XXXIII. Code Blue.

218K 3.6K 370
                                    

"I love you, my Eight. Don't forget that." Paulit-ulit kong naririnig sa aking panaginip ang boses ni Mark. Oo, Mark. Hinding-hindi ko kalilimutan iyan.

Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Malabo nuong umpisa, unti-unti ng lumilinaw. Maputing kwarto, maputing bed sheet, maputing kumot, lamesang may bulaklak at rosary, isang TV set at mga sofa. Anong ginagawa ko sa isang ospital?

Sinubukan kong umupo. Napansin marahil ng mga taong nanunuod sa TV ang di inaasahang pagkilos sa pwesto ko. Agad-agad silang tumakbo papunta sa akin.

"Mars!" Sabay-sabay nilang sigaw.

Unang naglakas loob na yumakap sa akin ay si Maggie. "Best friend! Ano na naman ba to?! Palagi na lang ganito ang eksena natin!" Hindi ako umimik, patuloy lang akong nakatingin sa kanya. Halata sa hitsura niya na siya ay nababahala sa katahimikan ko. "May amnesia ka na naman?" Tanong niya.
Sasagot sana ako ng 'hindi' nang nakaramdam ako ng katuyuan ng lalamunan. Dala siguro ito ng matagal kong pagtulog. Ilang araw na nga pala akong natutulog? "T-Tubig." Ito lamang ang nakaya kong sabihin.
Agad-agad silang kumilos at dali-dali silang nagbigay ng tubig sa akin. Ininom at inubos ko ang tubig. Napatingin ako sa kanilang lahat, ngayon ko lang napansin na nakatitig silang lahat sa akin.
"Kilala ko kayong lahat," Umpisa ko. "Wala akong amnesia." They all sighed in relief.
"May masama ka bang nararamdaman?" Tanong ni Renz, nag-aalala.

Napatingin ako sa kabuuan kong anyo. May pilay ako sa kanang braso. Napahawak ako sa ulo ko, may benda sa may noo ko. Dahan-dahan kong inalis ang kumot ko, kumpleto ang mga paa ko pero naka-cast din ang kaliwang paa ko.
Inalala ko ang mga nangyari. Bakit nga ba ako naaksidente? Ang huli kong naalala ay kasama ko si Mark! Tumingin ako sa paligid, wala siya.
Inisip kong mabuti ang mga nangyari. Nasa loob kami ng sasakyan, kakaalis lang namin sa bahay. Sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Mark ng kanyang sasakyan, umiiyak ako dahil sa mga masasakit na salitang ibinato sa akin ng sarili kong tatay. 
Napaluha ako ng maalala ko ang mga salitang sinabi niya bago ako nawalan ng malay. "I love you, my Eight. Don't forget that." No... Hindi iyon pagpapaalam diba? Hindi siya mawawala diba? Hindi pa siya patay diba?
"Mars, tahan na." Dahan-dahan akong niyakap ni Kuya. "Safe ka na, Mars." Bulong ni Kuya sa akin.
"Shh. Okay na. Tahan na. You're safe now." Naalala kong sinabi niya sa loob ng kotse habang yakap-yakap ko siya. "We're safe now." Pinigilan ko ang mga hikbi ko. Mark, nasaan ka?
"N-Nasaan si M-Mark?" Tanong ko sa kanila. Isa-isa ko silang tinignan, walang makatingin sa akin ng diretso. Bumigat ang pakiramdam ko. No... Hindi niya ako iiwan!
"Magsalita kayo! Nasaan si Mark?!" Sigaw ko sa kanila. 
"Ate, tumahan ka na." Yayakapin niya sana ako nang pumiglas ako.
"Sabihin niyo sakin kung nasaan siya!" Sigaw ko habang umiiyak.
"Anna, kumalma ka. Masama sa'yo ang stressed, kakagaling mo lang sa disgrasya. Baka mapano ka, tumahan ka na!" Sita ni Maggie. "Renz, tumawag ka ng mga doctor!" Utos niya kay Renz.
"Sabihin niyo muna sa akin kung buhay pa siya!" Paulit-ulit kong sigaw. Wag na nilang palalain ang mararamdaman kong sakit kung patay na nga siya, sana sabihin na lang nila sa akin kaagad.
Biglang may nagpasukan na mga doctor at nurses. Yung nurses hinawakan ako sa magkabilang braso ko, yung iba ay sa paa ko nakahawak. Yung doctor naman ay may itinurok sa IV ko. Dahan-dahan kong naramdaman na nanlambot ako at bumibigat ang mga mata ko.
"Mark, nasaan ka na? Mark..." Kahit na kumalma ako physically, hindi ko pa rin maiwasang umiyak.
Lumapit sakin si Maggie at Renz. Hinawakan ni Renz ang kamay ko. "Ate, hindi pa ngayon ang tamang panahon." Yun ang huling narinig ko baka ako makatulog.


Nang magising ulit ako ay tahimik na sa loob ng aking kwarto. Naalala ko ang huling sinabi ni Renz. Hindi pa daw ngayon ang tamang panahon. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Hindi pa tamang panahon para sa ano? Para malaman ko ang kalagayan ni Mark? Hindi pa tamang panahon na malaman ko na wala na siya? Na alin? Hindi ko maintindihan. Hindi talaga. Ang labo-labo.

Don't we deserve a happy ending? Don't we deserve to be happy?

Sinubukan kong umupo. Nagawa ko naman, tinignan ko ang buong paligid . Nakatulog na ang bantay ko, si Kuya Kriz. Sinubukan kong tumayo, hindi ito madali dahil may cast ang kaliwang paa ko. Pero kailangan kong gawin ito, dahil kung hindi ko mahahanap si Mark ngayon... hindi ko malalaman ang tunay na nangyari sa kanya. Naghanap ako ng wheelchair or crutches, wala. No choice ako, kailangan kong maglakad kahit masakit sa paa. Kahit pa gapangin ko, gagawin ko.

Dahan-dahan kong hinila ang IV stand ko, baka mahuli ako ni Kuya. Mapupurnada pa ang plano ko. Palabas na sana ako ng kwarto ko nang may marinig akong nag-uusap sa labas.

"Nakakaawa siya." Boses iyo ni Maggie, hindi ako maaaring magkamali.
"Gustong-gusto kong sabihin sa kanya ang nangyari kay Mark pero hindi ko kaya, baka umiyak din ako sa harapan niya." Boses naman iyon ni Renz. Parehas may bahid ng lungkot ang kanilang mga boses.
"Bakit? Ay, nakwento sakin ni Anna na naging crush mo daw nung high school si Mark?" Nakarinig ako ng pilit na tawa, galing kay Renz.
"Loka talaga 'yun." Tumigil siya. "Isa sa mga pinagsisisihan ko yung ginawa ko sa kanila. Naiinis ako sa sarili ko kapag naiisip kong contribution ako sa pagpapasakit sa kanila nuon. Lalo na ngayon, hindi sana umabot sa ganito kung hindi nangyari ang mga masasamang nagawa ko sa kanila." Humihikbi na si Renz.
"Pinatawad ka na nilang dalawa. Kung ano man yung nangyari dati at ngayon, nakapagpatibay naman sa kanila pareho iyon." Malumanay na sabi ni Maggie.
"But still... " She sniffed. "Alam mo, ito na siguro ang pinakamalaking pagsubok na kakaharapin nilang dalawa. I don't think kakayanin ni Mars kapag nalaman niya ang nangyari sa asawa niya. Siguradong sarili niya ang sisisihin niya." Para akong binuhusan ng isang baldeng punung-puno ng yelo. Anong nangyari kay Mark?!
"Wala siyang dapat sisihin kundi yung hayop na Valerie na iyon at ang tatay niyo!" Rinig ang gigil sa pananalita ni Maggie.
"Pakiramdam ko... ang sama kong anak kapag naiisip kong deserve ni Papa ang mapunta sa kulungan. Pero, hindi na siya yung tatay na kilala namin eh. Simula nung maghiwalay sila ni Mama, nag-iba siya. Siguro dahil 'yun sa bago niyang asawa. Ang kapal ng mukha nung babae na magpanggap na nanay ni Mars! Nakakasuka sila! Mga mukhang pera!" Nasa kulungan si Papa? Buti nga! Wala akong maramdaman para sa kanya kundi galit.
"Mas walang hiya naman si Valerie no! Buti nga nasa kulungan na yung psycho na 'yun! Mabuti na lang tatanga-tanga siya at hindi siya nag-gloves nung pinutol niya yung daluyan ng brake fluid. !@#$ talaga yung babae na 'yun." Nakakulong an rin siya? Mabuti naman!
"Okay na ang lahat, maliban kina Mark at Mars. Kung ano man ang kahahantungan nito, balewala na ang pera. Mabuti mautak si Mars no? Pirma ni Anna ang inilagay niya instead yung pirma ni Mars." Nagtawanan silang dalawa. Yeah, sinadya kong pirma ni Anna ang ilagay duon kaya walang bias pa rin ang mga papeles na iyon. Sa akin pa rin ang pamana ni Lola. Pero tama sila, magiging balewala ang lahat ng material na bagay... kung wala si Mark.
"Halika, kain muna tayo. Tapos bisitahin natin si Mark?" Buhay pa si Mark?
"Sige. Kanina pa ko ginugutom." Nakarinig ako ng mga kaluskos nila.
"Saan nga ulit yung room ni Mark?" Narinig ko ang mga yabag ng paa nila. Papalayo na sila! Kailangan kong marinig kung nasaan si Mark.
Dahan-dahan kong nilusot ang ulo ko sa pintuan. Nakita ko sila na naglalakad sa kanang parte ng hallway. 
"Room 516." Laking pasasalamat ko sa Diyos nang marinig ko ang mahinang sagot ni Renz.

Tinignan ko ang room number ko. 406. Nasa taas na palapag pa si Mark. Bakit naman malayo siya sa akin?

Sinimulan ko ng maglakad at pakiramdam ko ay may natatapakan akong mga matatalas na bagay. Sobrang sakit ng paa ko!  Pero kailangan kong tiisin ito dahil sigurado akong mas masakit ang nararamdaman ni Mark. Hindi naman siguro isisikreto sa akin gang kalagayan niya kung okay lang siya diba? I really hope na hindi siya bibitiw, na hindi siya mag gi-give-up kung ano man ang nararanasan niya ngayon.
Sobrang higpit ng pagkakakapit ko sa mga nakakabit na hawakan sa hallway ng ospital. Ayokong mag-give-up. Napakalayo ng elevator at napakatarik ng mas malapit na hagdanan, mukhang pahihirapan talaga ako. Padadaanin talaga ako sa matinding paghihirap bago ko siya makita. Pero kumpara siguro sa kalagayan ngayon ni Mark, maliit na sakripisyo lang itong pagdadaanan ko. Kaya kakayanin ko ito! KAKAYANIN KO ITO!
Unang hakbang pa lang sa unang hakbang ng hagdan ay halos ikamatay ko na sa sobrang sakit ng aking paa. Kelan pa ba matatapos itong mga pasakit na ito?! Ano bang ginawa naming para i-test kami ng ganito?! Buong buhay ko, wala akong naramdaman kundi sakit. Nabawasan lang ito nang summating si Mark sa panahong kailangan na kailangan ko siya. Siya ang nagpuno ng pagmamahal na hindi naibigay sa akin ng pamilya ko. Siya ang bumuo sa pagkatao ko. Siya ang naging lakas ko sa mga panahong mahina ako. Siya ang buhay ko.
Narating ko ang ikalimang palapag na ako ay luhaan at pawisan. Ngunit ko ito inalintana at inumpisahan ko ng maglakad ulit para mahanap ang kwarto niya.

500, 501, 502, 503, 504, 505... Nasaan nab a ang room 516?! Diyos ko, huwag niyo naman po ako pahirapan pa ng sobr—
"Ma'am, bawal na pong lumabas ang mga pasyente ng ganitong oras." Anak ng patola. Nahuli pa ko ng nurse!
"Miss, babalik din ako. Hahanapin ko lang ang kwarto ng asawa ko." Nagsimula na muli akong maglakad pero pinigilan ulit ako ng nurse.
"Ma'am, hospital policy po iyon. Huwag na po kayong makulit, bumalik nap o tayo sa kwarto niyo." Pumiglas ako ng hawakan niya ako sa braso ko.
"No!" Iwas ko sa kanya. "Saglit lang ito. Babalik din ako at kaya kong bumalik mag-isa!" Hinawakan niya ulit ako at hindi na ako nakapalag pa.
"Miss, uulitin ko po. Hospital policy po iyon. Para sa ikabubuti niyo rin po ito." Sinubukan niya akong akayin pabalik  pero pumiglas ulit ako.
"I said no!" Hindi ko na napigilang sumigaw, dala na rin siguro ng frustration. "Hindi ka ba marunong umintindi?! Palibhasa hindi mo nararanasan tong pinagdadaanan ko! Palibhasa hindi mo alam ang pakiramdam ng nakaratay at walang kamuwang-muwang kung patay na ang asawa mo o hindi!" At hindi ko na rin napigilang umiyak. "Please, babalik din ako. Gusto ko lang makita siya at malamang ang kondisyon niya." Pagmamakaawa ko.
Nag-isip muna siya bago siya nagsalita ulit. "Sige, Ma'am. Antayin niyo ako dito at kukuha lang ako ng wheelchair." Aalis na sana siya nang pigilan ko siya.
"Sasamahan mo ko? Hindi mo ko dadalhin sa kwarto ko?" Tumango siya. "Promise?" Tanong ko pa uli para makasiguro.
"Promise po, Ma'am." Ngumiti siya bago umalis.

Dumating siya kaagad tulak-tulak ang isang wheelchair. Inalalayan niya akong makaupo at inayos niya muna ang IV fluids ko bago namin hanapin ang room ni Mark.

"Saan po ba ang room ng asawa niyo?" Tanong niya.
"516." Sagot ko habang tinitignan ang mga room numbers ng mga nadadaanan namin.
Napahinto siya bigla pero pinagpatuloy niya kaagad ang pagtutulak sa wheelchair ko. "ICU poi yon, Ma'am." Mahina niyang sabi.
Ako naman ang napahinto sa sinabi niya. Parang huminto saglit ang pagtibok ng puso ko. ICU?! As in yung tinatawag nilang Intensive Care Unit?! "Tama nga ang hinala ko. Nasa panganib ang buhay ng asawa ko." Maluha-luha kong sabi.
"Malapit na po tayo." Tinuro niya ang isang na may mga harang na salamin imbes na simpleng pader o dingding ang nakalagay. "Iyan po ang ICU." Itinapat niya ang wheelchair ko sa harap ng salamin.

Nang makalapit na kami ay inalalayan niya ako na makatayo dahil hindi ko makikita si Mark kung nakaupo ako sa wheelchair. Bawal rin pumasok dahil sterile sa loob. Hanggang tingin lang tuloy ako sa salamin.

Nang makita ko na ng maayos si Mark ay parang dinurog ang puso ko. Mga mga tubo sa ulo niya, sa bibig din at pati sa leeg niya. Marami pang mga apparatus na nakakabit sa katawan niya. Naka-cast ang kaliwang kamay niya at ang mga paa niya.
Napahawak ang nanginginig kong kanang kamay sa aking bibig, sinusubukang pigilan ang mga hikbing maaring lumabas.
"Ma'am, kailangan nap o nating bumalik sa room niyo. Baka mahuli pa tayo." Inalalayan niya akong umupo sa wheelchair. Hawak-hawak ko pa rin ang bibig ko at patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Paalis na sana kami nang may marinig kaming nakaririnding ingay galing sa loob ng ICU. Napatingin ako sa loob... yung cardiac monitor, flat line na.[/b]

Nanigas ako sa kinauupuan ko habang iniwan ako ng nurse na kasama ko. Tumakbo siya papuntang Nurse's Station.

"Code Blue! Code Blue!" Narinig kong sigaw ng mga nagtatakbuhang doctor papunta sa ICU.

Kinuha nila out of nowhere ang mga apparatus at sinimulang i-revive si Mark.

My God, is this really happening?!

"Mark, lumaban ka! Sabi mo walang iwanan! Huwag mo kong iwan!" Sigaw ko habang niri-revive sa harapan ko ang aking asawa, ang aking Mark... ang aking buhay.


Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon