VIII. The Chaperon.

264K 4.1K 317
                                    

Mag-aalas kwatro na ng umaga, hindi pa rin ako makatulog. Hindi dahil sa lakas humilik ni Maggie o dahil sa parusang ipapataw sakin ni Mama bukas... Kundi dahil dun sa 'Mark' na yun na nanggulo samin sa bar. Ewan ko ba, hindi ako nagagalit sa kanya. Naaawa nga ako sa kanya eh, kung totoo mang yung 'Mars' na binabanggit niya. Bakit kaya niya nasabing naging torture ang buhay niya ng mawala sa kanya si Mars? Nagkahiwalay kaya sila dahil may masama siyang ugali? Niloko niya ba si Mars at na-realize niya ngayon ang worth nito? O hindi kaya... wag naman sana eh namatay na yun? Well, not literally, baka yung puso or yung pagmamahal nung Mars dun sa kay Mark.


Hayy! Ano ba naman to?! Bat ko ba naman to pinag-aaksayahan ng panahon na pag-isipan?! Makapagbilang na nga lang ng tupa nang makatulog!  



"Dadating mamaya ang parusa mo. Mga bago mag lunch andyan na siya, kaya wag kang aalis ng bahay! Antayin mo yun dumating." Yan ang naaalala kong sinabi ni Mama kanina. Ano ba ang dadating mamaya bago mag-Lunch? Package ng ahas? Bayawak? O tao?



Ding! Dong! Ding! Dong!


"OMG! Ayan na yung parusa mo!" Yinugyog ako ni Maggie bago kamo tumakbo pababa para buksan yung front door.


Pagkababa namin, nabuksan na ng yaya ko ng pintuan yung... babae?


"Good Afternoon po Miss Anna Maria." Tumingin siya kay Maggie. 

"Maggie." Nginitian siya ni Maggie.

"Good Afternoon din po, Miss Maggie." Linipitan namin siya ni Maggie.May dala siyang isang maleta. Andyan kaya sa loob niyang yung parusa?

"Riri na lang ho. Teka, dala niyo na po ba yung... er.. parusa ko?" Nagbago yung expression ng mukha niya, from smiling to nagtataka?

"Miss Riri, hindi po ba nasabi sa inyo ni Ma'am Theresa na ako na mismo ang parusa niyo?" Ako naman ang nagtaka. Bakit itong babaeng ito ang aking 'parusa'? At pano ko siya naging parusa?

"Don't tell me andito ka para latiguhin ako?!" I know what I said is stupid pero wala na akong maisip na way na pagpaparusa sakin eh.

"Hindi po, Miss Riri. Wag kayong mag-alala." Nakahinga naman ako ng maluwag. "Ako nga po pala si Lydia, personal yaya at chaperon niyo po sa kahit anong lakad niyo."Napanganga ako sa narinig ko. CHAPERON!? What am I? A kid?!

"Seryoso yan, Ate Lydia?" Katulad ko, di rin makapaniwala si Maggie na may palaging bubuntot sakin!

"Seryoso po ako, Miss Maggie." 

"Kahit saan susundan mo ko?" Tumango siya. "Kahit anong oras?" Tumango ulit siya.

"Kailangang lahat ng pupuntahan niyo, ginawa niyo at makakasama niyo ay maire-report ko kay Ma'am Theresa." Napahawak naman ako sa ulo ko, my God, Mama! Parusa nga ito, mas pipiliin ko pang mabawasan ang allowance ko ng buong taon kesa magka-chaperon!

"Tignan mo resulta ng pambi-B. I. mo, Maggie." Hindi ko na naiwasang sisihin si Maggie sa sobrang inis ko.



"Eto ba ang tamang address niya?" Tumango yung hired investigator ko. Oo, pinaimbestigahan ko si Anna Maria Ordoñez, pinahanap ko kung saan siya nakatira at kung ano-ano pang tungkol sa kanya.

"Nahirapan po ako sa pag-iimbestiga sa kanya. Mabuti na lang at may mga galamay ako sa iba't ibang opisina kaya nailusot namin yang maliliit na impormasyon tungkol sa kanya."

"Ganun ka higpit?" Tumango siya.

"Basta sa mga mayayaman po, mas mahigpit sila. Wag na rin po kayong magtaka, kabilang po kayo sa mga taong iyon." Inabot ko na sa kanya ang bayad.

"Sige. Salamat." Nagpasalamat din siya at umalis.


Hindi alam ni Zeke itong pagpapa-imbestiga kay Mars. Oo, hindi pa nga napapatunayang siya nga si Mars pero tulad nga ng sinabi ko noon, siya si Mars. Kahit anong sabihin nila, kasinungalingan lang yun. Siya si Mars. Wala ng makakapagpabago ng isip ko.


Wala na akong inaksaya pang panahon at nagmadali na akong pumunta sa nakasaad na address dito sa papel na ibinigay sakin nung hired investigator ko. Kailangang makita ko na siya agad, kailangang mapaamin ko siya na siya nga si Mars, kailangang tapusin na nila tong kalokohan na to.


Nag doorbell ako at pinapasok ako ng yaya nila ng sabihin kong kaibigan ako ni 'Anna Maria'. Pinaupo ako nung katulong sa may sala habang tinatawag niya si 'Ma'am Riri' niya.


"Bisitang lalaki? Wala naman akong kilalang lalaki na may alam ng address ko---" Napatigil siya ng makita niya ako. "Oh my God! Anong ginagawa mo dito?!" Iniwan kami bigla nung katulong. "Hey Yaya! Wag mo akong iwanan dito!" Lumapit agad ako sa kanya at niyakap siya.

"Its good to see you again, Mars!" Ngumiti ako sa kanya matapos ko siyang yakapin.

"Paano mo nalaman ang address ng bahay ko!?" Pasigaw niyang tanong sa akin.

"Hindi na mahalaga kung pano, ang importante ay nagkita ulit tayo, Mars." Yayakapin ko pa sana siya ulit ng itulak niya ako.

"Nababaliw ka na ba?! At bakit ba Mars ka ng Mars?! Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na hindi ako ang girlfriend mo?" Sinubukan niyang lumayo pero nahila ko ang braso niya.

"Hanggang kailan mo pa ba ako pahihirapan, Mars? Alam kong nagsisinungaling ka lang." Nagpumiglas siya.

"Bitawan mo nga ako at lumayas ka sa pamamahay ko!"Binitawan ko naman siya ng dahan-dahan.

"Ayan. Binitawan na kita, pero hindi ibig sabihin niyan mapapauwi mo ako. Kailangan mo munang aminin na ikaw si Mars bago mo ako mapaalis dito!" Tumakbo siya palayo sakin.

"My God! You're crazy! Umalis ka na dito bago ako tumawag ng security guard!" Lumapit ulit ako sa kanya pero tumakbo ulit siya at nagsusumigaw.

"Yaya! Tulong! Tawagan mo yung security guard dito sa subdivision natin! Paalisin mo tong siraulong to! Hindi ko to kilala!" Nakaabot kami sa second floor pero napagsaraduhan niya ako ng pinto.


"Mars! Buksan mo tong pinto! Mag-usap tayo!"Kinalampag ko ng kinalampag yung pinto ng kwarto niya.

"UMALIS KA NA! PLEASE!" Sigaw niya mula sa loob ng kwarto.

"Sinabi ko na sayong hindi ako aalis dito hangga't di mo inaaming ikaw si Mars! " Hindi na siya umimik kahit anong pagkalampag ko sa pinto.

Nagulat na lang ako ng may humila sa aking tatlong lalaking nakaunipormeng pang security guard. Sinisigawan nila ako habang kinakaladkad nila ako pababa ng second floor hanggat makalabas kami ng bahay nila Mars at maitulak nila ako sa sasakyan ko.


"Umalis ka na dito kung ayaw mong mapa-blotter! "Tatakbo pa sana ako para makapasok sa gate nila pero nasara agad nila. Kinalampag ko ulit.

"Hindi pa ako tapos, Mars! Babalik ako sa mga susunod na araw! MAPAPAAMIN DIN KITA!" Tumigil na ako at umalis.



"Oh my God! He was here kanina?!" Tumango ako habang umiiyak. Grabe, na-trauma ata ako sa experience ko na yun. Hindi ko aakalaing aabot pa yung nangyari nung isang gabi sa bar hanggang dito sa bahay. Feeling ko hindi na safe ang buhay ko.

"Sinaktan ka ba niya? May masama ba siyang ginawa sa'yo?" Umiling ako.

"Wala naman, pero katulad nung nangyari sa bar. Pinipilit niya pa rin na ako yung girlfriend niyang si Mars." Napailing naman si Maggie.

"Kamukhang-kamukha mo talaga siguro yung Mars na yun no?" Napabuntong hininga naman ako.

"Sa dami naman ng kamukha ko, bakit yung girlfriend pa ng isang psycho?" Natawa naman si Maggie.

"Hindi ako makapaniwala na wala ako dito nung nangyari yun at nagliliwaliw ako sa mall. Alam na ba ni Tita Theresa?" Tumango ako.

"Oo, kanina pa siya tinawagan ni Ate Lydia. And guess what?" Lumapit siya lalo sakin.

"What? Ayoko ng manghula pa! Sabihin mo na." Natawa naman ako sa kanya.

"Nag-iimpake na yung katulong na nagbukas nung gate. Di daw kasi sinigurado kung kilala ko nga yung bisita."Napailing naman si Maggie.

"Kawawa naman siya, pero may kasalanan rin naman siya eh. Paano na lang kung may bail yung tao diba?"Tumango ako.

"Bukas na bukas din daw, sasamahan ako ng lawyer namin na magfile ng restraining order laban sa kanya."

"Paano mo naman yun? Ni hindi mo nga kilala yun eh!"Nginitian ko siya.

"Nalaglag niya yung wallet niya at may ID siya dun."Tinuro ko yung wallet na nasa bedside table ko.

"Pwede akong sumama bukas?" Umarte ako na nag-iisip."Sige naaaaaa." pagpupumilit niya pa.

"Oo na! Syempre kailangan ko ang bestfriend ko dun no!"Niyakap niya naman ako.

"Yey! Dalawa na kami ni Ate Lydia na magbabantay sa'yo bukas." Sabay tawa niya.
 


Napag-isip isip ko na yun siguro ang purpose ni Ate Lydia kung bakit siya naging chaperon ko. Pero siguro kampante ako na bawat oras, may nagbabantay sakin at may maglalayo sa akin sa kapahamakan. Lalo na dun sa lalaking yun. Baka pagbalakan niya pa ako next time. Nakakatakot siya. 

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon