Chapter Three

11.2K 396 34
                                    

--

Chapter Three

Minsan talaga ang hirap intindihin ng mga babae—ay hindi pala minsan kasi mahirap talaga. Alam niyo yon? Nakakaabnoy isipin kung ano ung natakbo sa isip nila.

Magulo.

Minsan talaga magugulat ka na lang sa mga posibleng nilang gawin. Its either lalo kang mamangha sa kakayahanan nila o matatakot na ka na lang na pipiliin mo na lang magtago eh. Katulad na lang ng nangyari kanina sa field, seriously that elf gave me a headache.

“Dude, ano na? Dito na lang ba tayo?” Narinig kong sabi ni Denver, tinanggal ko ung braso ko sa mukhako saka tumitig sa mga ulap.

Tss.

“Nasa panganib pa buhay ko, tol. Hindi tayo pwedeng umalis basta basta.” Sabi ko saka tumingin sa kanya na busy sa pagpi - psp.

Bigla siyang natawa saka tumingin sakin, “Seryoso Gino? Parang tanga to eh.” Umilin iling siya saka naglaro ulit sa pinagmamalaki niyang psp.

Napakagat naman ako sa labi, “Sinasabi mo yan kasi wala ka sa sitwasyon ko. Ipakilala ka ba namang boyfriend sa maraming tao, luh. Sa kanya lang ata nag eexist ung salitang ‘Kami’ pare. Hindi tolerable ung ginawa nung duwendeng yon, hanep.” Umupo ako saka nagbunot ng damo.

Nandito kami sa likod ng school, dito kami nagtago matapos ung eksenang ginawa ni Duwends. Masyadong nakaka trauma, nakakatakot na siya. Buti na lang walang masyadong nakakaalam sa lugar na to. Dito kasi kami madalas tumambay ni Denver pag wala kaming pasok para astig.

Bukod sa may pagka fresh air. Tahimik din. Malayo sa ingay pati mga tao. Malayo sa DD Fan Girls, malayo kay Pearl na Cuddly at higit sa lahat,

Malayo kay Vanilla Mallari.

“Grabe ka naman, alam mo bang real deal na si Vanilla?” Hindi rin. “Tol, isipin mo kasi.. ang dami mo ng advantage, bukod sa kaklase na natin siya simula pre – school, magkakaibigan pa tayo. Kilalang kilala niyo na ung isa’t – isa--”

“Ayun nga tol, ayun na nga ung point! Kilala ko na si Vanilla kaya hindi pwede saka ano ba naman yan.” Napangiwi ako sa mga pinagsasabi netong kumag na to.

Tumango tango siya, “Oo nga pre, alam ko yon. Sasabihin ko lang ung mga nakikita ko teka lang. Unang una, si Vanilla maganda, matalino, mabait, responsable, magalang saka sgt. @ arms ng student council, active siya sa mga extra – curricular activities ng school.”

Lumapit sakin si Denver saka ako tinapik sa balikat, “Tol, catch na catch na yang si Vanilla. Ang daming magagandang katangian yan saka ung pinaka matindi sa lahat, gusto ka niya simula bata pa tayo. Oh? Wala ng mas aastig pa don.”

Between The LinesWhere stories live. Discover now