Chapter Six

8.8K 327 31
                                    







Chapter Six


"Tara tol, basketball tayo!" Aya ni Denver, pagkapasok na pagkapasok niya pa lang ng apartment. Tinignan ko siya habang umiiral na naman ung pagka-kapal ng mukha niya, kumuha siya ng tubig sa ref saka uminom ng walang paalam.


Tumingin siya sakin, "Ano tol?" Sabi niya.


Napangiwi ako, "Dens, nakakatamad. May bukas pa naman. Pass muna ako." Saka pinagpatuloy ung pagbabasa nang libro. "Mag – aral ka na lang tol, may quiz tayo sa Monday."


"Psh. Di na tayo makakapag laro bukas kasi may Simba." Sumalampak siya sa sofa sa tabi ko habang naiiling, "Ano ba naman yan, Gino. Nakakaumay ka naman eh. Basketball lang tayo saglit aba naman."


Umiling ako, "Mag – aral kang ungas ka."


"Korni mo eh." Sabi niya habang kumukuha ng libro sa bag ko. "Ilang beses na natin tong na review, baka mamaster na natin ung quiz?"


Tumingin ako sa kanya at ngumisi, "Yabang natin ser."


Napangiwi siya, "Seryoso kasi tol. Napag aralan ko na yan nung gabi pa lang na sinabi ni Maam Lazaro na may quiz tayo. Alam kong ganon ka din kaya tara na, basketball na tayo!" Pinaikot niya ung bola sa daliri niya saka tumayo.


Tss. Wala na kong choice.


"Oo na, sige na. Bihis lang ako." Namartsa na ko papunta sa kwarto ko. Tineks ko na din si Ate na pupunta muna kaming court, panigurado nandun yon kila Aling Baby para tumulong.


"Ayon. Dami pang arte eh." Narinig ko pang sabi niya bago ko tuluyang masara yung pintuan. Umiling na lang ako saka nagbihis.


Dumeretso kami sa court ng Brgy. wala naman masyadong naglalaro puro mga bata lang na nangangarap maging kasing galing ni Michael Jordan. Nagdidribble si Denver ng bola habang papalapit sa court.


Nakita ko na ung iba pa naming kalaro, mga nakaupo sa bakanteng mga bench sa gilid. Napatayo ung ilan ng makita kami, "Lanya pre, tagal niyo naman. Agit na agit na kami maglaro eh." Sabi ni Kirk habang nakatingin samin.


Umiling si Denver habang nakataas ung dalawang kamay, "Tagal kasi ni Gino, nagpa bebe akala mo naman talaga eh." Ngumisi siya saka ako inakbayan.


Napangisi din ako atsaka pinasadahan ng tingin ung iba pa naming kalaro. "Kumpleto na ba tayo?"


"Oo tol, ikaw na lang talaga kulang. Kay Vanilla ka lang nagtatago pare, wag mo kami idamay!" Natatawang asar ni Ross.


"Gago." Aniya ko saka kinuha ung bola kay Denver. "Tara umpisa na."


Between The LinesWhere stories live. Discover now