Chapter Twenty

7.2K 244 19
                                    





--

Chapter Twenty


Nakalabas din ako ng hospital, ayaw pa sana nila Ate at Tito Rick pero pinilit ko. Ayokong mag stay pa ng isa pang gabi kung puro puti lang din naman nakikita ko. Saka mas gusto ko yung polluted na hangin kaysa sa amoy gamot at alcohol na lugar.


At syempre, ayokong madagdagan pa yung gastusin sa hospital. Okay na ko sa isang araw na pagkaka confine, hindi pa naman ako umaabot sa critical stage kaya hindi pa ko dapat tumira sa hospital.


Napag usapan na din nila Ate na tumigil muna ako sa pag - aaral pero tumutol ako, hindi pwedeng pati yung pag - aaral ko maapektuhan dahil lang sa sakit ko. Hindi ako papayag na matapos paghirapan ni Ateng pag aralin ako sa high school, bigla na lang akong titigil kasi may sakit ako. Ayoko ng ganon, may pangarap pa ko at hindi kasama sa pangarap ko yung pag tigil sa pag - aaral.


Naghahanda na ko para pumasok ng makita ko si Ate na binabantayan bawat kilos ko, napataas yung kilay ko, "Hoy Ate, tutunawin mo ba ko?


"Oo, bakit?" Baliw to ngayon oo.


Napangiwi naman ako, kinuha ko yung throw pillow sa upuan saka hinagis sa mukha niya. Ayon, sapul. "Tumigil ka nga!"


"Ano ba yan, Gino!" Kinuha ni Ate yung unan saka ako tinignan ng masama. "Bakit mo ko binato?!"


"Eh bakit mo ko tinititigan!?"


"Bakit? Masama?"


"Oo! Kung literal na natutunaw yung tao sa titig, kanina pa ko tunaw dito! Parehas kayo ni Vanilla eh!" Sabi ko saka kinuha yung bag ko.


"Eh ano kung gusto kitang tignan? Binabantayan kita! Saka.." Bigla siyang napatigil tapos ngumiti saka ako tinignan habang tumataas taas yung isang kilay. "Ikaw ha, binbanggit banggit mo na din si Vanilla. Ikaw Gino ha! Nako nako!"


"Luh siya oh. Parehas kasi kayo ng ginagawa! Kaya nauubos mga gwapo eh, tinutunaw niyo lagi sa tingin!" Pero mukhang hindi ata nakinig sakin si Ate kasi nakangiti parin siya ng mapang asar. "Ate!"


"Ano?" Natatawa niyang tanong.


"Tigilan mo nga kasi!" Saway ko.


Tumawa siya ng malakas. "Wala na kong ginagawa! Naaalala mo parin ba si Vanilla?" Napangiwi ako, "Yiee! Ikaw ha! Lumelevel up na kayo ha!" Hinagis niya yung unan niya sakin pero nasambot ko naman yon. "Cute niyo kaya."


"Ewan ko sayo Ate." Lumapit ako sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi, "Pasok na ko."


"Sabi sayo wag ka na pumasok eh!" Sabi niya pero umiling ako.


"Papasok ako kasi gusto ko."

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon