Chapter 29

19 1 0
                                    

Peanut, meet me at the Labyrinth Garden. Or else...

Muntik ko nang maitapon an cellphone ko nang makita ko ang text sa akin ni Lola. My God! Am i gonna meet the guy they want for me there? Takas nalang kaya ulit ako?

Napa-iling ako. Kakatayin na ako ni Lola. Baka nga ipatapon na ako sa kung sasng Smoky Mountain. Nagpaikot-ikot ako sa kama ko nang maisip ko si Zurk. Tama! Ito na ang tamang oras para ipakilaka ko si Zurk kay Lola. Pero wala pa akong maayos na game plan. Ah! Bahala na!

Bumangon ako at nagtype sa cellphone ko.

To: Zurk

Oist! Samahan mo ako!

Sinend ko agad baka unahan pa ako ng kaba.

Ilang saglit lang ay agad ring ng reply si Zurk.

From: Zurk

Sure babe! Saan ba?

Nakusot ang mukha ko. Babe? Gosh! wala na bang ibang endearment? At naghanap ka pa talaga Pikki ng ibang endearment.

To: Zurk

RIGHT NOW.

Ilang segundo lang ulit ay tumunog ang cellphone ko.

From: Zurk

Gusto mo na agad akong makita? Ang sweet mo talaga. Anyway, be ready I'll pick you up within 10 minutes.

Ang kapaaaaaal talaga! Anyway, sabi niya 10 minutes susunduin na niya ako. I can't make a game plan ng ganon kabilis but I don't have a choice.

Hindi ko na naman kailangang magbihis dahil nakajeans at shirt na ako. Okay na sigurong humarap ako kay lola ng nakaganito. In the end, baka nga gutay gutay ang damit ko pag-uwi dahil baka katayin na ako ni Lola pag sabihing kong may boyfriend na ako at hindi ko napakilala sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Bumaba na ako at hinintay na alng si Zurk sa sala namin.

Kainis! Ayokong gamitin si Zurk para ipanangga kay Lola pero wala na talaga akong choice. Oo, aaminin ko, naatract ako kay Zurk kaya kailangan kong dumistansiya dahil alam kong konti nalang hulog na ako sa kanya pero mas pinahahalagahan ko ang kalayaan ko. Ayokong mauwi katulad ng naging relasyon ng Mama at Papa ko.

"Hey,"

Napatingala ako at nakita ko ang pinakagwapong laman-lupa na nakilala ko. Hindi ko napigilang titigan ang mukha niya. Bakit parang mas naging guwapo siya? Tapos ang ganda-ganda ng ngi--

"Huwag mo kong masiyadong titigan dahil pag nahulog ka sakin, dalawa tayong babagsak."

"Bakit?" parang wala pa rin sa sariling tanong ko.

"Kasi nahulog na rin ako sa'yo." tapos ngumiti siya at kinindatan niya pa ako.

Bigla akong napakurap-kurap. Baliw na nga yata ako.

"Tara na nga, ang corny mong bumanat eh." sabi ko sabay tayo.

"Sus! Kinilig naman siya!" tatawa-tawang sabi niya.

"Magtigil ka nga!" inis kong sabi ng sundutin niyako sa tagiliran.

"Pakipot pa si Maam."

Inirapan ko lang siya. "Hindi ako pakipot Sir."

Ilang minuto pa ay nakarating kami agad ng labyrinth garden.

Pinigilan ko ang braso ni Zurk nang akma na siyang bababa sa sasakyan.

I bit my lower lip. "Alam mo naman kung ano ang set up natin di ba?" nagaalangan kong tanong.

Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Humarap siya sa akin at sa ikinabigla ko ay hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko. He looked at me intently.

"To be honest, I don't know what I'm into but something inside me is telling me to follow you. When you said that you needed me to be your boyfriend I was happy, no, ecstatic is the right term. I don't know the reason why but I just felt that your really needed me so I agreed."

Feeling ko nalulon ko ang dila ko dahil sa lalim ng titig niya sa akin. What have I been missing this whole time? Feeling ko sasabog ang dibdib ko sa kaba.

"T-then why are you doing this?"

Napabuntong-hininga siya. "I also don't know, maybe I wanted you to notice me? But one thing is for sure I'll keep you no matter what."

Ako naman ang napakunot-noo.

"Zurk, do you like me? I mean sinabi mo sa akin ang sagot dati but are doing this becsuse you really like?"lakas-loob kong tanong.

Pinitik niya ang noo ko tapos umayos siya ng upo tapos napangiti. Mas lalo namang nalukot ang mukha ko.

"Ikaw na yata ang pinaka manhid na babaeng nakilaka ko pero para sagutin ang tanong mo, OO. Hindi naman ako magpapakatanga ng ganito kung hindi kita gusto, okay? Mas sanay kaya akong ako yung hinahabol." sabi niya tapos pinataas-baba pa niya ang dalwa niyang kilay.

Nanlaki ang mga mata tapos hinampas ko siya sa braso.

"Puch! Pikki naman, ang bigat kaya ng kamay mo."

Hindi ko siya pinansin. So he really like me that much? At sabi niya matagal na! Kelan pa kaya? Nung sinabi niya sa akin noon na may gusto siya sa akin, medyo hindi pa ako naniwala pero ngayon...naniniwala na ako sa kanya

Binalingan niya ako. "At hindi rin ako naging ganito ka selfish pero, puwede ka rin bang magkagusto sakin?" tiim ang tingin niya sa akin.

Bakit mas lalong gumanda ang mga mata ni Zurk. Bakit mas marami akong napapansin sa kanya? Because I've grown to like him too.

Ngumiti ako sa kanya.

"Yeah. I will." I already like you, stupid. simpleng sagot pero ang laki ng epekto sa mukha niya.

Kinurot ko ang pisngi niya tapos lumabas na nang kotse.

Sinilip ko siya nang hindi pa siya bumababa. "May plano ka pa bang samahan ako?"

Mukhang nakabawi naman siya sa pagkatulala niya. "O-oo bababa na."

Nagsimula akong maglakad. I hate it because I'm just using him but as much as I've tried to stop from liking him, hindi ko rin kaya. Kaya nga mas nanakonsensiya dahil parang ginagamit ko lang ang taong gusto ko.

Once again I bit my lower lip.

Labyrinth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon