibinalik ko sa pagkakalapag sa kanyang kama ang kamay niya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi kahit may tubo na nakalagay sa bibig niya. "Mahal na mahal kita... namin." Hinalikan ko ang noo niya bago umalis at lumabas ng kwarto niya.



Dumiretso ako sa chapel ng ospital. Kinuha ko sa bulsa ko ang novena card ko at rosary. Lumapit ako sa pinakamalapit na upuan sa altar. Taimtim akong nagdasal. Ngayon ko lang na-realize na dahil kay Mark ay napalapit ulit ako sa Diyos. Ibang klase talaga siya, ang laki pa rin ng impact niya sa buhay ko kahit nakaratay siya sa hospital bed niya.

"Lord, please. Ibigay niyo na sa akin ito. Gisingin niyo na siya, please?" Nag-umpisa na naman akong umiyak. "Marami pa siyang maaaring gawin sa buhay... Makikilala niya pa ng anak niya, maalalagaan niya pa siya, maipagpapalit ng lampin... Maghahatid pa siya sa school kapag mag-aaral na si baby girl, manunutok pa siya ng mga manliligaw ni baby girl, gagawa pa kami ng isang basketball team niya... Lord, magiging ama at asawa pa siya. Please, let him live." Pakiramdam ko ay mamamatay ako sa sakit. 


Masakit isipin ang posibilidad na hindi niya magagawa ang mga iyon. Malaki ang posibilidad na mawalan ng ama ang anak ko... na mawalan ako ng asawa. Asawa na buong buhay kong hinintay. Asawa na buong puso kong minahal. Hindi ko alam kung magagawa ko pang magmahal ulit kung mamamatay siya. Hindi ko kakayanin na mag-isang palakihin si Baby Girl na wala ang Daddy niya. Hindi ko alam kung iiyak ako sa harapan niya kapag nagtanong siya kung nasaan ang Daddy niya kapag narealize niyang siya lang ang walang tatay sa mga kaibigan niya.



Tinapos ko na ang pag-iyak ko at pagdarasal ko. Ganito naman araw-araw, routine ko na ito. Magbantay, kumain, matulog, magdasal, maligo... Nakakasawa siguro para sa iba pero ako, hindi ako mapapagod na gawin ito. 

Papasok n asana ako ng kwarto niya nang makita kong nagtakbuhan ang mga doktor papasok sa kwarto niya. Napahinto ako... No. Ano na namang nangyari sa asawa ko?


Kumapit ako sa mga hawakan na nakakakabit sa pader ng hallway. Bigla kasi akong nanghina. Hindi kasi maalis sa isip ko kung... baka bumitiw na siya. Huminga ako ng malalim at pinilit na maglakad papasok sa kwarto niya.


Nagulat ako sa eksena sa loob ng kwarto niya, pinalilibutan siya ng mga doktor. Hindi ko maaninag kung anong nangyayari sa asawa ko. Bakit ang daming doktor?! Hindi ba makayanan ng isa ang pagre-revive sa kanya?

"A-Anong nangyayari d-dito?" Napalingon sa akin ang mga doktor. Lahat sila ay hindi maipinta ang mukha. Ano bang meron?! Patay na ba ang asawa ko?!


Dahan-dahan silang nagsiurungan para makita ko ang aking asawa. Nang makita ko siya ay parang nalaglag ang aking puso.


"MARK!!!" Napahiyaw ako ng makita ko siya. Niyakap ko siya kaagad at iniyakan. "Mark, mahal na mahal kita. Bakit ka ganyan?!" Sigaw ko sa kanya.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "I'm sorry, Babe." Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Bakit ka ganyan?! Bakit ngayon ka lang nagising?!" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak pa rin. Hindi niya ako sinagot.

Natulala siya. Tinignan ko kung ano ang nakapukaw sa kanyang atensyon. Ang malaki kong tiyan.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay niya. Nilapag ko ito sa aking malaking tiyan. "Hi, Daddy. Ang tagal ka niyang hinintay." Mahina kong sabi sa kanya.

Hindi pa rin siya umiimik. "5 months kang comatose, Babe." Umpisa ko. "3 months na pala akong buntis nung naaksidente tayo." Nginitian ko siya.

Siya naman ay nakatitig pa rin sa tiyan ko at tahimik. Magsasalita pa sana ulit ako nang himasin niya ang tiyan ko. Napatingin ako sa mukha niya, umiiyak siya.

"Magiging Daddy na ako?" He asked quietly. I just nodded. 

Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. "Siya siguro yung maliit na boses na kumakausap sa akin sa panaginip ko." Napansin kong namuo ang mga luha sa mga mata niya.

Sumenyas siya na payakap kaya niyakap ko siya. Umiyak siya sa balikat ko. "I'm sorry ngayon lang ako gumising. It must be hard tp go through this alone." Naiyak din ako sa sinabi niya.

Despite his situation, kami kaagad ni baby girl ang inisip niya. He will be a great father, it's so obvious.

"I love you, My Eight," He whispered.

Kay tagal kong inantay na marinig ulit 'yan! "I love you, too, My Kissing Monster."


Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon