Chapter 28

117 3 0
                                    

~~~~~~~~

A/N:

Ngayon lang ulit ako naglagay ng note. Medyo tamad kasi akong gumawa ng ganito. Anywez, medyo mahaba ang chapter na 'to kasi... hindi ko rin alam. I guess mas mapapabilis ang events kung mas hahabaan ko ang chapters. LOL~

COMMENT/VOTE/FOLLOW (optional)

~~~~

PIKKI's POV

Napalunok ako at napakurap-kurap. Totoo ba 'to? Si Zurk ang nagpatigil sa kasal? Tumingin ako kay Terrence. Nagtiim ang mga bagang niya at nagdilim ang mukha.

Hinila niya ako papunta sa likod niya. I don't know why he did that but anyway siguro alam niyang galit/inis/ may tampo ako kay Zurk.

"Can you tell us why this couple cannot lawfully be joined together in matrimony?" tanong ni Troy kay Zurk.

Awkward. Yun ang atmosphere sa booth. Hindi nagsasalita ang mga tao at hinihintay lang ang sasabihin ni Zurk. Wala akong idea kung ano ang expression sa mukha ni Zurk dahil nasa likod ako ni Terrence at hawak-hawak niya ang kamay ko. Ayaw ko rin naman makita pero kahit papano nakadama ako ng...relief?

"Because she's my girlfriend." Deep ang tonong sabi ni Zurk. Why so husky and sexy? Urgh!

Biglang nagsimula ang bulong-bulungan.

Bumaling sa direksiyon ko si Troy. "Is it true?"

Umalis ako sa likod ni Terrence pero hindi pa rin nya binibitawan ang kamay ko. Napabuntong-hininga ako. Ang sama ng tingin ni Phoebe sa akin. Isang irap ang ibingay niya bago siya umalis. Tch!

I get it. I get it now.

"Pikki?"nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin si Terrence.

Shit! Bakit pag may ganitong nangyayari sa kasalan ang bride palagi ang pinahihirapan? Given the fact na isa 'tong fake na kasalan pero ako pa rin talaga... Naku naman.

"Miss Pikki, is it true that you are Zurk's girlfriend?" I remebered this tone. Eto yung ginagamit niya sa akin dati paggusto niyang malaman ang kabaligtaran.

Bumuntong-hininga ako. This it it. Kung ang pagkakataon na mismo ang nagbibigay ng chance,iga-grab ko na. First option ko na 'to.

"Y-yes." nagsta-stutter kong sabi.

Narinig ko ang pagsinghap ng maraming tao at sumunod ang maraming bulungan.

"Di ba boyfriend ni Phoebe si Zurk, bakit naging si Pikki ang girlfriend?"

"Mang-aagaw ang malangding babaeng yan!"

"Sinabi mo pa! Tama nga ang sinabi ni Gladys!"

Lumapit sa amin si Chimbey at tinanggal ang posas. She gave me a sorry-look tapos umalis na agad. Tumingin ako kay Terrence pero wala akong makitang emosiyon sa mukha niya. Wala. As in wala.

"Eherm, since this wedding is not legal therefore any objections from anybody is accepted." Sabi ni Troy tapos umalis na siya sa altar. Maghahanda na sila para sa kasal na kasunod ng kasal sana nila Zurk.

Tumalikod na si Terrence pero agad ko ding inabot ang kamay niya. I have this weird feeling na parang gusto ko siyang i-comfort pero hindi ko alam kung bakit at papano.

"Terrence..." bulong ko.

Humarap siya sakin pero nakangiti na siya pero hindi umabot sa mata niya. Ginulo niya ang buhok ko tsaka yinakap.

"Huwag mong kalimutan yung cake ha? Tsaka... I do." Tumawa siya na halatang peke at pilit.

Bumitiw siya at tumalikod na tapos naglakad palayo.

Labyrinth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon