CHAPTER 1

450 11 4
                                    

"Argh! 7:30 na! Late na ako!!!" Napabalikwas ako nang bangon nang makita kong umaga na. Bakit kasi hindi nag-alarm yung alarm clock ko, yan tuloy...

Agad akong pumasok ng banyo pero agad rin akong lumabas. Tangina ano 'to? Bakit maraming rose petals ang banyo?!

"Yaya!!!" tawag ko sa maid naming si Toyang.

"Ay! Miss Pikki, bakit pu?"

"Ba't maraming plants sa banyo ko?"nakabusangot na tanong.

"Plants? Tanim pu ba yun Miss Pikki?" tanong nito habang pumapasok sa banyo.

"Oo as in halaman."

"Ay uu nga! Bilin pu kasi ng lula ninyu na lagyan ng pitals ang banyu bagu siya umalis kahapun. Nakaka-rilax daw pu."

Napabuntung-hininga nalang ako. Ang lola naman eh! Makakalimutin na talaga! Buti nalang at wala nang pollen ang mga bulaklak dahil nakow! Baka hindi ako makapasok sa school dahil sa allergy ko.

"Sige ya." Taboy ko dito.

Umalis naman agad si Toyang.

Pumasok na ako ng banyo. Bahala na. Muntik pa akong madulas dahil sa mga petals sa sahig.

Hindi nagtagal ay walang arte-arte na nakagayak na ako. I'm ready!

Tinakbo ko agad pababa ang hagdan. May nakakasalubong akong mga maid na panay ang saway sakin.

"MISS PIKKI WAG KAYONG TUMAKBO!"

"PIKKI,STOP RUNNING! YOU'LL SLIDE DOWN THE CORRIDOR!"

Wow,pati butler namin nakisali sa pagsaway. Bakit ba?

Tumuloy ako sa dining room. Andun na ang kuya ko na as usual ay nagbabasa, at ang aking papa.

"Tinanghali yata ng gising ang prinsesa natin ah." salubong ni papa.

Sige pa, umagang-umaga iniinis mo ako. Tatay ko ba talaga to? Hindi ko alam pero hindi ko talaga namana ang pagiging sweet ng tatay ko.

Sumimangot ako. Alam kasi niyang ayaw kong tinatawag na princess. Yuck! Para akong hito pag ganun.

"Good morning din pa."sarcastic kong sabi.

"Hey! I'm telling the truth. You're our princess here." Depensa ng papa ko.

"As if I have a choice alangan naman si Kuya Princess niyo dito." Nguso ko kay kuya.

Inirapan lang ako ni bro.

"Upo na." utos ni Kuya sa akin.

Umagang-umaga sinusungitan na ako ni Kuya.

Kumuha nalang ako ng tinapay tapos lumabas na. Hinanap ko kung san naka-park ang kotse ko. Ayun!

Shucks! Ako pala si Peanut Chelli Arevalo. Anak ni Augusto Arevalo,yung kausap ko kanina. Owner ng Arevalo Group of Companies. Hindi ako mabait, hindi rin ako prinsesa, simple lang akong palaka sa mundong ibabaw na naghahanap ng prinsipe para gawin ring palaka. Bwahahahaha! Damay-damay na!

Napansin niyo rin kanina ,wala na akong nanay but it doesnt matter to me that much. Kailangan good vibes! Alam na. And na-meet niyo na rin ang ever weird na kuya ko----- Perry Challet Arevalo. Close kami. Pag tulog.

Nakarating na rin ako sa wakas sa school namin. Mga ilang minuto lang ang papuntang school namin. Medyo malapit kasi ang subdivision namin sa school. By the way our school is St.Patrick University. Almost all students here are elites. International based rin ang programs and curriculums dito that's why everyone here are either smart or talented and I'm both. Ngayon-ngayon lang eh, nagbukas ng scholarship ang school namin kaya mas Marami na ang matatalino sa batch namin.

Labyrinth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon