MBSL-19

10.7K 200 14
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Sam point of view

Bumaba ako sa tricycle at nag abot ng bayad. Halo-halo ng emosyon ang nararamdaman ko. Wala na ako sa kondisyon dahil sa mga nangyayari ngayon. Naglakad ako papasok sa loob at binuksan ang pinto. Pagkapasok ko ay bumungad agad si Dwight na nakaupo sa sofa habang naka tiim ang bagang. Sinara ko ang pinto at magdidiretso sana sa kwarto ko para kumuha ng damit at bumalik kay Ethan pero hinuli nya ang braso ko at pilit na iniharap sa kanya.

"Where have you been?" Matigas nyang saad habang nag-aalab ang tingin sa akin. Wala akong panahon para makipag-talo sa kanya. Tinalikuran ko sya pero inihirap nya muli ako. "Don't you dare turn your back on me, Samantha!" Nanggigigil nyang saad.

"Dwight pagod ako, please.." saad ko pero hinigpitan nya ang hawak sa braso ko. "Mas pagod ako, Sam! Now tell me, where in the hell have you been?!" Sigaw nya sa akin. Napaantras ako sa sigaw nya. Nakatingin lang ako sa mata nyang galit. Umakyat ang galit din sa ulo ko. Binawi ko ang kamay ko at tinulak sya.

"Gusto mo malaman?!" Sigaw ko din. "Yeah!" Sigaw nya din pabalik sa akin. Parang hindi sya ang Dwight na kilala ko. May nagawa ba akong mali para magalit sya ng ganito? "Kay Ethan! Kasama ko si Ethan! Masaya ka na?!" Sigaw ko sa kanya. Napailing sya at tumawa ng mahina. Nag angat sya ng tingin sa akin at tumawa ng pilit.

"So kasama ka lang pala nya.. kasama mo sya kaya nakalimutan mo na?" Tanong nya. Napakunot ang noo ko dahil sa tanong nya. Ano bang pinagsasabi nya? "You can't remember? Well, ipapaalala ko sayo.." saad nya at nag tiim ng bagang. "Im supposed to pick you up in your school, right?." Mahinahon nyang saad. Agad naman nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Shoot! Nakalimutan ko!

"Nakatayo ako sa school mo for five hours, Sam! Five hours! Tapos malalaman ko na kasama ka lang pala nya!" Sigaw nya. Limang oras? Na guilty ako sa sinabi nya. Nakayuko lang ako dahil hindi ko kayang tumingin sa mata nya. Kaya pala ganoon na lang ang galit nya.

"Kasi kailangan nya ako.." hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin yun. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya. "Bakit ako? Hindi ba kita kailangan?!" Sigaw nyang muli. Napapikit ako ng mariin. Pagod na ako, ayoko ng makipagtalo sa kanya.

"Sam ano ba ako sayo?" Tanong nya pero tumawa sya. Tumingin ako sa mata nyang nangingilid ang luha. "Ay, wala nga lang pala ako sayo. Pasensya na. Siguro kailangan ko lang sanayin ang sarili ko na kahit kailan, hindi mo ako kayang piliin." Sambit nya. Umiling ako at lumapit sa kanya pero humakbang sya paantras.

"D-dwight, intindihin mo naman ako.." pakiusap ko. Umiling ito sa akin. "Lagi na lang ba ako iintindi? Nakakapagod na din." Saad nya. Sumusuko na ba agad sya? Lalayo na ba sya sa akin? Bakit ganito? Parang nalulungkot ako. Yumuko ako at kinagat ang labi.

"Im sorry." Saad ko at lumandas ang luha sa mata ko. Pagod, sakit ng ulo, guilt, lungkot; lahat ng ito halo-halo ko ng nararamdaman. Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Im sorry.." ulit ko. Sumeryoso naman ang mukha nitong mukha at iniwas ang tingin.

"Isinugod ang nanay ni Ethan sa o-ospital kaya kasama ko sya.." paliwanag ko. Tumingin naman ito sa akin habang nakakunot ang noo. "And you don't bother to text me, to answer my calls." Depensa nya. Pinahid ko ang luha ko.

"Im sorry. Masyado ng napako ang atensyon ko kay Tita Cora dahil binawian na din sya ng buhay.. Im sorry.." saad ko at humikbi. Naramdaman ko ang maiinit na brasong yumakap sa akin. Pakiramdam ko secured ako twing niyayakap ako ni Dwight. Humikbi ako sa balikat nya. "Shh. Alam mo bang mas pinili mo na naman sya kaysa sa akin?" Untag nya. Umiling ako sa sinabi nya.

"Hindi ko sya pinili.. mas kailangan lang talaga ako ni Ethan." Saad ko. Bumitaw sya sa yakap at pinahid ang luha ko. Kagat ko ang aking labi habang nakatingin sa kanya.

"It's okay.. sanay na din ako." Saad nya at hinalkan ako sa noo tapos ay tinalikuran ako at pumasok na sa kwarto nya. Bumagsak muli ang luha sa mga mata ko.

Malungkot ang mukha nito kagaya ng mukha nya noong iniwan nya ako sa field. Nagtatakbo ako sa kwarto ko at niyakap ang unan ko at doon inalpasan ang aking mga luha.

Hindi ba ako pwedeng maging masaya? Kakambal ko na ba talaga ang lungkot at sakit? Bakit kahit anong gawin ko laging may mali?

Gusto ko na lang 'to itulog.. sana bukas wala na ang sakit na nararamdaman ko. Sana bukas, okay na ang lahat.. sana bukas, anjan pa din sya at nag iintay sa akin. Sana..

.itutuloy..

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Where stories live. Discover now