Chapter Thirty - One

6.1K 256 57
                                    




--

Chapter Thirty – One :


"Wala bang honeymoon dyan?" Nakangising tanong ng kumag kong best friend na sinang – ayunan naman ng mga walang hiya kong kaibigan.


Napangiwi ako sa sinabi nila, "Alam nyo tol, yung mga utak nyo parang munggo. Green na nga maliit pa." Sabi ko habang isa-isa silang tinignan habang nailing, sabay-sabay nawala yung mga ngisi nila sa labi. Matik na poker face sila tanga sa sinabi ko.


"Wow, tol. Wow naman sa panlalait natin." Sabi ng walang reaksyon na mukha ni Dens. Napangisi ako saka tinapik yung mga balikat ng mga na offend kong mga kaibigan.


"Wala. Akong. Pake. Sa. Nararamdaman. Nyo. Okay?" Tumango ako at nilagpasan sila, narinig ko naman yung pagmumura nila kasama na don yung pagganti nila sakin ng mas nakakapanlait na mga salita pero hindi ko na sila pinansin. Sus. Akala naman nila ma ooffend ako.


Psh.


"Pero tol, nakita nyo ba yung tingin ni Gino kay Vanilla kanina?" Sabi ni Jako habang nakangising nakatingin sakin at inaabangan yung reaksyon ko. Tinaasan ko lang sya ng kilay habang inaantay yung susunod nyang hirit.


"Ay! Oo tol! Kitang kita ko kung gaano sya kainlove kay Vanilla! Hanep Fafa Gino! Iba ka na!" Inakbayan ako ni Kirk saka ako kinindatan.


Lumayo naman ako sa kanya, "Gago, sinasabi mo jan? Tigilan nyo nga ako." Pero syempre kapag ganyang nagsisimula na yung mga kantsaw na ganyan, magtutuloy tuloy na yan. Bwiset na mga kumag to oo!


"Pero oo nga, Gino. Nakita namin yon, yung tingin mo iba talaga eh." Sabi ni Dens saka ako inakbayan, nagsang – ayunan naman yung mga kumag kong kaibigan.


"Saka yung," Umubo ng bahagya si Sam saka umayos ng tayo. " 'You look beautiful today.' Tngina tol! Kakaiba ka talaga! Hanep!" Nakipag apir siya sa tawa ng tawang si Matt.


"Kunyari ka pang dapat mag – aral muna tayo eh mas matinik ka pa pala samin, shet ka." Sabi ni Denver kaya naman sila nagtawanan.


Mga baliw talaga tong mga kumag na to.


"Malandi yan si Gino. Simpleng landi mga ganon." Sabi ni Sam kaya nagtawanan lahat, natawa na din ako. Pauwi na kami at kakahatid lang namin kay Vanilla na sobra kung makalingkis sakin. Oo, feel na feel nya yung nangyaring kasal.


Pero totoo naman ah? Ang ganda nga ni Duwends non.


"Maganda naman kasi talaga sya non, mga tol." Sabi ko habang nakangising nakatingin sa kanila.


Napangisi lalo yung mga kumag, "Alam mo Gino, matagal na naming alam yon, maganda talaga si Vanilla. Ikaw lang naman yung hindi makakita non eh." Sabi ni Dens.

Between The LinesWhere stories live. Discover now