NTIFY-16

654 13 5
                                    

------------------------------------------------

NTIFY-16

CHARLENE’S POV

Matagal na nag usap si Ma’am Kaye at si Kevin sa loob ng opisina. Nainip na din ako ng onti. Kaya naman napaupo nalang ako sa sofa kung saan, ito ang nagsisilbing waiting area sa mga visitors ng CEO. Malapit ito sa desk ni Laila kaya naman habang naghihintay ay napapatanong nalang ako sa kanya ng kung anu-ano.

‘’Laila sino yun? Kapatid ba yun ni sir Kevin?’’ tanong ko sa kanya habang tinitingnan siyang nag aayos ng kung ano sa lamesa niya. Lumingon siya sa akin at ngumiti bago tuluyang nagsalita.

‘’oo, ang ganda niya nuh? Yun ang boss ko dati. Mabait din yun si ma’am Kaye.’’ Sabi niya.

Oo nga, mukha ngang mabait si ma’am Kaye kaso halatang may pagka sosyal. Intimidating siguro itong kasama. Nakakaawkward kasi ang ganda niya. May pagkahawig sila ni Kevin though mas maputi ito dahil si Kevin ay may pagka Moreno. Tyaka chinita si ma’am Kaye kaya there’s only a slight resemblance between them.

‘’Mukha naman siyang mabait. Pero di ka ba naaawkward pag kasama siya?’’ tanong ko sa kanya sa mahinang boses dahil baka may makarinig o di naman kayay sila na ni Kevin ang makarinig ng sinasabi ko. Nakakahiya.

‘’di naman. Nasanay na rin siguro ako sa ganda niya kaya ganun. Mga ilang buwan ko din siyang naging boss at masasabi kong masaya din siyang kasama kahit papaano.’’ Nakangiti niya paring sabi.

‘’lagi mo ba siyang kasama dati?’’

‘’oo naman, araw-araw siyang naandito sa opisina. Tyaka, pag mga seminars, conventions and meetings ako lagi ang kasama niya.’’ Ahh. So, close nga talaga sila.

‘’bale parang personal secretary ka niya dati?’’

‘’oo. Parang ganun na rin.’’

‘’so, kung ikaw ang personal secretary ni ma’am kaye dati, bat di nalang din ikaw ang personal secretary ni sir Kevin ngayon?’’ diba siya naman dati? Bat ngayon, ako pa? hindi naman sa nagrereklamo ako dahil wala naman akong karapatang magreklamo dahil ako naman ang binigyan ng trabaho pero nagtataka lang kasi ako.

‘’di ko rin alam.di pa naman masyadong malaki ang tiyan ko at kaya ko pa naman ang pag asikaso kay sir kaya di ko rin alam ang sagot diyan sa tanong mo. Baka may concern lang sila sa akin kaya ganun? So, thankful na rin ako. tyaka atleast, may maganda ka na ring trabaho dito sa kompanya. At ayaw mo ba nun? Lagi mong makakasama si sir Kevin? Lahat ata ng babae dito sa office natin are dying just to be in your position. Kaya dapat masaya ka na rin.’’ Nangingisi niyang sabi. Hay naku! Kung alam lang niya kung gaano ako katensyonado pag nandyan si Kevin, iwiwish din niyang wag ng magwork kay Kevin na personal secretary. Tyaka alam kong mas bet ng kahit sinong babae ang maging girlfriend ni Kevin kesa secretary.

Pero kasi, kailangan ko din talaga ng pera at mapagkakakitaan ng malaki ngayon. Ok naman itong trabaho ko, I’m just feeling different everytime I’m with Kevin. I even felt something querry when I saw her sister.

Pero boss ko sila. Baka normal lang itong mga kakaibang feelings na nararamaman ko. Syempre kakabahan ako pag nalalapit na ako sa kanila, boss ko sila at di ko naman sila kalevel.

Now that I Found YouWhere stories live. Discover now