Chapter 23

83 4 0
                                    

PIKKI's POV

Pinalo-palo ko ang balikat ko. Nakaka-ngalay nang magsulat, kanina pa kasi kami nagde-deliberate kung sino ang mga isho-showcase sa foundation day.

"Yung Divas? Maganda naman yung blending nila di ba?"sabi ni Mariolle.

"Maganda nga ang laswa naman nilang tingnan."gagad ni Chimbey. Tatlo kaming judges sa auditon. Ako, si Mariolle at si Chimbey.

"C'mon Chimbs, let's be objective here." sabi ni Mariolle. harrased na harassed na siya sa event na 'to.

"Tama si Mariolle, we should concentrate more on the talents."sabi ko.

"So, ipapasok ko na sila sa final lists ha?"tanong ni Mariolle sa amin.

"I'm fine with it."sagot ko.

"Basta ipasok natin si Gab ha? Papayag ako." Isinulat na ni Cimbey ang iba pang nakapasok.

"Ang harot mo talaga! HAHAHAHAHA!"Sinundot niya si Chimbey sa tagiliran pero naka-ilag yung huli.

"Ano nga pala ang sabi kahapon ni Madam Vito?"tanong ko bigla.

Kahapon kasi nung pumunta kami ni Zurk sa clinic bumisita daw si Madam sa audition. Hindi na rin ako nakapagtanong kahapon dahil sa pagod.

"Okay na naman daw, kailangan lang daw i-polish. Kinukusta din ni Ma'am yung sa Chaotic rush. Main event daw yun eh."

"Oaky na. Kakanta sila ng isang original tsaka isang cover."

"Ang swerte mo talaga! Nakaka rubbing elbows mo sila!" tili ni Chimbey.

"Huwag ka ngang tumili. Ang sakit kaya sa tenga?"reklamo ni Mariolle.

Inirapan lang siya ni Chimbey.

"May last batch pa ba tayong maga-audition?"

"Yup! Yup! Pero mga lima na lang sila."

"Umasa akong may maga-audition na member alphas pero wala talaga eh."nakapout na sabi ni Chimbey *3*

"May sarili kaya silang raket."sabi ko.

"Talaga?!" *O*

"Ay, nabalitaan ko nga."---Mariolle

"Alam mo ba kung ano?" nacu-curious rin kasi ako.

"Hindi eh. Ang galing kaya nilang magtago ng sekreto."---Chimbey

"Ay, oo nga. Kahit nga yung kasal ni Chooki naitago nila ng ilang buwan."---Mariolle

"Talaga?!"ang galing naman nila kung ganun.

"Halos lumuha nga ng dugo ang mga kababaihan dahil dun. Alam mo naman, isa sa biyaya ng Diyos sa kababaihan si Chooki."sabi ni Chimbey

"Kung isa naman kaya sa member ng Chaotic rush ang maging taken?"tanong ni Mariolle

"hay naku, hindi lang buong school ang magluluksa. Buong Asya ang luluha."eksaheradang sabi ni Chimbey. Kahit kailan talaga, ang hilig sa wafu.

"OA ka naman masiyado. Paabot nga nung final list Pikki."----Mariolle

Inabot ko naman sa kanya. Kahit na may magau-auditon pa, meron na kaming final list. Inaapura na kasi masiyado ang auditons dahil sa makalawa na yung Foundation day.

"Ay, belive me. Nung nalaman ngang nagde-date si Faye tsaka si Apollo. Naku! Hates lahat ang messages sa facebook ng gaga."

"Huwag mongang takutin si Pikki, Chimbey."sabi ni Mariolle.

"Huh? Ba't naman ako matatakot?"maang kong tanong.

"Halos lahat ng students dito alam na sinabi ni Zurk na girlfriend ka niya pero buti nalang binawi mo dahil kung hindi kakalbuhin ka ng mga kampon ni Phoebe."--- Mariolle

Labyrinth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon