MBSL-3

18.1K 312 1
                                    

#MYBEDSPACERLOVER

Dwight point of view

Agad akong nagdrive pauwi sa amin. Iniwan ko na nga si Shael dun sa motel, bahala na sya. Bago makarating sa bahay ay dumaan muna ako sa isang fast food chain at umorder ng pagkain para sa kapatid ko. Pagkatapos ay nagdrive na ulit ako pauwi.

Pagkaparada ko pa lamang ng sasakyan ko ay sumalubong na agad ang aking nakakabatang kapatid. Bumaba agad ako at inabot sa kanya ang pinabili nyang pagkain.

"Thanks Kuya!" Pasasalamat nya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang buhok. "Welcome, matulog kana pagkatapos mo kumain ha?" Paninigurado ko. Tumango sya at humalik sa pisngi ko at nagtatakbo na paakyat sa kwarto nya. Nagtungo na din ako sa kwarto ko pero bago ko mapihit ang pinto ay lumapit sa akin si Manang Aida.

"Sir, pinapatawag po kayo ng Dad nyo sa office nya." Magalang nyang sabi. Tumango nalang ako at umalis sya. Talagang hindi nya ako tatantanan pagdating kay Britt. Naglakad ako papasok sa office nya at bumungad sa akin si Dad na nakaupo sa swivel chair nya habang may hawak na sigarilyo.

Pinatay nya agad ang sindi ng kanyang sigarilyo at sumandal sa kanyang upuan. Bakas sa mga mata nya ang galit, pero wala akong pakialam.

"Hindi muna talaga ako nirerespeto, Dwight! Britt is a big catch for us!" Diin nya. Napangisi ako sa sinabi nya? Dahil lang sa gusto nyang mas lumago ang business namin, eh ipapakasal nya ako sa babaeng hindi ko naman mahal.

"I don't care. I can take care of our business on my own." Diin ko din sa kanya. Lalong bumakas ang galit sa kanyang mga mata. "Im your father, so you should follow me!" Sigaw nya sa akin.

"Yes you are my father. But can't you see? Im matured enough to make my own decisions! I can handle myself! Im the only one who will decide who's the girl Im going to marry." Pagdepensa ko. Hindi ko papakasalin ang babaeng yun para lang sa kompanya. Im not that crazy. Hinayaan ko na nga syang kontrolin ang buhay ko nuon, pati ba naman ngayon sya pa din?

"Kuyaaa!" Sigaw ni Ashlee at yumakap sa binti ko at umiyak. Hinaplos ko naman agad ang likod nya. "You're going to marry her, whether you like it or not." Mautoridad nyang sabi. Ngumisi ako sa kanya. Paninindigan ko na 'to.

"Marry your ass." Sagot ko at hinila na palabas si Ashlee. Pumasok ako sa kwarto ko at nag impake ng damit. Ayoko na muna makasama si Dad hanggat hindi pa sya naliliwanagan sa mga sinasabi nya.

"K-kuya.. aalis ka? Sama ako." Saad ni Ashlee. Tumingin ako sa kanya at hinawakan sa balikat. "Stay here. Take care of Dad.." sagot ko naman. I don't want to see her cry, but things are getting worst.

"You and Dad always had a fight. You don't have to leave the house." Pamimilit nya. Sinara ko na ang bag ko at umupo ng ayos. Kahit masakit na iwan ko si Ashlee dito, kailangan. "Listen to me, kuya wants to be alone for now. Take care of Dad until I get back okay?" Tanong ko sa kanya at pinunasan ang luha sa mga mata.

"Promise?" Tanong nya sa akin. Ngumiti ako at hinalkan sya sa noo. "Promise." Sabi ko at niyakap na sya. Pagkatapos ay tumayo na ako at naglakad na palabas. "Be a good girl, Ashlee." Saad ko at lumabas na. Sumakay na ako sa sasakyan ko at pinaandar ito.

Babalik ako dito, kapag nahanap ko na ang babaeng gusto ko. Kapag natauhan kana Dad sa mga kabaliwan mo.

Bulong ko sa sarili ko at umalis na. Kailangan ko muna humanap ng matutulugan ngayon. Hindi naman ako pwede mag check in sa isang hotel dahil papasundan ako ni Dad. Maybe a bed spacer sounds good.

Kanina pa ako ikot ng ikot dito sa isang subdivision na'to. Wala bang nag ooffer ng bes space dito? Huminto muna ako sa isang kanto at nagpahinga. Masakit na ang kamay ko sa kaka drive pero wala pa din akong makita na matutulugan. Pwede naman dito sa sasakyan ko pero masyadong delikado.

Habang nag iinat ay nahagip ng mata ko ang isang gate na may nakasabit na papel. Napakunot ang noo ko at pinaandar ang sasakyan para makita ng mas mabuti ang nakasulat dun. Bumaba agad ako at kinuha ang papel.

Wanted: Bed Spacer

Tumaas ang isang sulok ng labi ko ng mabasa ito. Sa wakas, nakahanap na din ako. Kinuha ko kaagad ang gamit ko at sinara ang sasakyan. Pinihit ko ang gate dahil hindi naman ito nakasara. Kumatok ako sa pinto at ilang segundo ay bumukas ito.

Bumungad sa akin ang isang mestisang babae. Mahaba ang buhok, magandang mata, mapulang labi at syempre maganda sya. Siguro mga 18 or 19 palang sya. Nakatingin din sya sa akin.

Nagmartsa ako papasok at nilagpasan sya.

"H-hoy! Magnanakaw! Umalis ka nga!" Sigaw nya pero umupo ako sa sofa nya at kumuha ng cupcake na nakahain sa mesa. Hmm, not so bad.

"Excuse me, sino ka ba? At tsaka bakit pumasok ka dito sa bahay ko! Eh hindi naman kita kilala." Talak nya sa akin. Tumayo ako at dinukot ang papel na nasa bulsa ko at binato sa kanya yun. Mabuti naman at hindi sya engot kaya nasambot nya. Binasa nya agad yun at kumunot ang noo.

"Hindi ko pinaparent 'to no! Saan mo ba nakuha 'to?" Tanong nya sa akin. Umupo ako ng naka de-kwatro at tumitig sa kanya. "I saw that hanging on your gate." Swabe kong sagot.

"E-eh kahit na! Hindi ako naghahanap ng bed.." hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya.

"How much do you want? 5k?" Tanong ko at kinuha ng puting envelope sa aking bag. Nagbilang ako ng salapi at agad agad ay nilagay yun sa lamesa. Napansin kong napalunok sya.

"H-hindi nga ako naghahanap ng bed spacer." Saad nya pero hindi ako magpapatinag. Kailangan ko lang talaga ng matutulugan kaya dadaanin ko na'to sa pera. Nagbilang muli ako ng salapi at idinagdag sa salaping nakalapag sa lamesa. "10k? Is it enough?" Tanong ko sa kanya.

Bahagya syang natahimik at napaisip. 10k ayaw pa nya? Malaking tulong na ito sa kanya at sa pamilya nya. But wait, is she living alone? Oh baka naman nagrerent din sya? Aish, nevermind.

"A-ang laki naman ng bayad mo." Mahina nyang saad. Umayos ako ng upo at mas lalong tumitig sa kanya. "I don't care. Im willing to pay." Matigas kong sabi.

"B-bawasan mo.." mahina nya ulit sabi. "Nope, hayaan mo na. So, saan ang kwarto ko?" Tanong ko sa kanya.

"Bawasan mo nga.." utos nya pero ngumisi lang ako sa kanya. "Don't mind it, woman. Just agree." Pamimilit ko. Bahagya syang tumango kaya lihim akong napangiti. Sa wakas, makakatulog na din ako.

"Doon." Turo nya sa isang bakanteng kwarto. Tumayo na ako at sinakbit ang bag sa likod. "By the way, Im Dwight Reyes. And you are?" Pakilala ko.

"S-Samantha Lee." Sagot naman nya. Tumango naman ako tapos ay ngumisi. She's pretty, hu i can see innocence on her eyes. I like the way she look at me. "You're pretty. Nice to meet you, Sam." Sabi ko at nilagpasan na sya at pumasok na sa kwarto ko.

Umupo agad ako sa kama ko at ngumiti. Mukhang magiging masaya ang pag stay ko dito. There's something special on her that I like. Ibang-iba sa mga babaeng nakilala ko. Humiga ako at tumingin sa kisame.

Gusto ko sana tawagan si Ashlee kaso malalim na ang gabi at ayaw ko na syang gisingin. Pinikit ko na ang aking mata at nagpadalo sa ugoy ng antok.

My Bed Spacer Lover(BedSpacer#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon