NTIFY-12

684 20 3
                                    

NTIFY-12

KEVIN’S POV

‘’hi Nerissa! Its been a long time. I’m happy na nakapunta ka ngayong gabi dito.’’ Sabi ni dad kay Nerissa at bumeso naman ito sa kanya.

‘’ako nga po ang dapat magpasalamat dahil ininvite niyo ako sa dinner date ng pamilya niyo mr. Jimenez.’’ Sabi niya while gazing at me. Napaiwas ako ng tingin. I cant look at her. I cant smile at her. Masyadong plastic pag ganun.

‘’hija, how many times do I need to remind you that you are a part of the family now? Asawa ka ni Kevin, we are your parents.’’ Sabi naman ni mom. Sa gilid naman ng mga mata ko, nasulyapan ko si ate na nakaismid at iniringan si Nerissa. I know she’ve done something really wrong, but I think that’s not enough reason para maging rude sa kanya. She’s still a lady. My bestfriend when I felt alone and longing. As much as possible, ayoko din naman siyang saktan dahil kahit papaano, may konting pagmamahal naman ako para sa kanya.

I looked at my ate and gave her a warning look pero iniringan lang din ako. I understand kung bakit siya inis na inis kay Nerissa. Pero past is past. Maybe something changed.

‘’salamat po mom, dad. Kahit di ganoon kaganda ang relationship namin ni Kevin as husband and wife, di pa rin nagbabago ang pakikitungo niyo sa akin.’’ Ngumiti siya kay mommy sabay upo sa tabi ko.

‘’o siya, kain na tayo.’’ Sabi ni dad. Di ko naman pinansin si Nerissa nung umupo siya sa tabi ko. Bigla ko nalang namalayan na hinalikan niya na lang ako bigla sa pisngi.

‘’I missed you kev.’’ At ngumiti siya sa akin. Pero di ko na lang siya pinansin.

Habang kumakain, tahimik lang halos lahat kami.

Buti nalang nagsalita si dad at nagtatanong ng kung anu-ano tungkol sa unang linggo ko sa kumpanya.

‘’kevin, someone told me that you are really doing well in the office. Wala ka daw absent at madami ka daw ngayong inaasikasong appointments and business deals. Busy ata ang anak ko masyado? How was the first week?’’ tanong ni dadd sa kalagitnaan ng dinner. Halatang masaya siya sa nagiging takbo ng agreement namin dun sa ospital.

‘’yeah. I’m doing good. I’m enjoying it actually.’’ At napangiti na lang ako bigla nung naalala ko na nagtatrabaho si Lea as may personal secretary. Basta ba siya lagi ang kasama ko trabaho, kahit araw araw pa akong mapagod sa kompanya, ok lang yun sa akin.

‘’that’s nice to hear. So, do you think magtatagal ka pa ng higit sa isang buwan sa kumpanya?’’ pasimpleng tanong ni dad.

‘’I guess so, nag eenjoy naman ako sa work. Nabibisita ko pa din naman yung restaurant pag may free time. And with Richard there, di naman ako nahihirapan at nag aalala. I can last morethan a month sa kompanya.’’ Sabi ko habang nakain.

Napangiti bigla si dad. I know kung anu na ngayon ang iniisip niya.

‘’then, thats a lot more good than I expected. Maybe you could replace me after some months I think.’’

Now that I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon