MBSL-21

12K 213 8
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Sam point of view

"You ready?" Tanong ni Dwight sa akin. Kinagat ko ang aking labi at tumingin sa mga bag na nakahanda. Pinag-impake ako ni Dwight ng damit good for 2 days dahil magbabakasyon daw kami. Ang aga pa para magbakasyon. Imbes na aralin ko ang thesis namin ay sasama ako kay Dwight para magbakasyon. Hindi ko naman sya matanggihan dahil gusto ko din naman bumawi sa kanya, at ayoko ng magalit sya sa akin dahil kakaayos lang namin.

After we had lunch yesterday ay bumalik ang dating Dwight na kilala ko. Nag sorry sya sa mga sinabi nya nung gabing yun. Binisita din naman si Ethan sa kanila kahit ayaw ni Dwight pero pinilit ko lang sya. Tapos ngayon, pupunta kami sa isang lugar na hindi ko alam, ayaw kasi sabihin ni Dwight e, pero okay lang basta kasama ko sya. Hihi!

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Pangungulit ko. Napairap na sya kasi ilang beses ko na 'tong natanong sa kanya pero pare-parehas na sagot lang ang nakuha ko sa kanya. "As I said for the nth time, you'll see it later.." napapailing nya ng sagot. I left a sighed then hop at his car. Gusto ko muna matulog dahil hindi ako nakatulog kagabi kakaaral ng thesis, hindi ko naman natapos lahat. Huhu. Itulog ko na lang 'to.

-

"Sam, wake up.." bulong sa tenga ko. Nakiliti naman ako dahil sa husky ng boses nya. Minulat ko ang mata ko at bumungad si Dwight sa akin na nakangiti. Bumangon ako at tiningnan ang paligid. White bed, white walls, white chandeliers, kailan pa naging ganito ang itsura ng sasakyan ni Dwight?

"Nasaan tayo?" Tanong ko. Ngumiti naman sya at hinawakan ang kamay ko. "We're here at Batangas.." saad nya. Nanlaki naman ang mata ko. Batangas? Paano ako napunta sa kama na'to? Kanina pa ba ako tulog? "Ilang oras na akong tulog?" Tanong ko. Tumayo sya at hinubad ang tshirt. I closed my eyes while catching my breath. Those well built muscles of him makes me wanna touch it. Uggh.

"6 hours.. you snorked like a pig.." natatawa nyang saad. Binato ko naman sya ng unan at tumingin sa bintana. Wow, may dagat. Kahit gabi na ay kita pa din ito. So kanina pa nga akong tulog kasi gabi na. Nakakahiya baka may tulo pa ako ng laway.

"Bakit ba tayo nandito?" Naiinis kong tanong sa kanya. Humarap naman sya sa akin kaya nakita ko ang holy abs nya. Shit! "Because it's my birthday!" Masigla nyang saad. Birthday?! Hindi ko man lang alam? Tapos wala pa akong regalo sa kanya. Kanina ko pa sya kasama pero hindi ko man lang sya nabati.

"Happy Birthday! Sorry wala akong regalo sayo.." nakayuko kong saad. Lumapit naman si Dwight at tumawa. Napapansin ko kanina pa sya masaya, ano bang nangyayari? Dahil birthday nya masaya na sya? "Ayoko ng regalo." Seryoso nyang saad. Kumunot naman ang noo ko.

"Ha? E anong gusto mo?" Tanong ko. He smiled at me then he bit his lips. He leaned closer to me, and I can feel his breath on my neck. "You.." he said. I gulped so hard because of the tone of his voice. Lumayo ako sa kanya at nagpaypay. Bakit ang init? Buiset.

"You're so cute.." natatawa nyang saad at napailing. Tiningnan ko naman sya ng masama. "Take a bath.. we'll be having dinner." Saad nya at lumabas na ng kwarto. Nilingon ko naman ang mata ko sa paligid, ang ganda naman dito. Gusto ko tuloy makita yung kabuuan nitong bahay, tsaka kanino ba 'to? Pagmamay ari din ba 'to ni Dwight?

Nagmadali naman akong pumasok sa cr. Woah! May bathtub pa, ibang-iba sa paliguan sa amin. Parang gusto kong tumira dito ah. Inilublob ko ang katawan ko sa bathtub at napapikit. Ang sarap talaga maligo.

Ilang minuto ay umahon na din ako at binilisan ng magshower. Pagkalabas ko ng banyo ay may kumatok sa pinto ko. Naglakad naman ako dun at binuksan.

"Maam, pinapabigay po ni Sir Dwight.." saad nya at iniabot sa akin ang isang plain white na dress at isang white dollshoes. Inabot ko naman yun sa kanya at ngumiti. "Hihintayin po kayo ni Sir sa dalampasigan." Nakangiti nyang saad. Tumango naman ako at sinara na ang pinto.

Humarap ako sa salamin at tiningnan ang repleksyon ko. Simple lang ang dress na ito at maganda dahil bagay ito sa akin. Inilugay ko ang aking buhok tapos ay lumabas na ng kwarto. Hindi ko alam kung saan ako dadaan palabas dahil hindi ko pa naman ito nalilibot, mabuti na lamang may carpet na susundan.

Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko ang kabuuan nito. Maganda ito at mukhang beach house para sa mga taong gustong magrelax. Idagdag mo pa ang malamig na simoy ng hangin at ang hampas ng alon sa dagat. Naaninaw ko naman si Dwight na nakatalikod. Napangiti ako at naglakad papunta sa kanya. Kinulbit ko sya kaya napatingin sya sa akin. Sinuri nya naman ang suot ko.

"You're pretty.." he said. I felt again the butterflies in my stomach. Am I really falling on him? Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko at hinalkan iyon. Napangiti ako sa ginawa nya. Maya maya ay dumating ang isang yate sa harap namin. Nanlaki ang mata ko ng hinila ako ni Dwight papunta dun.

May isang table na may mga pagkain. Umandar ang yate kaya pinaghila na ako ni Dwight ng upuan. Umupo din si Dwight sa harap ko. Tinakalan nya ako ng wine at inabot yun sa akin. Tinanggap ko naman yun at nag cheers kami tapos ay sabay naming ininom ang wine habang magkatinginan.

Hindi ko alam pero parang kaming mag nobyo't-nobya sa ginagawa namin. Tumigil ang yate sa gitna ng dagat kaya tanging ang ilaw ng yate at ang ilaw ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa aming dalawa. Ngumiti sya sa akin at nagsimula na kaming kumain.

"Bakit mo ba ako dinala dito?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin tapos ay nagpunas ng bibig. "Bibilhin ko kasi iyong beach house na iyon.. siguro regalo ko na sa sarili ko. Isinama kita kasi gusto kong makita mo muna 'to bago ko bilihin." Saad nya. Napataas naman ang kilay ko sa sagot nya.

"Maganda ba?" Tanong nya. Tumango naman ako sa kanya. "Y-yeah. Nakakarelax." Sagot ko. Ngumiti naman sya kaya pinagpatuloy na namin ang pagkain. Nang matapos kami ay tumayo si Dwight at nagpunta sa isang speaker at may pinindot.

Now playing: Ikaw at ako by Tj Monterde

Lumapit sya sa akin at naglahad ng kamay. "May I have this dance?" Tanong nya sa akin. Ngumiti naman ako at inabot ang kamay nya. Pumunta kami sa gitna at inilagay ko ang kamay ko sa batok nya. Nakaramdam ako ng kuryente ng humawak sya sa bewang ko. Habang sumasayaw ay hindi nya pinuputol ang tingin sa akin.

"Alam mo bang selos na selos ako nung isinayaw ka ni Ethan?" Tanong nya. Tumaas naman ang kilay ko. "Bakit naman?" Natatawa kong saad. Mas lalo nya akong inilapit sa kanya at ipinahinga nya ang kanyang ulo sa balikat ko. My heart beats fast as I felt his hard chest on mine.

"Kasi nakikita kong masaya ka kapag kasama mo sya.." saad nya. Napakunot naman ang noo ko. Kung alam mo lang Dwight, na walang iba ang nakakapagpasaya sa akin kagaya ng ginagawa mo. Bumitaw sya sa yakap sa akin at lumuhod sa harap ko. Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa mata nyang seryoso. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko.

What's happening?

..itutuloy..

[A/N]: Hi. Bitin ba? Hahaha. Okay lang yan may kasunod pa naman e. Owemgii! Ano kayang mangyayari? Emegessh. Free to vote and comment guys. Thanks! :*

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Where stories live. Discover now