Chapter 25

74 3 0
                                    

Umakyat agad ako baka kasi si Terrence na ang naghihintay sa akin sa labas. Pero ang natatanadaan kong usapan namin ay pagkatapos ng rehearsals. Magla-luch break palang kasi kami. Mamayang hapon pa yata kami matatapos. At the least pa. -________-

Papalabas pa lang ako ng pintuan ng may humawak sa braso ko. Napatingin ako sa kamay tapos sa nagmamay-ari.

"Bakit?" pinakaswal ko lang ang boses ko para hindi niya mahalata na medyo kinakabahan ako. Sa paraan ba naman ng pagkaka-titig niya eh.

Pasimple akong tumingin sa baba, tama ang hinala ko. Nakatingin sila sa amin.

"Pwede bang..."

"Pwedeng...?"Ano ba kasi ang trip ng lalaking to? Una sabi niya,gusto niya ako tapos nagkaron siya ng video na may ibang kahalika. Ano ako? Flavor of the week? Pangalawa, guto daw niyang makita ko siya pero sa ikini-kilos niya parang gusto niya akong pagtaguan.

"Ano kasi..." hinanplos niya ang sariling batok. Mukha siyang stressed out. Pareho ang aura niya ngayon at nung araw na umalis si Trina slash nung araw na hinalikan niya ako. >////<

"Alam mo kung hindi naman yan masiyadong importante, pwedeng mamaya nalang? May naghihintay kasi sakin sa labas."sabi ko, sinlyapan ko pa ang pintuan para i-emphasize na nasa labas na yung naghihintay sa akin.

"Pwede bang... Hay!"

Tiningnan ko siya ng mabuti. Mukha siyang nahihirapan. Yung constipated, ganun.

"Basta! Huwag kang pupunta sa booth ng mga Alpha, okay? Kahit na anong mangyari."sabi niya tapos bumaba na siya agad. Ni hindi man lang ako pinasagot. Pero bakit ayaw niya akong papuntahin sa booth ng mga alpha bukas?

Nagkibit-balikat nalang ako tapos lumabas na.

-----------

TERRENCE's POV

"Dad! Di niyo pwedeng gawin yon!" angal ko.

"Wala na akong magagawa. Meron silang kasunduan ng lola niyo, baka habulin ako mula sa hukay ng lola mo, sige ka. Atakihin pa ako sa puso."sabi ng Daddy ko sa kabilang linya.

"'Wag ka nga po kayong magbibiro ng ganyan and besides it's an old agreement."nakasimangot na ako. Sinulyapan ko sina Chooki at Finn. Pareho silang prenteng naka-upo sa potato couch ng room nilang football slash soccer players.

"Tandaan mo anak, ang pinakamatandang kasundan ang nagbubuklod ng mas matagal sa dalawang tao."pagpapa-alala ng Daddy niya sa kanya.

Napa-iling naang ako. Papano ko ba kukumbinsihin ang Daddy ko na itigil ang mga lumang kasunduan na yan kung mas luma pa baul ng lola ko ang pag-iisip niya?

"Dad, ang baduy niyo. Sa tingin niyo ba papaya si Mom dito?" Bakit ba kasi naisip pa ng mga sinaunang tao ang mga ganyang bagay? Hindi ba nila alam ang salitang free will?

"Actually, she agreed."ani ng Daddy ko sa kabilang linya na parang nagtataka rin.

Nanlaki ang mata ko. Ang nanay kong modern pumayag sa arranged marriage?

"P-pano nangyari yun?" Kung ang tatay ko ang pinaka makalumang tao sa mundo kabaligtaran naman niya ang nanay ko.

"Ang galing kasi mag sales talk ng matandang yun. Nabenta tuloy ang nanay mo." Humahanga pang sabi nito.

"Sales talk Ano akala niyo sa amin? Negosyo?"naibulalas ko. Pambihira!

Sine-sales talk nalang pala ngayon ang pagpapakasal.

"Hindi naman sa ganun pero ganun talaga eh." Pilit na nagra-rason ang Daddy ko. Ang point niya ay pointless!

"Di man lang kayo pumalag?"

Labyrinth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon