Chapter Five

7.6K 338 52
                                    







Chapter Five



"Gino, gising na."


"Mmmm.."


"Gino.."


"Five minutes, Ate. Five minutes." I murmured saka ulit nagpatuloy sa pagtulog pero hindi pa man ako nakakapikit talaga, tinapik na naman ako ni Ate sa balikat.


"Gino," Napangiwi ako at padabog na tinago ung mukha ko sa unan.


"Ate, saglit lang please." Hindi naman na talaga ako ganon ka inaantok pero kasi gusto ko na lang matulog kaysa pumasok. Hindi na kasi ako tinigilan ni Duwende, she's so annoying. Minsan nga naiisip kong itapon na siya sa bermuda triangle para tapos na.


Pero hindi naman ako ganon kasama.


Kaya kahit isang araw lang, gusto ko wala munang maingay, walang maligalig, walang maliit na babaeng laging nakabuntot sakin.


"Pero Gino, may bisita ka." Sobrang hinhin ng boses ni Ate na nakakaantok, hindi na lang ako sumagot at pumikit ulit.


I was ready to travel dreamland again ng may bigla akong marinig na matinis na sigaw.


"LAABBSSS!!" Napabalikwas ako ng makita ko si Vanilla na nakatayo sa paanan ng kama ko. Sobrang lawak ng ngiti niya para na siyang endorser ng toothpaste.


Nagising ako. Literal pati ung kasuluk sulukan ng katawan ko nagising sa ginawa ng babaen to. Nanlalaki ung mga mata ko habang nakatingin sa kanya.


"VANILLA! ANONG GINAGAWA MO DITO!?" Sigaw ko, tumingin naman ako kay Ate na natatawa. "ATE!?" I was crying for help, seriously. I need to escape.


Bahagyang natawa si Ate, umiling iling siya habang nakangiti. "Sorry Gino, si Vanilla kasi eh. Sinusundo ka daw, papasok pa daw kayo. Sabi ko naman kasi sayo bumangon na kanina eh." She winks.


Sinamaan ko siya ng tingin, "Hindi ako papasok." Tumingin ako kay Duwende na kasalukuyang nagpapa cute sa harap ko. Ang sagwa.


"Bakit hindi?" Ngumuso siya saka tumingin kay Ate, "Ate Tanyii oh. Si Gino, nagsasayang ng pera. Sayang ung isang araw na dapat sana may bago kang natutunan diba Ate Tanyii?"


I smug, yeah right. As if naman sa kanya kakampi si Ate. Luh, ako kaya kapatid dito. Nakangisi akong tumingin kay Ate, alam ko namang sakin parin yan kakampi.


Sure na yan.


"Oo nga Gino. Pasok ka na, sayang isang araw. Hihiga ka lang naman dito." Napamura ako sa isip ko habang nakangangang nakatingin kay Ate.

Between The LinesWhere stories live. Discover now