That thing called dila ni Keith

48.6K 1.3K 139
                                    

"Hindi ba pwedeng tayo na lang ulit, Keith?"

 

Tiningnan ko lang si Nathan. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko mula sa kanya. Nasa dating tagpuan kami – saan iyon? Sa labas ng bahay namnin. Nakaupo kaming dalawa sa tapat ng flower box kung saan niya ako tinanong noong sixteen years old ako. Ang bilis ng panahon, limang taon na iyong nakalipas at break na kami ni Nathan.

Nathan and I broke up that night I was about to give him my virginity. He was on top of me – and yes we're in the middle of a very heated make out session but then, he uttered someone else's name and that's the start of a very heated argument which ended our relationship. I thought that I'm gonna hate Nathan forever, but two days later, we became friends again. Mula noon, wala nang Natkeith – meron na lang Nathan at Keith.

Minsan kapag iniisip ko, nanghihinayang ako sa naging relasyon namin ni Nathan – sa kanya ko naramdaman iyong kilig na hinahanap ko. He showers me with compliment and surprises. Oo nga at indi siya marunong manligaw pero noong naging kami, talo ko pa ang nililigawan araw-araw. Nililigawan niya kasi ako minu-minuto.

But then, things really do have an end. Sayang – minahal ko talaga si Nathan at napakahirap para sa akin ang kalimutang mahal ko siya pero nagawa ko. On the same date – the next year, nakilala ko naman ang boyfriend ko – my boyfriend for four years – si James Maxcardo.

"Hindi na pwede ano?! May boyfriend ako!" Napangiti ako. Bahagya kong itinulak si Nathan. "And I really think he's the one. Palagi niya akong sinusundo, he's a good boyfriend, he comforts me, he makes me happy."

"Iyon yata iyong kinikwento ni Lex sa barkada. He hates everything about you."

I made a face when I heard my archenemy's name. "Well, I hate him too. Wala yatang kabanata sa buhay ko na naiisip ko na kasama siya. I have nothing but pure hate for him." Nathan laughed out loud. Sanay na sanay na siya sa akin at sa galit ko kay Lex. Hindi ko nga alam kung paano nagsimula ang pagkamuhi kong iyon but I remember that there was one time when we got along. Grade six kami noon and we were always playing baseball at the back of our school. He was like a best friend to me, sabay kaming kumakain noon, sabay kaming pumapasok at umuuwi but when we entered our freshmen year, nagsimula na kaming mag-drift apart – hanggang sa napalitan ng hatred ang naganap na friendship sa aming dalawa.

"Alam mo Nathan, baka may dahilan kung bakit hindi natuloya iyang proposal m okay Alberta."

"Alcina."

"Babaeng higad – iyon na lang ang itatawag ko sa kanya." I made a face. Apparently, Nathan Varres fell in love with a certain Alcina – ang babaeng higad. Minsan na niyang ipinakilala sa akin ang babaeng iyon. Maarte siya. Nalaman niya na magkaibigan kami ni Nathan, kinaibigan niya ako but when she found out that I was Nathan's girlfriend, she flipped and started bitching out on me. Hindi ko siya pinapatulan. Masaya ako sa buhay ko noong mga panahon na iyon.

Then, two weeks later, Nathan texted me saying that he will propose to Alcina on their third year anniversary. I wasn't really happy with that knowledge pero dahil kaibigan ko siya, hindi na ako kumibo, at ngayon nga, narito si Nathan dahil hindi natuloy ang pagpopropose niya because he found out that Alcina is dating his classmate – Condrad something – for exactly three years today too. So lumalabas na pinagsabay sila ng babaeng iyon.

Pathetic little higad slash bitch. Gusto ko siyang sabunutan but then what do I care. Si Nathan lang naman ang pinakikialaman ko dahil siya lang ang kaibigan ko. Alcina can die in hell and I won't even give a damn about it.

"Kalimutan mo na iyan, Nathan. Mamamatay din iyon. Lulumuti ang kike noon tapos mababaog."

Nathan laughed again. Natawa na rin ako. Nag-high five kaming dalawa at saa nagtawanan nang napakalakas. Sa ganoong tagpo kami nadatnan ni Barbara at ni Lex. Napatayo ako.

"Puta ka, Lex! Nilalandi mo na naman ang kapatid ko!"

"Keith, kumalma ka nga!" Pinigilan ako ni Nathan.

"Ate nagpaturo lang ako mag-drive!" Wika pa ni Barbara. Nilakihan ko ang mga mata ko.

"Eh bakit sa kanya? Ako hindi marunong magmaneho? Anong tawag mo sa ginagawa ko sa kotse natin? De remote ba ang kotse natin?! Sampalin kita sa lalamunan!"

"Nililigawan ko si Barbara, Keith and you can't do anything about that!" He hissed. Nakita kong hinawakan ni Barbara ang braso ni Lex. I rolled my eyes.

"Sige ligawan mo, pero ipupusta ko ang virginity ko sa'yo, hindi kayo magkakatuluyan!" I grinned. Namula ang mukha ni Lex. I stood there proudly. Sigurado ako sa sinasabi ko.

"Ate naman. 'Wag kang ganyan."

"Totoo, five years from now, makakabuntis si Lex ng ibang babae at magbebreak kayo kaya ngayon pa lang tapusin mo na iyang kalokohan ninyong dalawa."

"Katarzyna!" Si Nathan na ang pumigil sa akin. I just made a face. Lex looked as if he's going to cry. Tumawa lang ako. Si Barang naman ay nagpaalam na sa amin na papasok sa loob. Lex stared at me – and if looks could kill I'd be dead by now.

Naiwan na naman kami ni Nathan sa flower box. He was shaking his head.

"Ang lakas mo mak-bully."

"Huu. Patunayan lang ni Lex sa akin na hindi niya lolokohin si Barang tulad ng ginagawa niya sa mga babae niya, okay na siya sa akin. Hindi naman kasi pwedeng may Barang na siya may side dish pa. I want my sister to be happy – and speaking of happiness, halika, gumala tayo, ililibre kita, Nathan, ayokong malungkot ka!"

"Akala ko ba wala kang pera?" Natatawang tanong niya. Umiling ako Kinuha ko sa pocket ng polo niya ang kahita ng singsing na ibibigay sana niya kay Alcina.

"Isasanla koi to. 'Wag kang magreklamo, hindi mo naman na ito kailangan dahil si Alcinang higad eh pinatos na si Condrad. Come on, vamonos!"

Sumama si Nathan sa akin and true to my words, isinanla naming ang singsing ni Alcina. Ten thousand iyon binili sa pawn shop. Sinabi ko kay Nathan na gagastusin naming dalawa ang lahat ng iyon, tumango na lang siya sa akin.

Nagpunta kami sa Mall of Asia at kinain naming dalawa ang lahat ng fast food doon, Nathan hates fast food but today he made an exception. He ate McDo's French fries, Jollibee's hotdog sandwich, iyong spam bun sa spam jam and many more.

At the end of the day, naglakad na lang kami nang naglakad sa mall na iyon. Ibinalik ko sa kanya ang natira sap era, halos five percent lang o wala pa yatang five percent anng nagastos namin.

"Nathan, ayokong isipin mo iyong ngayon ha." Wika ko sa kanya. I cupped his face. "You are a good man and you deserve the best, naniniwala ako na kung hindi man ngayon, sa susunod, maybe five years from now, makikilala mo ang babaeng karapat-dapat na bigyan ng singsing. Hindi man ako iyon, but I know that she will be worth it – kung anuman ang worth ng paghihintay mo, she will be all worth it so stop chasing after that higad and wait or harvest or whatever you need to do."

"Thanks, Katarzyna." I smiled and nodded.

"But for now, let's go have some fun! Punta tayo sa gig ng boyfriend ko!" Hinatak ko siya at habang hawak ko ang kamay niya, habang hatak-hatak ko siya, may kung sinong nabanggang kaming dalawa.

"Aw!" It's a woman. Tinulungan ni Nathan ang babae. Ako naman ay nakatitig lang sa kanya. The woman was wearing a knee – length skirt, a white sleeveless shirt, kulot ang dulo ng buhok niya tapos ay may nakasabit sa leeg niyang pangalan. Guanzon.

"Sorry." Wika ni Nathan. She looked up. Her cheeks were very red. Mukhang masayahing tao.

Ngumiti lang siya. What caught my attention were her eyes, they looked as if they have so much wisdom. Nilagpasan kami noong babae. Umabrisiete naman akong muli kay Nathaniel.

"Oh! Ayon oh! Malay mo kayo ang ending at hindi si Alcinang higad." Tukoy ko sa babae. Nathan just made a face.

"Ewan ko sa'yo, Keith!" 

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon