MBSL-14

12.7K 306 11
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Dwight point of view

Kanina ko pang minamataan itong si Ethan e. Laging humahawak sa bewang ni Sam. Kaya nga ako pumuwesto sa likuran nila para kita ko silang dalawa, at malapitan pa. Biglang tumugtog ng slow music at nagsitayuan ang mga estudyante kasama ang kanilang mga kapareha. Mas lalong nanlaki ang mata ko ng tumayo si Ethan at inilahad ito kay Sam. Akala ko hindi ito tatanggapin ni Sam pero nagkamali pala ako. Pinanuod ko lang sila maglakad papunta sa gitna. Nung inilagay ni Ethan ang kamay nya sa bewang ni Sam ay iniiwas ko na ang aking tingin.

Buiset! Ininom ko agad ang wine na nasa harap ko. Isa pang nakaka buiset itong si Reggie na nakapulupot lagi sa braso ko. Daig pa nya ang ahas, para syang si Britt. Nakakairita!

"Dwight, sayaw tayo.." aya nya sa akin habang nakangiti. Maganda naman itong si Reggie pero hindi talaga sya katulad ni Sam. Ibang-iba si Sam sa kanya. Napag alaman ko na galing sya sa mayamang pamilya. Madami na din syang naging nobyo at ayoko sa mga babaeng gamit na. Sorry for the term pero ayoko talaga sa ganon. Ang gusto ko, sa akin nya lang ibibigay yun dahil ako lang naman ang mahal nya. Ayoko din sa kanya dahil sobrang clingy nya, naiirita ako sa ganon.

Minsan nga nakapunta sya sa kompanya at walang pakundangang pumasok sa opisina ko. Ano sya asawa ko para magdiretso na lang papunta dun? Gusto na nga din sabunutan ni Juli pero sinaway ko lang. Mabuti na lang at wala akong bisita o kausap sa oras na yun. Ilang beses na nya akong inakit para gawin ang isang bagay, pero tumanggi ako. Oo sabihin natin na malakas ang alindog nito at talagang napakaganda ng katawan, pero ayoko na ng ganon. Ititigil ko na yun dahil ayoko ng gumawa ng kagaguhan. Ayoko na..

"Im tired. Excuse me.." saad ko at tumayo. Naglakad ako papunta sa restroom at humarap sa salamin. Bumalik sa isipan ko yung araw na gusto kong halikan si Sam pero hindi ko tinuloy. Naisip ko na sa mga babaeng katulad ni Sam, mahalaga ang unang halik sa kanila. Hindi ko ginawa kasi sino ba naman ako sa kanya? Hindi naman nya ako nobyo para halkan ko sya ng ganoon.

Hinugasan ko ang kamay ko at tumingin muli sa salamin. Napansin ko naman yung dalawang lalaki na pumasok ng restroom habang nag uusap.

"Haha. Oo nga, magaling pala si pareng Ethan." Saad nung isang lalaki. Tumawa naman yung isa. "Oo nga e." Saad nila. Napakunot naman ang noo ko. Anong nangyayari? Agad akong lumabas ng restroom at hinanap sina Ethan. Agad ko naman sila nakita pero napako ako sa kinakatayuan ko ng makita silang dalawa ni Sam.

Umakyat ang galit at selos siguro sa ulo ko. Agad kong kinuyom ang palad ko at naglakad papunta sa direksyon nila. Nakita kong ginalaw ni Ethan ang labi nya kaya si Sam ay lalong nanlaki ang mata. Mas lalo akong nagalit dahil sa ginawa nya. Nang makalapit ako ay hinila ko agad palayo si Ethan kay Sam at sinuntok sya. Nangangatal ang katawan ko at wala akong ibang alam kung hindi ang galit. Humandusay ito sa sahig habang dumudugo ang labi. Madaming nakatingin sa amin.

Binaling ko ang tingin ko kay Sam na nakahawak sa kanyang bibig habang nakatingin din sa akin. Agad kong hinuli ang kanyang braso at hinila sya palabas ng venue na yun. Mabuti na lang at hindi sya nagpumiglas.

Wala akong ibang iniisip kung hindi si Sam. Bakit hindi man lang nya tinulak si Ethan? Gusto nya ba din yung halik na yun? At yung Ethan na yun! Damn that guy! Ako nga kung ano-ano nang pagpipigil ang ginawa ko para hindi halkan si Sam tapos sa kanya nanakawin na ng ganon?! Eh hindi naman sila magnobyo e!

Napahinto ako sa paglalakad ng tumigil din si Sam. Nasa gitna na kami ng field papunta sa parking lot. Tumingin ako sa kanya at bumungad sa akin si Sam na bumalik na sa ulirat. Tinanggal nya ang braso nya sa aking kamay tapos ay umantras.

"B-bakit? Bakit?" Tanong nya habang nakatingin sa akin. Humakbang ako palapit sa kanya pero umantras sya. "K-kailangan kong balikan si Ethan!" Saad nya at tumalikod pero pinigilan ko sya.

"We're going home." Mahinahon kong sambit. Nakatulala lang sya tapos ay kumunot ang noo. Sinuntok nya ang aking dibdib. "Hindi ako uuwi. Sinuntok mo sya, Dwight!" Sigaw nya sa mukha ko.

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa braso nya. Nakuha nya pang ipagtanggol ang lalaking yun?

"Sinuntok mo sya! Bakit mo ginawa yun?!" Paulit-ulit nyang sigaw habang sinusuntok ako sa dibdib. Napapikit ako ng mariin at nag tiim bagang. Hinuli ko ang mga kamay nya tapos ay tumingin sya sa akin.

"Kasi hinalkan ka nya! Nobyo mo ba sya para halkan ka?!" Panunumbat ko. Napatigil naman ito at bumigay ang kaninang galit nyang mukha. Humakbang ito palayo at binawi ang kamay nya.

"B-bakit? Nobyo ba kita para gawin yun?" Tanong nya habang nangingilid ang luha nya. Gusto ko syang lapitan pero binantaan nya ako na wag akong lalapit.

"Nobyo ba kita? Ha, Dwight?" Tanong nyang muli. Yumuko ako at tiningnan ang aking mga sapatos. Nobyo nya ba ako para gawin ko yun? Gusto ko lang sya ilayo kay Ethan kaya ko nagawa yun. Umiling ako at binalik ang tingin sa kanya. Napatawa ito at pinahid ang lumandas na luha.

"O baka nagseselos ka? Tama ba ako?" Tanong nya. Nagulat ako sa tanong nya. Nagselos ba ako? Oo, sobra. Kung makita mo ang babaeng gusto mo na may kahalikan na iba, hindi ka ba magseselos dun?

"Nagseselos ka? Ha?!" Naiinis nyang tanong. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat nya. "Ano? Sabihin mo!" Pamimilit nya. Bumuntong hininga ako at niyakap sya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ng harapan kaya mas mabuti na ang ganito.

"Oo. Oo nagseselos ako. Sino ba si Ethan para magnakaw ng halik galing sayo? Antagal kong pinigilan na halikan ka tapos sya kukunin na lang ng ganon-ganon? Antanga nya diba? Pero mas tanga ako kasi hindi ko masabi sayo yung nararamdamam ko." Saad ko. Ambilis ng tibok ng puso ko. Ang tagal kong hinintay na mayakap sya. Ang malapit ng ganito sa kanya. Maamoy yung mabango nyang buhok, mayakap sya ng ganito. Ang tagal ko 'tong hinintay.

"A-anong sinasabi mo Dwight?" Tanong nya habang nakayakap pa din ako sa kanya. Ayoko na syang bitawan. Ayoko na syang pakawalan. Ayoko ng magpakatanga. Ayoko ng makita syang may kasamang iba. Ayoko ng may humahalik sa kanya. Ayoko ng may nagpapasaya sa kanyang iba. Ayoko ng nalulungkot sya. Ayoko ng lumuluha sya. At higit sa lahat, ayokong makita syang umiibig sa iba.

Bumitaw ako sa yakap at iniharap sya sa akin. Nakatulala lang sya sa akin. Gustong-gusto ko syang halikan pero pinipigilan ko. Gusto ko may karapatan ako kapag ginawa ko yun. Ayokong kunin yun dahil sa ako lang ang may nararamdaman, gusto ko pati sya. Gusto ko parehas kami ng nararamdaman.

Biglang sumimoy ang malamig na hangin. Isiniping ko ang takas ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga. Tumingin muna ako sa labi nyang mapupula, tapos ay bumalik ang tingin sa kanyang mata. Hinawakan ko ang balikat nya at seryosong tumingin sa kanya.

"Makinig ka, Samantha Lee sa sasabihin ko.." saad ko habang hindi pinuputol ang tingin sa kanya. Daig pa ng nakikipag karerang kabayo sa bilis ng tibok ng puso ko. Suminghap ako ng hangin para kumuha ng lakas ng loob. Baka kapag hindi ko pa ito nasabi, mahuli na ako. Nawala sya sa akin na wala man lang akong nagawa.

"Gusto kita, Sam. Gustong-gusto kita.."

..itutuloy..

[A/N:] Haluuu! Sa wakas nagtapat na si Dwight! What will happen sa next chapter? Vote and comment guys! Enjoy reading! Love ya! :**

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon