Underneath the skies

50.5K 2K 584
                                    

                  

I found myself inside the car with Adonis. He was pretty quiet pero napansin kong tinitingnan niya ako mula sa rearview mirror. Napapailing ako. Why was my heart pounding like this? Pinag-aralan ko nang hindi kabahan kung sakaling makita ko siya but heck... I sighed.

"Idaan mo sa convenience store." Utos ko sa kanya. Tumango naman siya at idinaan niya sa pinakamalapit na seven eleven. Kahit naka-gown ako ay bumaba ako para mamili ng alak. I need to drink this away. Nakita ko naman na nakatingin lang siya sa akin. I smirked at him, ni hindi niya kasi ako tinulungan man lang. Pumasok ako sa loob at kumuha ng dalawa tig-anim na SML. I paid for it with my credit card tapos ay umalis na. Nakasandal na si Adonis sa hood ng kotse nang lumabas ako.

"What are you waiting for? Let's fucking go!" I hissed. Napangisi lang siya.

"Saan tayo, Ma'am?" Tumaas ang kilay ko. Anong nakain niya at tinawag niya akong Ma'am?

"Anywhere but home." I said to him. Tumango naman siya. I was just looking through the window. Inabot na naman kami ng traffic sa EDSA. Sinimulan ko naman nang lagukin ang binili ko. Natuto akong uminom right after New York. Doon ko nilunod ang kalungkutan ko hanggang sa natuto na lang ako to live with the pain.

Gago siya. Anong gusto niyang sabihin ko sa kanya?

I shook my head again.

Hindi nagtagal ay pumarada na si Adonis sa kung saan. I looked around and I realized that we were in Tagaytay Picnic groove. Mag-a-alas onse na nang gabi. Alas ocho y medya kami umalis ng hotel. God, ang traffic talaga. Bumaba ako. Sa pagkakataong iyon ay inaalayan niya ako. Tumingin muna ako sa kamay niya saka kinuha iyon. I sighed.

In fairness, malambot ang kamay niya. Sinipat ko siya. Matangos ang ilong ni Adonis, may cleft chin din siya tapos meron siyang dimple kapag natatawa pero nayayamot pa rin ako sa kanya.

We settled on one of the cottage doon.

"Ay gabi nga pala hindi ko makikita ang Taal Volcano. Magse-selfie pa naman ako doon." Biglang wika niya sa akin. Tumingin ako sa kanya.

"Ang vain mo." Sabi ko sa kanya.

"Hindi. Mahal ko lang ang kagandahang lalaki ko." I rolled my eyes.

"Anong tingin mo? God's gift to women ka?"

"Of course?! Have you seen me? Ako ang epitome ng perfection!"

Oh! My! God!

Tahimik kaming naupo roon. Hindi siya nagtatanong at wala rin naman akong balak magkwento kaya lang bigla akong nakaramdam ng awkwardness kaya bumaling ako sa kanya at nagtanong.

"So what's your back story?" I asked bago tunggain ang inumin ko. He shrugged his shoulders. Mukhang  wala siyang balak magkwento. "Come on! Tell me! Everyone has a back story."

"Oh, sige, total ikaw ang nagsimula, what's your back story?"

Natigil ako. Kung iisipin, wala palang nakaalam ng kung anong nangyari sa amin ni Eos noon. Not my mom, not anyone in my family, not any soul so why would I be ashamed on telling him what really happened? Hindi ako kakilala ni Adonis, wala kaming malalim na  friendship, I am his boss and he's under me – so what the heck?

"The man back in the hotel was..." Well how do I define him? Hindi naman kami mag-boyfriend.

"Ex mo iyon?"

"Ex yes... but not a boyfriend."

"Hindi kayo?"

"Nope." It stings. "We're more than friend but less then lovers. We have no label. Sabi niya basta masaya lang daw kami. What an ass right?"

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon