MBSL-12

13.1K 260 6
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Sam point of view

Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating na ang araw na kinasasabikan ng mga kababaihan, ang college night. Well, excited din ako pero hindi naman ako nagpapahalata. Na kung saan ako pumuwesto sa school ay yun na lang naririnig ko.

"Class dismiss." Saad nung prof at mabilis pa sa cheetah ay nalipol ang mga kaklase ko. Saan ka pa? Halfday lang kami kasi daw aayusin pa ang venue para mamaya. E kung hindi na lang sila nagklase para nagawa na agad nila yun kanina pa. Haay.

"Sam, kain tayo.." saad ni Ethan at nag imis ng gamit. Kanina ko pa napapansin na ang laki ata ng bag nya. Mukhang madaming laman? Tumango ako at inimis din ang gamit ko tapos ay nagpunta na kami sa isang coffee shop.

Astig. Ang friendly naman ng ambiance dito. Umupo kami ni Ethan sa sulok at lumapit yung waitress. Kinuha nya yung order namin tapos ay umalis na.

"So, do you already have a dress to wear for this night?" Tanong ni Ethan. Shoot! Agad akong napa facepalm sa tanong nya! Nakng! Nakalimutan kong bumili! Sa dami ng makakalimutan bakit yun pa?

Bigla naman bumalik yung waitress habang dala yung pagkain namin. Napapansin ko na panay ang tingin nito kay Ethan, pero dahil certified na suplado itong si Ethan malabo nitong pansinin ang babae. Umalis yung waitress na dismayado. Sad for her.

"Ano? Mayroon na ba?" Tanong nya muli. Sumubo muna ako ng cheesecake bago ako umiling. "Nakalimutan ko na nga e. Siguro yung luma na lang sa amin." Sagot ko at humigop ng kape. Napailing na lang ito tapos ay inabot ang bag nya.

Binuksan nya iyon at may lumabas na isang malaking paperbag! Ha? Paano yun nagkasya? Kaya pala napapansin ko ang laki ng bag nya kasi may lamang paperbag. Inabot nya ito sa akin kaya tinanggap ko. Ano kayang laman nito?

Pagkabukas ko ay nanlaki ang mata ko. Isang dress tapos ay may box ng sapatos. Tumingin ako kay Ethan na nakangiti.

"E-ethan hindi ko matatanggap 'to." Saad ko at ibinalik sa kanya ang paperbag pero hindi nya tinanggap. "It's for you.. isuot mo mamaya." Saad nya at ngumiti.

"Kaya ko naman bumili e. Tsaka may isusuot na ako." Sambit ko. Ngumiti ito at inabot ang aking kamay. "Alam ko naman na kaya mong bumili e. Pero sabi mo ayaw mo gumastos, kaya gusto ko lang tumulong." Saad nya. Ngumiti din ako sa kanya at binawi ang kamay ko. Binalik ko ang tingin sa paperbag na binigay nya.

"Salamat.." saad ko. Ngumiti ito at kumindat pa. Aba? Maalam din naman pala ito kumindat. Haha. Akala ko lagi lang sya naka serious mode e. Tumayo na ito at sinakbit ang bag.

"So, aasahan kita mamaya.." untag nya. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. "Then, I'll just pick you up in your house.." sambit nya at nagpaalam na.

Ako naman ay nanatiling nakaupo dito at sinisilip ang dress na binigay ni Ethan. Simula ng mamatay ang mga magulang ko nakalimutan ko na talaga magsaya. Siguro hindi naman masama kung ngayon magsasaya ako? Sa mga taon na nakalipas na puro sakit ang lungkot ang naranasan ko. Parang na excite tuloy akong umuwi at isukat ang dress na ito. Tumayo na ako na may bakas ang ngiti sa labi at nagmartsa palabas ng shop. Agad kong pumara ng tricycle para makauwi na agad ako sa amin.

Pagkarating ko palang sa amin ay nagmadali na agad akong pumasok sa bahay. Agad akong nagdiretso sa kwarto at sinara iyon. Pagkaharap ko ay may nakita akong dalawang paperbag na itim na nakapatong sa aking kama. Agad kumunot ang aking noo at lumapit sa paperbag na yon.

Kanino 'to? Binuksan ko ang isang paperbag at bumungad sa akin at isang dress na pula. Maganda ito at mukhang mamahalin. Pagtingin ko muli sa paperbag ay may papel dun. Kinuha ko yun at binasa.

Wear it on your college night. :)

-Dwight

Napataas ang kilay ko ng mabasa ito. Galing ito kay Dwight? Pero bakit naman nya ako binigyan ng ganito? Sana binigay nya na lang kay Reggie tutal yun naman ang partner nya. Ibinalik ko ang dress sa paperbag at inilagay sa isang gilid. Ipinatong ko ang bigay ni Ethan sa kama ko at kinuha agad ang dress at nagtungo sa salamin.

Napangiti ako dahil sa repleksyon ko. Kinuha ko agad ang box ng sapatos na binigay ni Ethan at sinukat yun. It perfectly fits on me.. paano nya kaya nalaman ang size ng paa ko? Tsaka kasya kaya sa akin 'tong damit? Inilatag ko ang dress sa ibabaw ng aking kama at agad kumuha ng twalya. Kailangan kong maghanda kasi nakakahiya naman kay Ethan na binigyan nya pa ako ng isusuot tapos hindi ko naman pala paghahandaan.

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Nakakaiyak! Ako ba talaga 'to? Ang ganda nung suot ko pero parang hindi ko kayang lumabas na suot 'to. Bakit? Sobra kasing exposed ang aking likod. Para tuloy akong nilalamig. Napapitlag ako ng tumunog ang phone ko kaya nagtungo agad ako dun at binuksan.

From: Ethan

On my way to pick you up. ;)

Napangiti ako sa text nya. Aba nahiligan na ata nya kumindat. Haha. Nagmadali na ako mag ayos. Naglagay lamang ako ng kaunting polbos tapos ay naglagay ng lipgloss. Matagal ko na itong nabili kaso hindi ko naman nagagamit. Mabuti at ngayon nagamit ko na. Inilugay ko ang aking buhok para matakpan ng kaunti ang aking likod. Nakakahiya e.

Nang makasiguradong ayos na ako ay tumingin muli ako sa salamin. Wow. Hindi ko akalain na makakapagsuot muli ako ng ganito. Tsaka simple lang ang ayos ko. Ngumiti ako at kinuha ang purse sa ibabaw ng side table at nagmartsa palabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay nakita ko si Dwight na inaayos ang kwelyo nya sa harap ng salamin. Binaling naman nito ang tingin sa akin kaya para akong nanigas sa aking kinakatayuan.

Bakit ganito? Hindi ko maigalaw ang mga paa ko? Nakatingin lang ako sa mata nyang nakatitig din sa mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang kinulang sa hangin ng suyudin nya ang aking suot. Para na akong walang saplot kung titigan nya. Nanuyo ang aking lalamunan kaya unti-unti kong hinakbang ang aking paa papunta sa kusina para makakuha ng tubig.

Naramdaman ko naman na nakasunod ito sa akin kaya hindi ako makainom ng ayos. Ano bang nangyayari sa akin?

"Bakit yan ang suot mo?" Tanong nya. Hindi ako humarap sa kanya dahil naiilang ako sa kanya. "B-bigay 'to ni Ethan. Sana binigay mo na lang kay Reggie yung dress na binigay mo sa akin.." suhestyon ko. Narinig kong bumuntong hininga ito.

Nanatili naman akong nakatalikod. Pakiramdam ko ay nanlalamig ang aking likod. Hindi ko alam kung malamig lang talaga.

"It's over exposing.." baritono nyang saad. Agad naman akong humarap sa kanya at sumandal sa lababo. Shit! Malamang ay kanina pa itong nakatingin sa aking likod. Humakbang na ako para lagpasan sya pero hinarangan nya ako.

"Sumabay ka na sa akin." Aya nya. Narinig ko naman na may bumusina sa labas. Malamang ay andyan na si Ethan. "Hindi na. Andyan na si Ethan para sunduin ako. Si Reggie na lang ang isabay mo.." saad ko at nilagpasan na sya.

Hindi ko alam pero pumaskil ang ngiti sa aking labi. Halata naman na naaasar itong si Dwight sa akin. Lumabas na ako at bumungad si Ethan na naka tuxedo at sobrang gwapo nya sa suot nya. Inabot nya ang kamay nya kaya tinanggap ko yun. Pinagbukas nya ako ng pinto tapos ay pumasok na kami sa loob ng kotse nya.

Bago umalis ay sumulyap muli ako ng tingin sa bahay. Mas lalong lumaki ang ngiti ko ng makita ang anino ni Dwight na nakasilip sa bintana. Kumaway muna ako sa kanya bago pinaandar ni Ethan ang kotse at umalis.

..itutuloy..

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon