XIX. The Cabin.

208K 3.3K 59
                                    

"Akala ko hindi mo na ako dadalhin dito." Sumimangot ako habang nakaupo ako sa kama niya. Yes, nandito ulit ako sa cabin niya at hindi na naman ako nakapalag. Pagdating talaga sa kanya, nakakalimutan ko ang meaning ng 'control'. This is bad.

"This is our original love nest." Tinabihan niya ako at unti-unting yumakap sa akin, "Bakit mo naman naisipang hindi kita dadalhin ulit dito? Psh." Lumingon ako sa kanya, nakita ko siyang nag-roll ng eyes.

"That is sooo gay." Siya naman ang tumingin sa akin.

"Gay? Gusto mo bang patunayan ko sa'yong lalaki ako?"He showed his devilish smile. 

"Sure. But how?" I challenged him.

"How? Hmm... Maybe, like this?" He started kissing my neck. Oh God, he really knows how to seduce me.

He suddenly stopped then he laughed. Napatingin ako sa kanya,"What's so funny?" Medyo irritated na yung tono ko.

"Nothing, its just that... these hickeys will take time to disappear." Napatayo ako at napatakbo sa CR niya. Dumiretso agad ako sa harapan ng salamin. That...that jerk! Mahihirapan akong i-conceal to!

Napansin kong nasa likuran ko na pala siya, tinitigan ko ng masama yung reflection niya. Ngumiti lang siya at unti-unting lumapit. "What?" He asked innocently.

"I hate you." I pouted. He grinned and made me face him then he pulled me closer, resting his hands on my lower back.

"I hate you, too." He brushed his lips gently against mine. I didn't held back, I just want to savor this moment. It feels like... it will be the last. God, I hope it won't.

"Paano pala tayo sa party mamaya? Si Ms Val na naman ang ka-date mo?" Tumango siya at napasimangot ako.

"We'll find a way... and I'll make it sure na ikaw ang kasama ko hanggang sa umaga. But for tonight, sa kanya muna ako." I pulled away from his embrace. "What?" He asked.

"I hate sharing... especially when it's you that I'm sharing with others." He pulled me again, this time hugging me tighter.

"Possesive ka pala?" Hinamapas ko siya at tinawanan niya lang ako. "I like possessive girls... pati yung mga feisty, yung tipong nanghahampas talaga." Hinampas ko ulit siya."Lalo na yung tipong inuulit-ulit pa!" Hindi ko na siya pinalo kasi nahahalata ko ng pinagtitripan na niya ako.

"Sana naman mamaya, wag kang masyadong sweet kay Ms Val..." Sabi ko habang nakayuko, ewan ko ba bakit may lakas ako ng luob na sabihan siya ng mga ayaw kong gawin niya.

"Bakit naman? Selfish ka talaga." Pabiro niyang sabi.

"Selfish na kung selfish! Ayoko lang naming magselos ng todo mamaya!" Kumalas ulit ako sa yakap niya at dumiretso na pabalik sa kama niya.

Umupo siya sa tabi ko. "Fine. I'll try pero kailangan kong sakyan yung mga gusto niyang gawin."

"Bakit naman?" Nakasimangot pa ako habang nagtatanong.

"Kasi baka makahalata yun na cold ako sa kanya, gusto mo bang mabuking tayo? Na matapos agad to?" Medyo kumirit yung dibdib ko.


 
 Iba kasi sa pandinig ko. Masakit. Kahit isang word lang yung may mabigat na kahulugan.



Matapos agad? So matatapos pala talaga, pinapapatagal niya lang to pero eventually, matatapos din...



"Oh? Bakit parang natahimik ka ata?" Napatingin ako sa kanya, bumalik ako sa kasalukuyang panahon galing sa malalim kong pag-iisip.

"Ah wala. Babalik nap ala ako sa cabin namin, baka may naghahanap na sa akin." Agad-agad akong tumayo at nagmadaling makalabas ng cabi niya.

Pero mukhang mahihirapan akong makalabas dahil kay Mark, hinila niya ako at natumba kami sa kama niya. "Mamaya na. Magtagal ka muna dito..." Sabi niya matapos niyang halikan ang mga labi ko.

"Mark, kailangan ko ng umalis. Mag-aayos pa ako para sa party mamaya." Bumuntong hininga siya at lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin.

"Fine. Magpaganda ka para sa akin." Nakahinga naman ako ng maluwag, tatayo pa lang sana ako ng hilahin niya ulit ako pabalik sa kama niya. 

"Just one last kiss." Hinalikan niya ulit ako sa labi, gumanti ako dahil parang ako ay napailalim na naman sa kapangyarihan ng halik ni Mark. Ibang klase talaga siya...




Pagkalabas ko ng cabin niya ay nakahinga ako ng maluwag. Ang hirap na lumabas sa sitwasyong pinasok ko, hindi ko ako maaaring magdesisyon na makalabas dahil parang wala naman akong 'say' sa sitwasyon naming. Siya ang nasusunod. Si Mark ang nasusunod kung hanggang kalian lang kami... Kapag sinabi niyang tapos na kami, tapos na talaga kami.




Sana kayanin ko kapag dumating ang araw na iyon...

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon