A bottle of vodka

46.7K 1.5K 210
                                    

Nakilala ko siya noong eighteen ako. Back then, my hair was silver and very short. Palagi niyang pinupuntahan iyong batambatang professor ko sa Psychology. Palagi ko silang nakikitang nagla-lunch at nagkakape. Naisip ko, siguro sila, o baka mag-asawa. Pero noong una hiniling ko n asana magkapatid lang silang dalawa but when I saw him kiss her, alam ko na. Medyo nakadama pa nga ako nang panghihinayang.

Bakit ba lahat ng lalaki sa mundo, kundi taken ay bading naman?

"Tomorrow, I need you to pass your three hundred word essay about multiple personality disorder, also known as MPD. I want you to discuss about its effect and it originated."

I was taking down notes, pero sa isip ko ay naroon pa rin ang lalaking iyon sa isipan ko. Tiningnan ko si Professor Escalona. She's perfect. Napakaganda niya, maganda ang kurba ng katawan niya. Is she having sex with him?

"Alright? Dismiss, see you tomorrow."

Nagpa-iwan ako. Iniisip ko kung itatanong ko na ba kay Ma'am ang bagay na matagal ko nang iniisip. Napailing ako. Bahala na. Tumayo ako at nilapitan siya.

"Hi..." I greeted. She looked at me. Ngiti agad ang baling niya sa akin.

"May tanong k aba, Miss Figueroa?" She asked me nicely. I sighed.

"Ma'am, itatannong ko lang po. Iyong lalaking-"

"Arru..." Natigil ako noong may nagsalitang lalaki sa likuran namin. Ako din naman ay tumingin. Miss Escalona stood up and gathered all her things.

"Ready ka na?"

Ibang lalaki ito. Mas malamlam ang mga mata nita, mas matapang ang mukha, sa madaling salita,, mas gwapo siya kaysa sa lalaking palagiang sumusundo sa prof ko.

"Simoun. Hi!" Parang nawalan na siya ng interes na makinig sa akin at sumama na lang siya sa taong iyon. I bit my lower lip. Hindi na siguro niya boyfriend ang sumusundo sa kanya noon. Baka break na. Sayang naman at hindi ko nalaman ang kanyang pangalan.

Kinuha ko na rin ang mga gamit ko at umalis na ako sa classroom na iyon. Dahil ako ang huling lumabas ay ako na ang nagsarado ng room namin.

"Wait up!" I looked back and I saw the man in my mind. Humihingal siyang tumakbo papunta sa akin. Akala ko sa akin, iyon pala sa room na pinanggalingan ko. "Fuck! Nasaan si Arruba?!" He hissed. Hindi naman ako agad nakakibo. Tiningnan ko siya. The man's eyes were sharp but mysterious. Para bang napakaraming itinatago niyon, pero sa nakikita ko tuwing kasama niya si Miss Escalona ay punong-puno nang pagmamahal iyon. Nakangisi ako. Ngayon lang ako nakalapit nang ganito sa kanya, Napakagwapo niya pala.

"Sinundo na si Miss Escalona noong bago niyang boyfriend. Iyong Azul ba iyong pangalan noon."

Parang noon niya lang ako talagang napansin. Tiningnan niya ako. "Who are you and how dare you talk to me?" He asked me. Tumaas ang kilay ko. Napailing ako at saka humalukipkip sa kanya.

"Kung gusto mong sabihin ko sa'yo kung saan dinala ni Azul si Ma'am, magtatanong ka nang maayos." Matapang na balik ko. Nakipagtitigan siya sa akin tapos ay umiling din.

"Nasaan sila? Saan niya dinala si Arruba?" Tanong niya sa akin. Huminga ako nang malalim.

"Ilibre mo ako ng kape sa Starbucks saka ko sasabihin sa'yo kung saan sila nagpunta."

Mukhang nagulat talaga siya sa sinabi ko sa kanya. Sa huli ay umiling siya at hinatak ako palayo sa room na iyon. Napapangisi na lang ako habang naglalakad kami. Siguro ay may agwat ang edad naming. Eighteen ako, siguro nasa eighteeen siya. Mukhang bata pa kasi siya.

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon