Chapter Thirty - Four

7.2K 250 74
                                    



--

Chapter Thirty – Four :


Naka upo ako ngayon sa upuan sa may kainan namin habang naka halukipkip at matalim na tinitignan ang bawat kilos ng lalaking nakatalikod at nagluluto ngayon sa kusina namin. Kahit naka talikod siya, napaka lamig ng dating nito. Minsan iniisip ko kung zombie ba to o ano eh.


"So..." Bahagya siyang lumingon sakin pero nagpatuloy parin sa pagluluto. "Seryoso ka pala talaga na liligawan mo si Ate." Napatigil siya sa pagluluto at humarap sakin ng nakangisi. Aba!


"Of course. Does it look like I'm joking?" There was a hint of amusement in his cold voice. Medyo nainis ako sa tanong ng lalaking to. Ni wala nga sa mukha niyang nagjojoke siya at kung nagjojoke man siya aba! Hindi bagay sa kanya ano!


Nagkibit balikat ako, "Malay mo diba? Ako iniingatan ko lang Ate ko kaya hangga't maaari kung pwede kitang gisahin, gagawin ko para malaman ko kung malinis yung itensyon mo sakanya." Ngumisi ako saka tumingin sa kanya.


Ngumiti na parang may nakakatawa sa sinabi ko, "I love your sister more than a man should love her woman." Tumango ako, nagpatuloy naman siya sa pagluluto.


"Siguraduhin mo lang, Park. Ayokong makitang umuwi ate ko dito ng umiiyak siya dahil sayo."


"Edi wag pauwiin dito kapag umiyak siya." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Tignan mo tong mokong na to!


"Subukan mo lang, hindi ka na sisikatan ng araw." Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya na para bang hindi siya natatakot sa mga banta ko.


"Should I be scared now?" Lalong lumaki yung ngisi niya. Aba talaga naman!


"Hoy lalaking pinaglihi sa yelo! Baka nakakalimutan mo nandito ka sa pamamahay namin ah?! Atsaka! Bakit ka ba English ng English eh marunong ka naman pala magtagalog? Ginagago mo ba ko?"


Umiling siya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko, "Damn, you really are his brother eh?" Lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Hindi man lang pinansin yung sinabi ko! Nako! Wala na to sakin! Olats ka na, man! Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang nilapag sa harap ko yung pastang ginawa niya, "Try it."


Magrereklamo sana ako pero naamoy ko na yung bango nung pagkain. Mas masarap kumain kaysa magreklamo kaya tinikman ko muna pero pagkatapos nito, saka ko siya gigisahin ulit tungkol sa panliligaw niya kay Ate. Nung medyo natauhan na ko mula sa pagkain agad ko siyang sinamaan ng tingin, "Akala mo tapos na ko sayo?! Ano tingin mo masusuhulan mo ko ng—"


"So, how's the food?" Aniya ng hindi ako pinapatapos.


"Masarap!" Hindi ko na napigilan yung sarili ko at bakas din yung excitement sa boses ko. Tangina! Kinompliment ko si mokong! Napangisi siya at tumango tango saka nagpatuloy sa ginagawa niya. "Pucha!" Bulong ko sa sarili ko. Magaling to manlinlang ng tao!


"Oh, anong ginagawa nyong dalawa?" Biglang lumabas si Ate sa kwarto at nakabihis na ng pamasok. "Wow! Mukhang masarap to ah?" Excited na tanong ni Ate.

Between The LinesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang