Underneath my skin

58.3K 2K 767
                                    

"Tia, because you'll be staying here in the Philippines, you will have a new bodyguard."

I am trying my best not to roll my eyes in front of my parents. We were eating breakfast that morning. Katatapos lang kahapon ng kasal ni Kuya Achilles. And because of this, I have decided to stay in the Philippines. I have spent the last five and half years of my life na pabalik-balik ng Pilipinas at New York. I dunno. It was maybe my way of coping up with the painful memory of the man who broke me.

"Pa, ayoko ng bodyguard." Binalingan ko si Mama. "Ma, kahit si Percy na lang ang kasama ko panay. I can deal with him." Tumawa si Mama.

"Anak, alis ka nang alis sa kadahilanang hindi ko alam. Si Percy hindi ka mapipigilan noon. Before your brother got married, alis ka nang alis, layas ka nang layas. Ayoko nang ganoon, nag-aalala ako."

Hindi na ako nakakibo. That was last year. Well, I was just trying to take a glimpse of him pero kabobohan ang ginawa ko. He's not with that Lualhati woman anymore, pero may iba – iba siyang kasamang babae. I hate him more. Mukhang ginamit niya nga lang ako.

Nakatingin ako kay Mama. Napansin kong nilagyan niya ng asin ang tea niya. Akmang iinumin niya iyon nang pigilan ko siya.

"Ma! You put salt in your tea, oh you!" I giggled. Mukhang hindi naman niya alam ang ginagawa niya kaya pinagpalit ko na lang ang tea niya at ang akin. She thanked me for it.

Natapos ang breakfast namin. Nagpaalam si Mama na magpapahinga na muna ulit. Siguro pagod pa siya dahil sa kasal. Si Papa naman ay pumasok sa office at kasama nya si Percy. Ako, naiwan ako sa sala, thinking again.

What am I doing in this place? I don't want to be here. The memories just keep on coming back to me. Buti nga at naiisip ko palagi na ayokong ako ang maging disappointment ni Mama.

At noon, naisipan kong akyatin si Mama sa silid niya. As expected I found her on their bed in her silk robes. But this time, she wasn't reading. She was writing on a notebook.

"Ma, what's that?" Nag-angat siya ng ulo at ngumiti. Ipinakita niya sa akin ang laman ng notebook niya. Puro reminders ang naroon tapos may mga dates din from way back. Natawa ako sa mga nabasa ko.

July 12 – Hades and I went on a date the pang-mahirap way. It was kind of romantic. I rode the MRT and the PNR tapos iyong sa may ilog na mabaho.

"Mama! Ano ba iyan! Kahit sa notes mo ang bitch mo." I was laughing really hard. Binasa ko ang ibang nakalagay doon.

Apollo + Achilles = Miracles.

Tia + Percy = they completed my life.

Tia = she's everything.

"Oh, Mama..."

Hinaplos – haplos niya ang buhok ko.

"I love you, Tia. That will never change."

I know that. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa akin ang katotohanan na minsan sa buhay ko, itinago ko kay Mama ang tungkol sa akin at kay Eos. But that part of my life is over. I'm older now, wiser in a way – tougher. Natuto ako sa pagkakamali ko. Natutuhan kong hindi ko dapat paniwalaan ang isang tao kaagad dahil lang sa mabait siya sa akin. I can only trust my family and my instinct. Hindi ako gagawan ng mga taong nagmamalasakit sa akin ng masakit. Especially my mother, she will never let anything hurt me.

"What are your plans, Tia? Now that you are here?" She started this conversation. Sa totoo lang ay wala akong idea kung anong gusto kong gawin. Last year, I wanted to join the Peace Corps pero sinabi ni Kuya Apollo na mananawa lang ako doon. It is a big responsibility for someone like me.

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon