Chapter Twenty - Three

6.9K 268 109
                                    





Chapter Twenty - Three :


Present.


Hindi ko alam kung gaano katagal nag drama si Ate sa tabi ko, basta ang alam ko lang nagising na lang ako wala na naman siya sa kama ko. Wala din sila Denver o kahit sino pang kaibigan ko. Aba himala! Kahit si Duwends, wala. Aba ayos to ah. Ako lang mag - isa.


"Nice." Sabi ko sa sarili ko habang nililibot yung tingin sa hospital room ko kahit kabisadong kabisado ko na to pati yung pasikot sikot dito. Kahit yung mga dumi alam ko na din kung nasaan. Hay nako. Pasyente. Pasyente na naman.


Nakakaumay, nakakaumay talaga dito sa hospital. Hindi na ko natutuwa, pwede ko na siyang matawag na bahay ko kasi halos dito na ko tumira eh. Aba! Parang dorm ko na nga lang yung unit talaga namin ni Ate. Miss na miss ko na yung mga sapot sa bahay saka yung mga dumi dumi sa gilid ng mga pinto.


Dito, malinis eh. Malinis pa sa malinis. Nakakabaliw din, puro puti nakikita mo. Walang ibang kulay yung dingding, puti lang talaga. Pag ako nagka hospital, papakulayan ko ng rainbow ng hindi naman mayamot yung mga pasyente, mababaliw ka na nga sa katahimikan, mababaliw ka pa kasi pakiramdam mo parang kukunin ka na anytime.


Mababaliw ka din lalo kung may nag - aalaga sayo na parang si Vanilla, sa araw - araw ba namang kasama ko siya hindi ko na alam kung anong mangyayari sakin. Na immune na ba ko o lalo akong nabaliw. Hindi ko nga alam kung paano ko nakayanang kasama yon bukod sa makulit na, makulit pa.


Teka, nasabi ko na bang makulit siya? Ang kulit niya sobra. Nakakairita na. Sarap niya painumin ng dextrose mga ganon para manahimik lang. Tinalo niya pa yung pag - aalaga ni Ate na gustong gusto ko naman di hamak sa pag - aalaga kuno niya na hanggang ngayon eh, lakas maka sanggol. Lanya.


Napatingin naman ako sa pinto ng biglang bumukas to saka pumasok yung magandang nurse ko na si Nurse Kat. "Oh, mag - isa ka lang ata?" Natatawa niyang sabi habang nilalapag yung mga pang - injection saka gamot na ituturok sakin.


Napangisi ako, "Ang saya nga, Ate Kat eh. Walang maingay, tahimik. Nakakarelax ako."


Tumango tango siya, "Akala ko mas narerelax ka kapag nandito si Vanilla?" Tumawa siya saka tumingin sakin, agad naman akong napangiwi sa sinabi niya. Seriously? Ganyan. Ganyan na ko katagal dito sa hospital na ultimo mga nagbabantay sakin kilala na nila.


"Ate Kat, nagjojoke ka ba? Sabihan mo ko kapag tatawa na ko ha?"


Umiling iling naman si Ate Kat saka pinitik pitik yung injection tapos tinurok sa dextrose ko. "Alam mo Gino, ang cute niyo nga ni Vanilla eh diba? Pag lumaki na kayo, ligawan mo kasi minsan lang yung ganyan! Yung babaeng may crush na sayo." Kinindatan niya ko.


"Ay nako Ate, wag niyo na kong ipilit sa mga bagay na imposible namang mangyari. Kayo lang mapapagod niyan kakapilit, masakit sa ulo hindi niyo feel? Mas masakit pa sa kakulitan ni Vanilla. Hindi kami bagay, okay? Gwapo ako, duwende siya. Tapos." Nag crossed-arms ako saka tinignan si Nurse Kat.

Between The LinesWhere stories live. Discover now