NTIFY-20

573 23 7
                                    

WARNING: SPG-language

NTIFY-20

KEVIN’S POV

‘’WHAT THE HELL KEVIN!’’ sigaw ni Carlo pagkalabas na pagkalabas ni Charlene. Tinitigan ko lang siya ng matiim ngunit umiwas din ako agad. Nakita niya na si Charlene, nakita niya na si Lea.

‘’our business talk is over, you could go out now.’’ Pilit kong pinapakalma ang sarili. I don’t know what to say and how should I react.

‘’I will not leave here untilI you tell me who that girl Is.’’ Inis nitong sabi. Kitang kita ko kung gaano siya ngayon kasabik malaman ang tungkol sa babaeng nakita niya. I guess I made another game. And just like before, the players are still Carlo and I.

‘’she’s Charlene, my secretary.’’ Simple kong sagot hoping na tumigil na siya kahit alam ko namang imposibleng mangyari yun unless siya ang nabagok at nagkaamnesia.

‘’wow! Just wow!’’ sarkastiko nitong tawa. ‘’that was Lea! Why lie to me?’’ he gave me a frustrated look.

Di ko na alam kung dapat ay sabihin ko nalang sa kanya ang totoo dahil alam ko namang malalaman at malalaman din niya ito o hindi dahil ayaw ko siyang masatisfy sa thought na may matinding pinagdadaanan ngayon si Charlene, and knowing Carlo he’ll take advantage of the situation. Si carlo pa! pagdating kay Lea, siya ang nagiging matindi kong kalaban.

‘’yeah she is. But im telling you the truth. She’s Charlene.’’ Napakunot ang noo nito sa pag iisip ng mga sinabi ko.

‘’how come? Ginagago mo ba ako? ganyan ka ba talaga kaselfish? Tandaan mo, una siyang naging akin. inagaw mo lang siya.’’ Mayabang nitong saad.

Napatikom ang kamao ko sa galit at parang nag apoy ang mga mata ko sa inis. How can he say that? Walang maaagaw sa kanya kung iniingatan niya ang mga bagay na meron siya.

‘’di na kita kailangang gaguhin dahil sadyang gago ka na simula umpisa  palang. Di rin ako selfish dahil kaya kong magpaubaya sa iba para lang sumaya ang taong mahal ko. at kung una siyang naging sayo, does it matter? Ikaw ang una, ako ang huli. Habang buhay na siyang akin. at kung sinasabi mong inagaw ko siya sayo, too bad for you Carlo dahil di ko siya pinilit sumama sa akin, kusa siyang nagpaagaw dahil mahal niya ako at iniwan ka niya dahil wala kang kwentang tao.’’ napanganga at napatulala nalang ito dahil sa mga nasabi ko.

I don’t care kung magalit siya, kahit sabihin pang bestfriend ko siya dati ay di ko siya makakayang patawarin nalang. He almost ruined us. He hurted her so bad. He’s undoubtedly jerk. A thorn in her heart na pilit ko dating tinatanggal. Naaalala ko pa kung paano niya sinaktan si Lea, kung anu ang ginagawa niya sa likod nito at ang mga kasinungalingang pinakain niya rito.

Ngayon, magsisi siya. Talong talo na siya sa sugal na ‘to. Ang kapal niya para sabihing una siya kesa sa akin. anu naman kung una siya? Wala naman siyang kwenta.

‘’I know, no need to tell me. Kasalanan ko din kung bakit nawala siya sa akin, ipagkatiwala ko ba naman kasi sayo? Ang gago ko talaga. Akala ko mapagkakatiwalaan ka, akala ko bestfriend kita, akala ko magkaibigan lang kayo, mali pala dahil pasimpleng nang aagaw ka na.’’ sabi pa nito suot suot ang galit na galit na eskpresyon.

Napahinga ako ng malalim at kinimkim nalang ang galit na nararamdaman ko dahil ayaw ko siyang saktan. Pero shit lang! paano niya nasasabi ang mga ganitong bagay? Pinagkatiwala o pinabantayan niya? All those times na may ginagawa siyang mali behind Lea’s back, ako ang tumatakip sa mga kalokohan niya dahil kaibigan ko siya. Pero ako pa ang mali? Kasalanan ko bang mainlove sa girlfriend niya? O mas kasalan na niloloko niya ang taong minahal siya ng sobra?

Now that I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon