VII. What Really Happened In Cali.

262K 4.4K 575
                                    

"Oh my God, Riri. I'm so sorry. Hindi na sana ako nagpumilit na mag bar tayo kung alam ko lang na ito ang mangyayari. Kasalanan ko to eh!" Halata ang pagkadismaya ni Maggie sa sarili niya.

"Maggie, its not your fault. Don't blame it on yourself." I reassured her. Kanina pa kasi siya eh, kanina niya pa sinisisi yung sarili niya.



Nandito na nga pala kami sa bahay, nakapagpalit na kami ng aming PJs, nakapagtanggal ng make-up at nagpapahinga na kami dito sa kitchen table namin, umiinom ng hot chocolate.


"I'm really, really sorry, Riri." Maluha-luhang sinabi ni Maggie.

Natawa naman ako sa kanya. "Ano ka ba, Maggie! Let's just forget it and leave it in the past, okay? Its not like makikita pa natin siya ulit." She frowned.

"Yun na nga ang problema eh. Makikita pa natin siya ulit." What the...? Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean?" Napakunot yung noo ko.

"He'll start teaching in DAU!" Ugh. Malaking problema ito. 



"Ma'am, excuse po. Gusto po kayong kausapin ni Ma'am Theresa." Inabot niya sakin yung cordless phone. Bigla naman akong kinabahan.

"Hello, Ma?" Bakit kaya siya tumawag? Anong oras na ah? Alam niya naman na sa ganitong oras, natutulog na ako.

"Bakit gising ka pa?" Kakaiba ang tono ni Mama. Nagtatakot talaga ako.

"Nagmi-midnight snack lang po kami ni Maggie, Mama." I heard her sigh.

"Ginutom siguro kayo sa pagba-bar niyo?" Fudge. I knew it. Alam na ni Mama.

"Mama, I'm sorry po. Hindi na po mauulit." I started to sob. First time ko kasing suwayin si Mama at tignan kmo ang kinalabasan! I shouldn't have done that.

"I gave you strict orders, young lady. Pero sinuway mo ako. I am very disappointed to the two of you." I just sobbed."Nalaman ko pang may nanggulo sa inyo? Nakita mo na naidudulot ng pagsuway, Riri?!"

"Hindi na po talaga mauulit, Mama."

"Bukas na lang natin to pag-usapan pati na ang parusa mo. Pagod pa ako at ang Papa mo. Sige na't matulog ka na." Binabaan niya na ako, hindi man lang ako nakapagpaalam.  Galit na galit siguro si Mama at Papa.




Nandito ako ngayon sa bahay ni Zeke, mas malapit kasi to sa Bar na pinanggalingan namin. Nakahiga lang ako sa kama, siya nasa may couch. Medyo nawala na yung pagkalasing ko dahil sa kapeng pinainom sakin ng asawa ni Zeke. Sayang tulog na yung inaanak ko, walang makakapagpalibang sakin ngayon.


"Pare, bakit nga ba hindi ka nagparamdam sa loob ng pitong taon?" Biglang nagsalita si Zeke.

"Huh?" Hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya.

"Tinatanong kita kung bakit hindi ka nagparamdam ng pitong taon?" Ito ang pinaka iniiwasan kong taon eh.

"Naging masyado lang akong naging busy at focused sa pag-aaral." Yumuko ako, baka mapansin niyang may tinatago ako.

"Dude, I know that's not just it. May iba pang dahilan."Hindi ako kumibo. "Man, you know you can tell me everything. " Kahit best friend ko si Zeke, I don't maiintindihan niya ako. Baka magalit pa siya sakin.

"I'm sorry I can't." Huminga siya ng malalim.

"Why not? Sooner or later, malalaman ko rin yan. You better tell it now, kung ano man yan, I can sense that hindi ko magugustihan yan kapag narinig ko sa iba." May point nga naman siya. Bahala na. Kasalanan ko rin naman talaga...

"Bago ako umalis, may nangyari samin ni Mars. But before that, we broke up, ayaw niyang matali ako sa kanya, binigyan niya ako ng kalayaan." Patango-tango lang si Zeke sa mga nalaman niya. "Since, ayoko ng masaktan pa si Mars, I decided not to contact her muna. Hindi ko napansing ilang months ko na pala siyang di napapansin... Because I'm too busy with my new girlfriend." Nalaki yung mata ni Zeke.

"!@#$, Dude. Did you just said NEW girlfriend?!"Napabuntong hininga ako.

"Yes. New girlfriend nga ang sinabi ako." 

"I cannot believe you did that." He pinched his nose bridge, a sign of frustration.

"I was blinded by my freedom, isama mo pa ang culture shock." I shook my head.

"So... What happened next?"

"My relationship with Milly is like a fling... but it lasted almost 3 years?" 

"Fling? Bakit? Hindi kayo emotionally attached?" I nodded. "So you mean... Parang Friends with benefits kayo?"

"Yes. I was blinded by the thought that she's liberated. It never occurred to me that she'll change."

"Teka, Pre. Bakit siya nagbago?" 

"Because I got her pregnant." Nanlaki na naman ang mga mata ni Zeke.

"SERIOUSLY?! Dude! Ano ba?!" Tumayo siya at binatukan ako ng malakas.

"Pre, I know! I was so stupid that time! I was so caught up with everything. With Milly, with Lola and with Dad!"That time, naospital din yung Lola ko at nape-pressure ako sa Dad ko.

"So may anak ka na ngayon?" Napapikit ako, naalala ko yung nga masalimuot na alaala ng California.

"She aborted our child without telling me. I was so devastated that time,  namatayan ako ng anak! Pero mas nagalit ako sa sarili ko ng mabasa ko yung mga e-mail ni Mars." Na-guilty ako ng oras na yun, she thought I was studying too hard kaya hindi ko kayang makipagcommunicate sa kanya. Little did she know, I impregnated someone.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa'yo." I sighed.

"Na disappoint ka rin siguro sakin." Umiling siya.

"Sa ginawa mo kay Mars, mas maganda na rin sigurong nananahimik na siya sa taas. Mas masasaktan lang siya kung buhay pa siya ngayon. Though, technically hindi ka naman nag cheat sa kanya." Napayuko ako.

"Hindi pa siya patay, okay?! I'll make it up to her, I'll do everything para mapatawad niya lang ako." Naglakad na siya palabas ng kwarto.

"Huli na 'yan. Wala na siya." At tuluyan na siyang umalis.



Si Mars nga ba ang kapalit ng pagwawala ko sa California? Bakit hindi na lang ako ang pinarusahan? Kung ito nga ang sinasabi nilang karma, bakit kinakailangang si Mars ang mawala? At kung totoo nga na wala na siya, mapapatawad niya pa kaya ako sa kabilang buhay?

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon