NTIFY-1

1.2K 26 3
                                    

NTIFY-1

Charlene’s POV

Kumakain ako ngayon sa isang sosyal na restaurant dito sa Makati. Kakagaling ko lang sa probinsya, sa Cebu at nandito ako sa Manila para maghanap ng trabaho. Grabe, ang ganda pala ng Manila tulad ng naririnig ko, yun nga lang nakita kong may mga esquater sa tabi ng nag gagandahang mga buildings na nakatayo dito. Simbolo lang na kahit gaano pa kaganda ang isang lugar o bagay, may kapangitan parin talaga itong taglay.

First time kong makakain sa isang restaurant na ganito. At siguro ay huli na din. Namangha kasi ako sa paligid at naisipang tumigil muna dito sandali para magpalipas ng gutom. Dahil nga bagong salta lang ako, gusto ko naman maranasan ang mga ganito pero ang hindi ko maintindihan ay sa dinami dami ng kainan, dito pa ako napadpad sa medyo mamahaling restaurant.

Habang nakain, nakaagaw pansin sa akin ang isang matanda. Nagrereklamo siya sa waiter dahil hindi daw ayun ang inorder niyang pagkain pero ayun ang ibinigay sa kanya. Ok na sana, kung papalitan nalang nung waiter yung order nung matanda kaso parang nakikipagtalo pa ang waiter sa costumer kaya lumapit ako upang tumulong na ayusin ang gulo nila.

‘’Lola, anu pong nangyayari dito?’’ tanong ko sa matanda na parang mangiyak ngiyak na dahil sa pagtatalo nila ng waiter. Bakit naman kasi siya mag-isa dito? Sa tanda niyang yan, dapat lagi siyang may kasama.

‘’Ito kasi apo, hindi naman yan ang inorder ko sa kanya, pero yan ang ibinigay niya.’’ Turo niya sa pagkain at doon sa waiter. Di yan ang inorder niya? Edi ibig sabihin yung waiter yung may kasalanan. Binalingan ko ng titig ang lalaking waiter na nakatayo sa tabi ko.

‘’Excuse me kuya waiter, kung pwede palitan niyo nalang yung pagkain niya. Bakit kasi ayan ang ibinigay mo sa kanya, di naman pala ayan ang order niya?’’ pagtatanong ko.

‘’Ayan po miss ang order niya sa akin kanina, eto nga oh, nakasulat pa sa order list ko.’’ Tas pinakita niya sa akin ang lista ng inorder ng matanda. Ganyan din ang ginawa sa akin kanina, tinanong ako kung anu yung order ko tas sinusulat muna nila sa order list nila yun saka sinigurado kung yun na talaga ang gusto ko. Ibig sabihin, pumayag si lola sa sinulat ng waiter na order niya. May mali din siya.

‘’Baka nakalimutan lang niya na ayan ang order niya. Pero ayan po talaga ang sinabi niya kanina.’’ Depensa pa ng waiter sa akin. Napahugot nalang tuloy ako ng malalim na hininga. Dapat siguro, di nalang ako nakisawsaw sa gulo nila.

‘’Pero kuya baka pwede pong palitan niyo nalang yung pagkain kasi baka talagang ayaw niya niyan, at baka di naman niya sinasadyang maorder yan o di kaya nakalimutan niya na ayan ang sinabi niya kanina.’’ Pagtatanggol ko nalang sa matanda. Luminga linga ako at nakumpirmang wala talaga siyang kasama.

‘’Sorry po talaga ma’am. Di na po talaga pwedeng palitan yan, pwede po siyang omorder nalang ulit.’’ Anu? Edi sayang pala ‘tong pagkain na ‘to?

‘’Sige nanaman waiter, baka pwede palitan nalang, sayang naman kasi yung pagkain.”

“Hindi po talaga pwede.” giit ng waiter.

“Lola, order ka nalang po kaya uli? May pera ka pa po?” umiling iling siya bilang sagot sabay simangot.

Now that I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon