CHAPTER 2

258 7 0
                                    

PIKKI's POV

Argh! Lunch break na pero parang maaga pa rin. Sobrang boring yung mga sumunod na subjects afterng Gen.Psych. Buti nga di ko tinulugan. Pulos lecture lang ng lecture. Kung hindi man lecture introduce ng introduce. Nakakasawa! walang thrill,ni wala nga kaming calculus. 

"Hi. Puwedeng maki-share ng table?"sabi ng lalaki sa amin.

Nagtinginan kaming apat.

Gwapo yung lalaki. He's tall, lean muscled and undeniably hot but I don't like him. He's features reminds me of  someone that needs to be erased in my memory. FOREVER. Pag ang isang tao kasi na associate na ang isang particular trait sa isang tao magiging common trait na ito sa iba pang tao. Kaya kahit na hindi naman ako ina-ano ng lalaking 'to feeling ko siya yung taong kinaiinisan. Ang labo ko talaga!

Tinaasan ko siya ng kilay. Umatake a naman bigla pagka-mataray ko. Sorry, para kasi akong babaeng may bipolar disorder. Minsan baliw minsan naman mas baliw . Ako kasi ang pinaka-sensitive sa aming apat.

Napabuntong-hininga ako. Ang rami ko talagang issues sa buhay! Takte!

"Marami pang namang vacant" I said as a matter of factly. Tinuro ko pa  yung mga vacant tables.

"Pikki!" saway ni Trina. Okay, here's Ms.Goody-Two-Shoes.

Tinignan din ako ng masama ni Tuchi. Bakit ba? Sila na mababait. PSH!

"What?Just stating a fact." maang kong sabi. Umaariba nanaman si Trina. Palibhasa gwapo. Hmp! Hahahahahaha! Spell BITTER! A-K-O. Two years na rin yun pero nararamdaman ko pa rin eh. Masakit.

"It's rude." sabi niTuchi sa akin.

I don't know but I always have this feeling that gorgeous boys can't be trusted. Alam mo yun, kung hindi playboy, bakla na naman kung minsan. Haaay. Kainis!

"Psh." nasabi ko na lang nang nakasimangot.

"Hello, dito ka umupo o." sabi ni Trina with wide smile pa. Tinuro niya ang katabing upuan.

Tiningnan ko ng masama yung lalaki. Like, sit down and you're dead. Pero nginitian lang niya ako tapos umupo. Aba nga naman, hindi nasindak ang lolo niyo!

"Hi,ako pala si Terrence Villaraza." Pagpapakilala niya sa amin.

*So? Nobody's asking?* sabi ko pero sa isip ko lang. 

"Terrence Villaraza? Of Techno Magnate?" namamanghang sabi ni Tuchi.

Techno Magnate? Parang familiar... Hmmmm. Narinig ko na yata yun somewhere, hindi ko lang alam kung saan.

Ngumiti siya, particularly sa akin. Nagtama ang mga mata namin kaya ko nasabi.

Napamaang ako. Whew! This guy has a one heck of a smile.

"Yeah."

"I'm Trinity Soledad." Nakipagkamay sa kanya si Trina.

"I'm Tuchi Smith nga pala."

Tumingin siya kay Marga na busy sa pagbabasa.

"Siya si Margaret Buenavista."sabi nalang ni Trina sabay turo kay Marga.

Tumingin silang tatlo sakin.

"And you are?"-- Terrence

Tinaasan ko ulit siya ng kilay.

"I'm... Hungry" sabi ko sabay tayo. Nakaka-gutom na
man kasi siya. Hwat? I mean nagugutom na kasi ako. Makakain na nga lang. Kainis yun ah. Ni hindi man lang siya nasindak. Hmp!

Rude na talaga kung rude. But, I'm not really like that. Everything or everyone has it's reasons, right?

Dumeretso ako sa pila. Ang dami-dami pala talagang students dito. Karamihan sosyal ag mga damit kung maka-dress parang a-attend ng party.

"Bakit ang sungit mo sakin Ms. Hungry?"

Lumingon ako dun nagsalita.

Shit! Si Terrence at ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Bwiset!

I can see his deep brown eyes. HONGONDO!

Pikki! wag kang magpapa-dala sa mga mata na yan, nabiktima ka na din dati ng mga ganyang mata.

Nakabawi agad ako. "I-I'm not hungry!" Antipatiko 'to!

"Then why are gonna eat?"sabi niya.

Lino-logic pa ako ng gagi na 'to.

"My name is not HUNGRY!"

"But you said it was your name." He told me innocently. 

Nananadya ba 'to? Isa pa. I swear paduduguin ko ilong neto. Literally.

"Puwede ba? Layuan mo nga ako." umatras ako kaya natamaan ko yung nasa unahan.

"Shit! Tumingin ka nga!" Tiningnan ko yung nagsalita.

Para akong binuhusan ng isang timba ng yelo. Nanlaki ang mga mata ko at nanigas ang likod ko. This can't be happening! 

"T-Troy?"

Tumingin siya sakin.

"Pasensya na pre. Kasalanan ko." hinging paumnahin ni Terrence aky Troy.

Walang pumansin sa kanya. Nakatitig pa rin ako kay Troy.

He's really here. Nasa same school kami. ERMHERGERD! Oh, Lord. Why?! Why?! Why?!

"What a small world Pikki. Huh?" sabi niya. Nag-smirk siya.

Shit! FVCK! Bakit nandito ang lalaking to? Asdfghjkl,urgh!!!! Impyerno na ba 'to at nakapasok ang hudas na lalaking 'to?

Napatras nalang ako tapos tumakbo na pabalik sa mesa namin. Kesehodang may nababaggan ako, dire-diretso lang ako sa pagtakbo.

"Pikki!"

Napatigil ako tapos lumingon ako sa tumawag sakin.

"What?!"inis kong sabi.

Nag-mukha akong tanga sa harapan ni Troy! Ghad!

"I'm sorry." sabi ni Terrence.

"FVCK! Don't say sorry to me okay! I don't even fucking know you! Back off!" Ang pinka-ayoko sa lahat yung salitang sorry. Parati na lang. Lagi na lang.

Kinuha ko agad yung bag ko sa mesa namin. It was like someone is hunting me. Errr. I know. I know. Face your fears, but what if it was someone you fear and at the same time you hate. Right?

"Pikki, san ka pupunta?"tanong ni Tuchi sa akin. Nabigla sila ng para ako hinahabol ng dumating ako sa mesa nnamin.

"Hayaan niyo na. May nakita ata na BV..." sabi ni Marga, nakatingin pa rin sa siya sa binabasa niyang libro. May psychic powers to babaeng to.

"Huh?" puzzled na tanong nung dalawa.

"Sige mga bru,una na ako." sabi ko agad tapos umariba na ako sa poaglabas.

"Napano yun?"

Narinig ko pang tanong ni Trina. 

-------------

end~

A/N :

 Nga pala si Terrence ;) ============== > Ang cute niya no? Ayieeee! 

Labyrinth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon