Her heart

36.1K 1.5K 330
                                    

"Halika na, 'wag ka nang sumimangot diyan!"

Pinanlakihan ko ng mga mata ang asawa kong ayaw na namang tumayo mula sa pagkakahiga niya sa kama. Imbes na mainis ako ay natutuwa lang ako sa kanya. I realized this morning that there are a lot of things to be thankful and to be happy about and waking up beside him is one of those things and the best part of it is I have forever to do that.

"Lukas Consunji!" Sigaw ko. Tumayo ako at umupo sa tyan niya. Hinigit ko ang sando niya tapos ay sinampal ko siya. Pero wala pa ring epekto. Namaywang ako. I grinned. "Ay, natanggal iyong bra ko."

"Where? Let me see!"

Bigla ay bumangon siya. Natawa ako bigla nang malakas. Napasimangot naman siya.

"Apollo naman eh! Ilang linggo na tayong diet! Tara na kasi!" Wika niya habang nakasimangot sa akin. Binelatan ko siya.

"Eh! Red flag nga kasi! Bumangon ka na at tumawag na si Papa Sancho. 'Wag ka daw male-late sa board meeting ninyo, babe kaya maligo ka na, lika na..." Hinawakan ko siya sa kamay. Parang bata pa rin siyang nagtatampo. Tumayo naman siya at sumunod sa akin. Kanina ko pa naihanda ang lahat ng gagamitin niya para sa araw na ito.

Ngayon kasi ang annual meeting ng Consunji Empires at kasama si Lukas doon bilang siya ay apo ng may-ari at dahil siya ang may-ari ng Consunji Securities – and his company is on top and I am really happy for him.

Inayos ko ang gagamitin niyang suit. Inayos ko na rin ang kakainin niya. Naalala kong ipagbaon pa siya ng sandwich para naman hindi siya gutumin kapag nandoon na siya.

Nasa kusina ako nang makita ko siyang papunta na sa akin. Naka-slacks na siya pero hindi nakasuot ang polo at coat niya.

"Oh! Babe, bakit hindi ka pa nakabihis?"

Ni-flex niya ang muscles niya.

"Aakitin muna kita, babe." Kinindatan niya ako. Binatukan ko siya.

"Ulol! Hindi ka makakaisa sa akin!" Natatawang sabi ko. Sumimangot na naman si Lukas. Nagpapadyak pa siya.

"Apollo naman eh! Bakit ba ayaw mo? Hindi mo na ako mahal! May iba ka na bang mahal?! Ha! May nanliligaw sa'yo sa ospital?! Sino? Ipapasesante ko!"

"Are you jealous?" Tudyo ko. Bigla ay sumeryoso ang mukha niya.

"Babe, I don't get jealous. I kill."

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa sinabi niya. Heto na naman si Lukas, tinatakot na naman niya ako. Hindi naman niya sinasadya iyon kaya lang kasi alam ko ang kaya niyang gawin. Natatawang nilapitan ko na lang siya at ipinalupot ang braso ko sa leeg niya at nag-alambitin.

"Ikaw lang ang love ko, Lukas." Wika ko pa. "Walang iba. Kaya lang, red flag nga kaya mag-wait ka." Sabi ko pa. Sumimangot na naman siya.

"Dalawang linggo na kong diet dahil sa red flag na iyan."

Hinalikan ko siya sa labi. He kissed me back. I could feel his longing and his need by the way he kisses me pero bago pa ako madala ay kumalas na ako sa kanya.

"May meeting! May red tide kaya magbihis ka na. May duty din ako!" Sabi ko pa sa kanya. Napapailing na lang si Lukas. Dinampian niya pa ako ng halik sa labi bago muling tumalikod at umakyat sa silid namin.

Sumunod naman ako. Inayos ko muna siya bago ako nagbihis ng nurse uniform ko. Matapos iyon ay sabay na kaming sumakay sa kose niya. Inihatid niya muna ako sa ospital.

Habang nasa byahe ay pinakakain ko na rin siya. Hindi na kasi siya nag-almusal. Ayoko namang nagugutom ang original baby ko.

"Babe, gagabihin ako mamaya, may game kasi si Yto mamaya, papanoorin ko lang siya. Gusto mo susunduin kita sa out mo para mapanood mo rin ang pamangkin natin."

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon