III. Stuck Staring Right At You.

278K 5.3K 695
                                    

"She died a year ago!? Niloloko niyo ba ako?!"Kinuwelyuhan ko si Dad, nagulat silang lahat sa ginawa ko."Pakana mo ba 'to, Dad?! Ha?! Para hindi ako sumunod sa yapak niyo?!" Inalog-alog ko si Dad.


Tahimik lang si Dad habang pinaglalayo kami ni Zeke at ng ibang mga bisita. "Pre, your Dad has nothing to do with this." Napatingin ako kay Zeke na pinakakalma ako at pinaupo sa malapit na sofa.

"Nandun ako sa mismong burol niya, Mark. Araw-araw akong nandun, kinakausap siya sa kabaong niya."Napaupo sa tabi ko si Zeke, halatang nalulumo sa nakaraang binabalikan niya.

"Anong dahilan ng pag... pagkamatay niya?" Nakayuko kong tanong.

"September 16, 20**, Wednesday ng gabi. Nahulog sa bangin yung sinasakyang kotse ni Mars, lango siya sa alak ng gabing yun. Walang may alam ng dahilan kung bakit siya uminom at nagmaneho. Sinasabi nila nadepress siya dahil hindi siya pumasa sa Nurse Licensure exam at ang iba naman... iniisip na nagpakamatay siya dahil wala ka, dahil hindi mo siya binalikan. " Ayaw mag sink-in ang mga sinabi ni Zeke. Si Mars? Nagpakamatay? Hindi siya ganun! Matibay siyang babae! Hindi siya magpapakamatay! Hindi siya magpapakamatay! pero wala na siya... nagpakamatay talaga siya?



Just like what Venus did 10 years ago... At dahil sakin kaya sila nagpakamatay pareho.


"Walang may gusto ng nangyari Mark. Walang kasalanan si Tito at kung iniisip mo na ikaw ang may kasalanan... HUWAG. Hindi mo ginusto ito tsaka binalikan mo naman siya..."

"---Pero huli na ako. Hindi ko na ulit siya makikita, wala ng saysay ang pagbabalik ko." Tumulo na ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak.




"Anak?" Kumatok si Mommy sa kwarto ko. "Papasok ha?"Hindi ako kumibo. "Anak naman. Wag mong parusahan ang sarili mo." Umupo agad si Mommy sa tabi ng kama ko nang makapasok siya.

"Anak, wag mo naman kami pagsarhan ng pintuan sa buhay mo. Hindi lang ikaw ang nalungkot sa nangyari, napamahal na rin sakin si Mars." Tinignan ko lang siya habang nakahiga ako.

"Hindi siya matutuwa na nagkakaganito ka. Life must go on, Anak." Niyakap ako ni Mommy. "Kung nakapagmove-on na ang pamilya niya, you should, too." Nag-umpisa na akong umiyak.

"Mommy... Nahuli na ako. Iniwan niya na ako. Wala na siya, Mommy." Hindi ko aakalaing iiyak ako ng ganito ulit sa yakap ni Mommy. 

"Napagdaanan mo na 'to, Anak. Makakayanan mo ulit to, hindi ba?" Oo nga, napagdaanan ko na to sa pagkamatay ni Venus... Pero mas masakit to dahil mas mahal ko si Mars."Anak, tutulungan kita magmove-on." Napatingin ako kay Mommy.





Eto pala ang idea ni Mommy sa pagmo-move-on? Ang maging instructor sa unibersidad na hawak ni Daddy? Psh. Instructor my ass. Pinakilala ako ni Mommy sa Dean ng Arts and Sciences Department kung saan ako nakatalaga. I can say welcome na welsome ako dito sa Department na to, mababait kasi yung co-instructors at yung mga professors dito.


Nagpaalam muna ako kay Mommy na lilibot muna ako sa buong unibersidad para naman familiar na ako dito kapag mag-uumpisa na akong magturo which is Monday na at Friday na ngayon.


Maraming ngumingiti sa aking mga babaeng estudyante. Sorry, girls. Instructor ako dito at isa pa, wala na akong balak magmahal muna ngayon. Si Mars muna.


Napabuntong hininga ako. Teka, ano yung naamoy ko? Ihaw? Napatingin ako sa paligid, hinanap ko kung saan nanggagaling yung amoy ng inihaw...



Tumigil ang mundo at ang pagtibok ng puso ko ng may makita akong babae na kumakain ng betamax.



Si Mars!



Hindi ko maintindihan kung bakit napako ang mga paa ko sa sementong kinatatayuan ko, at nakahugot lang ako ng lakas nang luob na lapitan siya nung makita ko siyang paalis.



"MARS! WAIT! MAAAAARS!" Pero parang hindi niya ako narinig at tuloy-tuloy lang siyang naglakad."MAAAAAAAAAAAAAARRRRSSSSS!" Lumiko siya, sinundan ko siya pero hindi ko na siya nakita.



Nanghina ako at napaupo sa sahig sa sobrang panlalambot. I'm pretty sure that its Mars and I let her got away!


"Anak? Anak! Anong nangyari sa'yo?!" Nakita ako ni Mommy at umupo agad siya sa harapan ko.

"Mom! I saw her!" Nagtataka ang mga mata ni Mommy.

"You saw who?" Huminga muna ako ng malalim.

"Mommy, I saw Mars! She's alive!"

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon