MBSL-42

10.3K 174 5
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Samantha point of view

"Ano, kaya pa?" He asked. Hingal na hingal ako at sumandal. Ngumisi ito sa akin at kumindat. "Malapit na natin marating ang dulo e, nabibitin ako." Pamimilit nya. Umiling ako habang habol ko pa din ang aking hininga.

"Pagod na ako. Kanina pa natin 'to ginagawa. Ang sakit na ng mga balakang ko." Reklamo ko. Tumawa naman sya at lumapit sa akin tapos ay ginulo ang buhok ko. "Ano ba?" Naiinis kong saad dahil ginulo nya ang buhok ko. Pinahid ko ang pawis kong lumalandas pababa sa aking dibdib.

Grabehan na'to ah. Kanina pa namin 'tong ginagawa tapos hindi pa namin marating yung dulo. Ang sakit na ng balakang ko kakalakad pero parang wala pa kami sa kalhati. Huhu. Dapat pala hindi na lang ako sumama dito kay Dwight.

"Sir, Maam, we need to move now." Saad nung tour guide namin. As usual nandito kami sa Batangas. Ewan ko ba dito kay Dwight kung bakit naisipan mag hiking. Ang hirap kaya umakyat ng bundok. Ako naman si tanga, pumayag.

"Lika na." Saad nya tapos ay hinawakan ang kamay ko at hinila na ako. Hindi na ako makapalag kasi gusto ko na din matapos ang paghihirap na 'to. Kumbaga isang hirap na lang tapos sarap na ulit.

Actually, ayos na ako. Sa tingin ko natanggap ko ng wala na ang anak ko. Nakakalungkot nga lang dahil hindi naman siya nakasama. Kaya din siguro ako niyakag ni Dwight mag hike para makalimot sa sakit. Well gradually, siguro mawawala din ito.

Dumaan kami sa ilog, sa matarik na daan, sa malumot na lupa, muntik pa nga ako madulas mabuti na lang nandun si Dwight para saluhin ako. At ilang oras ay narating na namin ang tuktok. Gusto kong maiyak dahil ang sarap ng pakiramdam ko habang tinitingnan ang napakagandang tanawin dito sa itaas. Sabi nga nila, may kapalit lahat ang paghihirap.

Inayos namin ni Dwight ang tent namin dahil dito kami magpapalipas ng gabi. Ano bababa ulit kami? Edi para na kaming nagpakamatay nun. Haha. Jowk. Habang inaayos namin, nagsimula na yung mga tour guide na bumaba muli ng bundok para naman daw masolo namin ang isa't-isa. Naks, si kuyang guard nakaka sense ng mangyayari. Haha.

"Ipasok mo nga 'to." Sigaw ko at ibinigay iyon kay Dwight. Inabot naman yun ni Dwight habang nakangiti sa akin. "Oh bakit ka nakangiti?" Naiinis kong saad sa kanya. Tumaas naman ang kilay nito habang nakatingin pa din sa akin.

"Eto naman talaga ang trabaho ko.. ang taga PASOK." Pinandiinan nya pa talaga ang salitang pasok ha? Sinamaan ko lang sya ng tingin. "At ikaw ang taga sigaw." Bulong nya sa tenga ko dahilan para magsitaasan ang balahibo ko. Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko namumula ang mga pisngi ko.

Umupo nalang ako dun sa may malapit sa cliff, pero may harang naman at nagmuni-muni. Kung hindi kaya nawala ang anak namin, magiging mabuting magulang ba kami ni Dwight sa kanya? Many questions are playing inside my head but it vanish as I felt Dwight's presence beside me as he watching the sun sets.

Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Ang swerte ko na talaga dahil sa akin sya napunta. Sa mga oras na sobrang nasaktan ako, hindi nya ako iniwan. Palagi lang syang nasa tabi ko kahit nasaktan din sya. Umipod ako at sumandal sa balikat ni Dwight at pinanuod namin na lumubog ang araw.

"I love you.." malambing kong saad. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun. Natatanga na ata ako. Gumalaw si Dwight kaya tumingin ako sa kanya. "May problema ba?" Tanong nya sa akin. Ngumiti naman ako at umiling.

"Wala. Gusto ko lang malaman mo na mahal kita." Paliwanag ko. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "Alam ko naman yun e. Actions speaks louder than words." Saad nya at ngumiti. I bit my lip as I stared at his red lips and in one second, his lips met mine.

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Where stories live. Discover now