CHAPTER 18

114 6 0
                                    

PIKKIS POV

This is it! Ito na ang last strand ng pasensiya ko. For the past few weeks palagi akong may nakikitang isang dosenang bulaklak sa locker ko and this...Bumahing ako. Urgh! Pabalibag kong tinapon ang isang dosenang bulaklak sa basurahan at naglakad ng mabilis. Walang nagtangkang humaharang sa daan ko dahil na siguro sa expression ng mukha ko. Para akong susugod ng digmaan. Lumabas ako ng building namin at tumingin-tingin.

Hinagip ko ang pinakamalapit na tao na dumadaan.

"Asan ang engineering buliding?"tanong ko sa lalaking may malaking bling-bling.

"Hi Miss, I'm Cast." Ngumiti siya nang parang nang-aakit.

I leaned closer. Tiningnan ko siya ng masama.

"ASAN. ANG. ENGINEERING. BUILDING." I said through clenched teeth.

"Uh. That way then kaliwa ka." turo niya

Para siyang kuting na ginulat.

Mabilis akong naglakad papunta sa direksiyon na sinabi niya. Peste, ba't ba hindi ko man lang naisip na libutin ang school namin. Marami kasing buliding na nakapalibot sa buong school, bawat department may sariling building. Pagkatapos nang ilang kilometrong paglalakad nakita ko na din sa wakas ang department na hinahanap ko. Pumasok ako sa building.

"Asan na kaya ang lalaking yun?"

Sigurado akong siya lang ang magbibigay nun. Siya lang naman ang papansin ng papansin sa akin. Palagi ko kasing kausap si Terrence this past few weeks at tinanong ko siya sabi niya hindi raw siya yung nagbibigay sa akin ng bulaklak. Nyeta! Pa-mysterious effect ang gago. Nakuuu! Tatamaan ka sakin!

Naglalakad na ako sa may second floor ng building nang may marinig ako.

"Oh my gosh! You're so sweet talaga." sabi ng babae sa malandi at mapang-akit na boses.

"Oo nga. You're so gwapo pa." sabi pa ng isa.

Sumilip ako sa mga nagsasalita. Tatlong tao ang naglalakad papalapit sa direksiyon ko.

Anak ng?!

"HOY ZACHARIAS!" Nandidilat ang mga mata habang papalapit sa kanila. Ang walang-hiya, may dalawang babaeng kaakbay. Nakuuu!

Nagsitinginan sa akin yung mga tao na dumadaan sa hallway.

"PIKKI!" ^_____^ tuwang-tuwa na kumaway sa akin si Zurk.

"WHO IS SHE?!"

"WHAT DO YOU WANT?" asik ng babaeng mukhang isinubob sa cornstarch.

"OH GOSH GIRL! I RECOGNIZED HER NA?" Mas lalo pang lumaki yung mata nang babaeng nakapulupot sa kanang braso ni Zurk.

"OH MY GEEE! OO NGA?! IKAW YUNG STALKER NI ZURK!" malanding turo pa niya sa akin.

Pinandilatan ko yung dalawang bruhang koala.

"Uhhh--- Pikki?"

"Bakit mo ako pinapadalhan ng mga bulaklak ha?! Nung isang linggo ka pa ha?!" hindi ko na napigilan ang sarili. Nakaka-inis!

"Flowers? Anong bulaklak ang sinasabi mo?" nagtatakang sabi niya

"Oh my gee. So embarrsing." bulong ng babae sa kaliwa pero sapat na para marinig ko.

"E hindi naman si Terrence ang nagbigay saken nung bulaklak."

"Oh, so you're expecting flowers from me." He smiled. His sheepish smile.

Pasimple akong tumingin-tingin. Nagbubulong-bulungan sila. Parang gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko pero kailangan kong itayo ang aking female ego!

Labyrinth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon