NTIFY-11

1.2K 13 3
                                    

NTIFY-11

KEVIN’S POV

Lumipas ang mga oras na andun lang kami sa office. Hanggang ngayon, natatawa pa rin ako sa naging reaksyon niya kanina nung nahalata niyang tinititigan ko siya. Natutuwa din ako nung nalaman kong ang gusto niyang kulay ngayong araw ay red na sa tingin ko ay dahil ito sa kurbata ko. I can’t think of anything na red sa paligid. Sa labas naman … yeah, my car is red.

Maya maya lang ng bandang 6 aalis na rin ako ng office to see dad for a dinner meeting. Siguro ay magtatanong at mangungumusta lang yun kung anu na ang nangyayari sa company at ichicheck na rin siguro niya if I’m doing fine here sa trabaho ko as the new CEO.

I looked at her again. i’m  Still smiling and feeling happy that I managed to do my job despite her presence. Ang hirap din ng ganito. Na andito lang siya sa tabi ko while I’m working. Its so damn hard to focus.

Five thirty na when I looked at my wrist watch. Ang bilis ng oras, parang konti pa lang ang nababasa ko sa mga files na nakalatag sa akin tapos five thirty na agad. I think nakain ang oras ko dahil na rin sa pag titig at pag sulyap ko sa kanya. I need to go home now, magbabyahe pa ako and I’m planning to offer her na sumabay na sa akin pauwi para maihatid ko siya. So I need a little allowance para bago mag 7, naiuwi ko na siya at naandun na ako sa dinner meeting namin ni dad.

‘’Charlene, anung mga appointments ko bukas?’’ tanong ko sa kanya same time breaking the silence na kanina pa nagpapabingi sa akin. Siya naman, parang nagulat sa bigla kong pagsasalita. Halos three hours din kasi kaming walang imikan at wala ni isa sa aming nagsasalita.

‘’ahh .. titingnan ko lang Kevin.’’ Sagot niya sa akin habang kinukuha ang notebook niya sa isang side ng table na sa tingin ko ay sulatan ng schedules at appointments ko. Napansin ko rin na this time, di niya nakalimutan na tawagin akong Kevin na naging dahilan para mapangiti ako. Ang sarap pakinggan na yung mahal mo sinasabi ang pangalan mo. Her voice is so alive parang noong dati lang.

‘’bukas kailangan mong pumunta dito ng mga 9 o’clock am. Meron ka kasing lunch meeting kay Mr. Chua para sa approval ng pagtatayo ng branch ng clothing line natin sa malls nila. Ok naman na siguro sayo ang 9 para maayos na rin yung mga needed papers sa pirmahan ng deal niyo. At 3 o’clock naman, kailangan mong bisitahin ang isa sa mga factory ng company para macheck kung ok pa ba ang working ability ng mga factory workers then you need to meet sir Patrick para dun sa plan niyong magtatanggal kayo ng mga trabahador.’’ Biglang nawala yung ngiti niya at parang may lungkot sa boses niya habang sinasabi yung mga huling gagawin ko para bukas. Pero napansin ko naman na ok siya. Magaling niyang naideliberate ang mga appointments ko for tomorrow na akala mo’y siya si Lea na pinagsasabihan lang ako sa mga dapat kong gawin. Seryoso siya. Parang nung una lang kaming nagkakilala.

‘’that’s nice. I hope you could come tomorrow at nine then? Samahan mo ako sa lunch meeting, pati na rin sa paglilibot sa factory.’’ Pag dedemand ko. Kung ang trabaho lang ang pwede kong maging dahilan sa ngayon para lagi lang siyang Makita at makasama, why not. I’ll use work as my excuse, but I will not let her work that much. Yung sapat lang. sa akin naman, Makita ko lang siya, ok lang kahit yun na lang ang trabaho niya. To stick to my side in everyday of my life.

I run my fingers thru my hair. Naloloko na ata ako. Ang sarap bumanat ng mga cheesy lines sa kanya tulad nalang ng madalas kong gawin dati pero di ko magawa. Namimiss ko na ang mga lambingan namin pero di ko siya halos malapitan o mahawakan kung ayaw ko siyang maoffend. Pakshet lang!

Now that I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon