CHAPTER 21

81 1 0
                                    

Terrence's POV

Nasan na ba yung pagkain na pinabili ko kay Xed? Tsk. Sinilip ko yung ref. Wala rin dun eh. Linibot ko ang tingin ko sa pantry. Ayun! Nasa loob ng microwave.

Agad kong kinuha yung boxes tapos lumabas ng marinig kong ine-interrogate ng mga ka-team ko si Pikki.

"So, walang something special sa inyo ni Terrence?"

May pagka-usisero rin ang mga unggoy na yun ah. Hinintay ko yung isasagot ni Pikki. Hindi ko alam pero parang umaasa ako na...na sana meron. Nakaka-inis man isipin pero gusto ko si Pikki. Simula pa lang... Hay.

"Wala."

Bumuntong-hininga ako. Corny man pero nakaramdam ako ng konting sakit kahit na yun yung totoo. Naghintay ako saglit.

"Liniligawan?" narinig kong tanong ni Gin.

Pano ko liligawan e Nahiirapan nga akong magsalita pag kaharap ko yan. Tak!

"Hindi rin."

"Ex?"

Ex pa kaya?

"HAHAHA, ang kulit niyo rin no? Hindi rin."

"Eh, bakit magka--"

Narinig kong may Pumasok. Sumilip ako sa pintuan. Si Zurk. Aaminin ko, ayaw ko talaga sa Zurk na yan. Masiyado siyang mayabang pero wala akong magagawa dahil mas Marami ang nagkokonekta sa kanila ni Pikki. Bestfriend pa ni Piki si Trina na kapatid ni Zurk. E ako? Wala.

Nakita kong hinila ni Zurk si Pikki palabas. Tsk! Wala na naman akong ginawa. Hay.

Lumabas na ako sa pantry.

"Wala na si Pikki." Malungkot na sabi ni Finn.

"Kung magsalita ka pare parang NAWALA na nga si Pikki. HAHAHA!" --- Jc.

"Alam ko."

"Hindi mo man lang hahabulin?"

Umiling ako.

"Grabe! IKAW NA YATA ANG PINAKA-TORPE " bulalas ni Neji.

"Wow Neji! Kung magsalita ka diyan! Parang lingawan mo rin si Cindy ah! HAHAHAHA!" sabi ni Luni.

"Tangina ka, matagal na yung issue. Sarado na yun!"

"Uy! Defensive!" sabi ni Jc.

"Teka, bat napunta sakin yung topic e si Terrence yun ah!"

"Hahaha! Duwag ka rin kasi noon kay Cindy."

"Sinong may sabi?"

"Hahahah!"

"May gusto ka kay Pikki no? Terrence?"

"OO."

"Sabi na nga ba eh!"

"HAHAHA!"

"Hoy! Sumaglit lang ako sa labas tapos babae pa rin pinag-uusapan niyo. Asan si Pikki." Napatingin kami kay Vin.

"Lumabas ka? Di namin nahalata. HAHAHAHA!"

"Tama na yan. Ano na gagawin natin para sa Foundation day?"

"Yung suggestion ko na lang kasi kanina."

"Teka lang Vin ihahatid ko lang 'to sa auditorium." Sabi ko tapos lumakad na ako.

"Sa tinginko in love yan."

Narinig ko pang bulong ni Vin bago ako lumabas.

Sa tingin ko rin...

PIKKI's POV

" Z-Zurk t-teka lang..." Masakit na kasi ang pagkaka-hawak niya sa kamay ko.

Hindi pa rin niya ako linilingon. Tuloy pa rin siya sa paglalakad, sa tingin ko papunta kaming parking lot.

Labyrinth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon