Chapter Twenty - Four

5.9K 238 45
                                    




--

Chapter Twenty – Four


Gumising ako ng may ngiti sa mga labi ko, ang saya talaga gumising sa sarili mong kama. Yung nakikita mo yung mga agiw sa dingding, yung kalat sa ilalim ng kama pati sa mismong kama mo. Hay buhay. Eto na ata yung pinakamasayang birthday gift na natanggap ko mula kay Tito Rick, ang I – discharge ako at pauwiin na sa bahay. Hanep.


Lumabas na ako ng kwarto, agad naman akong napasimangot ng makita ko yung itsura ni Ate. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa habang nakatitig sa mga libro niya. Agad kong kinuha yung throw pillow sa sofa saka hinagis sa mukha niya.


Boom! Sapul!


"Aray ko naman! Bakit ka namamato ha!?" Inis na sabi niya habang hawak yung throw pillow. Ang galing noh? Para siyang bata na na – stuck sa katawan ng isang 17 year-old.


Nagkibit balikat ako saka umupo sa sofa at tinignan siya, "Ang pangit mo kasi eh. Aga aga naka simangot ka na naman. Nakakahawa, Ate. Alam mo ba yon?" Ang ganda ganda ng gising ko tapos biglang ganito makikita mo? Aba, talaga namang nakakahawa eh.


Agad ulit sumimangot si Ate,alam ko na. Alam ko na problema neto. Nararamdaman ko, alam na alam ko, lanya. Paulit – ulit na lang. "Kasi naman Gi, hindi ko talaga maisip kung paano ako nalipat sa Star Section." Bumuntong hininga siya saka tumitig sa mga libro niya.


Napa – iling ako, sabi ko na nga ba. "Ate, move on aba! Isang linggo ka ng nandon pero hanggang ngayon alam parin problema mo?" Nalipat si Ate, sa star section sa school nila, isang linggo na niyang nirereklamo at pinoproblema yung napakaliit na bagay na yon. Ewan ko ba dito, dapat nga matuwa pa siya. Sows. Mga babae nga naman.


"Kasi naman, hindi ko talaga maisip kung paano nangyari yon."


"Anong paano?" Umayos ako ng upo saka siya tinignan ng nagtataka. "Ate, matalino ka. Kaya bakit mo tinatanong kung paano ka napunta sa star section? In fact, dapat nga matagal ka ng nandon eh. Ewan ko ba sa school mo, at kung bakit nilagay ang scholar sa last section. Parang...tanga."


"My dear brother, may I remind you na lahat ng nasa Star Section ay may mga matataas na pangalan sa kahit anong Industry. Kumbaga...erhh..."


"Royal bloods?" Natatawang tanong ko.


Tumango si Ate, "Exactly! Parang mga royal bloods, kung yung ibang sections is mayayaman at kilala na ang mga pamilya. Mas yung mga nasa Star Section, naiintindihan mo ba ko? Sila yung mga students na yung mga parents is nag – sponsor sa mga iba't ibang institutions at napaka imposibleng masama ako don."


Umiling ako, "Ate, stop discriminating yourself. Ano ba naman! You should be thankful, stop with all those dramas at mag move on ka na. Mas umangat ka pa lalo sa mga nang – aaway sayo, saka deserve mo yan okay? And come to think of it, may naiaambag ka kaya sa kanila." Sabi ko.

Between The LinesWhere stories live. Discover now