MBSL-1

24.2K 350 1
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Samantha point of view

6 years ago..

"There is a account left by your parents and it is named after you." Sabi ni Atty. Luna sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi nila. Im still 13 yet but my parents already died. I want to cry.. so bad.

Nilapag ni Atty. Luna ang isang brown envelope at tumayo na.

"If you have questions, just call me." Sabi nya at nagpaalam na. Tinitigan ko lang ang envelope na inilagay ni Atty sa lamesa. Inabot ko yun at niyakap.

Maybe my parents want to secure my future.. but it's too early for them to leave.

Niyakap ko ang envelope na yun at umiyak. Bakit ba nangyayari ito? Wala akong kapatid, hindi ko alam kung nasaan ang mga kamag-anak ko. Im all alone. Ang bata ko pa para maranasan ang mga ganitong bagay. Ang mabuhay mag-isa.

-

*ting*

Bumalik ako sa ulirat ng tumunog ang oven. Naramdaman kong basa ang aking hita dahil sa mga luha. Agad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at umupo.

Dati masaya kami. Puro tawanan ang naririnig ko sa bahay na ito, pero ngayon wala kang maririnig. Puno ng kalungkutan ang lugar na'to. Walang naiwan sa akin kung hindi ang bahay na'to at ang isang bank account na ipinangalan ng magulang ko para sa akin na ginamit ko para makapag-aral ako at sa pangaraw-araw kong pangangailangan. Sa katunayan, hindi na sapat ang perang iniwan sa akin dahil sa daming bayarin sa school kaya naghahanap na din ako ng trabaho. 6 years na akong nabubuhay mag isa, walang kasama. But Im used to it.

Kinuha ko ang cupcakes na aking binake. Ito ang libangan ko 'twing weekends.  Inilagay ko ito sa plato at dinala iyon sa sala. Manunuod na lang ako ng tv habang kumakain nito.

Umupo ako sa sala at nanuod ng paborito kong palabas na Shaun the Sheep. Kahit 19 na ako, ito pa rin ang nagpapaaliw sa akin. Paborito din kasi ito ni Inay at Itay, kaya pakiramdam ko kapag nanunuod ako nito, feeling ko buo na ulit ang pamilya ko.

Napatigil ako sa pagkain ng cupcake ng may kumatok sa pinto ko. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil wala naman akong alam na bisita ngayon. Wala nga din akong kaibigan, at hindi ako naglalalabas dito sa amin. Tiningnan ko ang orasan at saktong alas syete na ng gabi. Sino naman kaya yun?

Nagmartsa ako papunta sa pintuan at binuksan yon. Laking gulat ko na lang ng may bumungad sa aking isang gwapong lalaki, na naka coat and tie pa. Binuksan nya ang pinto ay dire-diretsong pumasok sa loob.

Shit! Intruders!

"H-hoy! Magnanakaw! Umalis ka nga!" Sigaw ko pero umupo sya sa sofa ko at kumuha ng cupcake na binake ko. May magnanakaw ba na naka coat and tie? Ano ba 'tong naiisip kong kabaliwan? Pero bakit sya pumasok sa bahay ko? Do I know him?

"Excuse me, sino ka ba? At tsaka bakit pumasok ka dito sa bahay ko! Eh hindi naman kita kilala." Talak ko sa kanya. May dinukot sya sa bulsa nya at ibinato sa akin yun. Mabuti na lang nasambot ko yun at binuklat ang papel.

Wanted: Bed Spacer

Kumunot lalo ang noo ko. Bed spacer? Aanhin ko ang bed spacer? Tsaka hello? Lalaki kaya sya! Oo may isa pang kwarto pero hindi ko pinaparent yun.

"Hindi ko pinaparent 'to no! Saan mo ba nakuha 'to?" Tanong ko sa kanya. Umupo sya ng naka de-kwatro at tumitig sa akin. "I saw that hanging on your gate." Baritono nyang sabi. Napalunok naman ako dahil bumabagay ang boses nya sa kanyang matipunong katawan. Ngayon ko lang napansin na macho sya, at may dalang malaking bag.

"E-eh kahit na! Hindi ako naghahanap ng bed.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol na nya agad ako.

"How much do you want? 5k?" Tanong nya at naglabas ng puting envelope na sobrang kapal. Nagbilang sya ng salapi at agad agad ay nilagay yun sa lamesa. Napalunok nalang ako.

"H-hindi nga ako naghahanap ng bed spacer." Saad ko pero hindi sya nagpatinag. Nagbilang muli sya ng salapi at idinagdag sa salaping nakalapag sa lamesa. "10k? Is it enough?" Tanong nya sa akin.

10k? Hindi ba nanghihinayang ang lalaking 'to sa salaping nilalapag nya? Sabagay sa porma pa lang nya ay mukhang bigatin na 'to. At tsaka, malaking tulong na ang perang yun para sa pandagdag financial ko, pero sobrang laki naman ata.

"A-ang laki naman ng bayad mo." Mahina kong sabi. Umayos sya ng upo at tumitig sa akin. "I don't care. Im willing to pay." Matigas nyang sabi.

"B-bawasan mo.." mahina ko ulit sabi. Sobra naman ang 10k diba? Daig pa nya ang nag check in sa hotel. "Nope, hayaan mo na. So, saan ang kwarto ko?" Tanong nya sa akin.

"Bawasan mo nga.." utos ko pero ngumisi lang sya. Ang gwapo nya kapag ganon. "Don't mind it, woman. Just agree." Pamimilit nya. Bahala ka sa buhay mo basta wag kang magrereklamo! Bahagya akong tumango at itinuro yung isang kwarto.

"Doon." Turo ko sa isang bakanteng kwarto. Tumayo na sya at sinakbit ang bag sa likod. "By the way, Im Dwight Reyes. And you are?" Tanong nya sa akin.

"S-Samantha Lee." Pagpapakilala ko. Tumango naman sya tapos ay ngumisi. "You're pretty. Nice to meet you, Sam." Sabi nya at nilagpasan na ako at pumasok na sa kwarto nya.

Pinanuod ko lang syang isara ang pinto. What the hell? May bed spacer akong lalaki! Ito na ba talaga ang tawag sa kapit sa patalim? Hindi ko na kailangan maghanap ng trabaho. Pero anlaki talaga ng bayad nya eh, nakakainis! Siguro ibabalik ko na lang din kapag natapos na ako. Ilang bwan na lang din naman ay gagraduate na ako.

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon