NTIFY-10

711 16 1
                                    

i dedicate this to you, whitemage, dahil matagal ka na sa aking nahingi ng dedic but i always forgot. So there you go. Dun ka sa isang story ko na 100 days to say goodbye nahingi ng dedic kaso di pa ako nakakapag update dun so dito muna. =)

NTIFY-10

KEVIN’S POV

After kumain, nagmadali na kaming pumunta sa opisina. Nag enjoy ako ngayong lunch. Matagal tagal ko na rin siyang di nakasama sa pagkain. At sinadya ko talagang sinigang ang orderin na ulam para sa kanya-kahit wala naman kami nun- dahil ayun ang favorite niyang ulam kahit sa tingin ko ay di niya yun naaalala.

Unti unti ipapaalala ko sa kanya ang nakaraan namin, mga ginagawa niya dati, mga gusto at ayaw niya, mga masasayang alaala namin, at higit sa lahat ang pagmamahal namin sa isat isa. Ngayon pa na alam ko na at sigurado na akong siya si Lea papalampasin ko pa ang pagkakataon na ito? Hinding hindi na.

Nagpaimbestiga ako kay Patrick tungkol kay Charlene. At sa sinabi niya pa lang na nakalimot itong si Charlene dahil sa isang aksidente sa barko-parehas ng kay Lea- sigurado na akong siya si Lea. Unless may kakambal si Lea na alam ko namang wala.

Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at inalalayan siyang makapasok sa sasakyan. Bawat haplos lang ng kamay ko sa kanya, parang may kung ano akong nararamdaman na kay Lea ko lang nararamdaman noon. Kahit tatlong taon na ang nakaraan, nakakatuwang isipin na ganun pa rin ang epekto niya sa akin. Na bawat ngiti niya, parang tumatalon yung puso ko sa tuwa at bawat sabi niya ng pangalan ko parang gusto ko na lang na siya lagi ang kasama ko.

Kaso hindi pa niya kailangang mahalata o malaman na siya si Lea. Wala pa siyang naaalala at kung ipapaalam ko sa kanya ang tunay na katauhan niya, siguradong lalayo siya at di ko yun makakaya. Tama na ang isa. Di na ako papayag na mawala siya sa paningin ko. Unti-unti, ibabalik ko ang alaala niya.

Sa ngayon, ganun muna. Magpapaimbestiga pa ako sa pamilyang kumopkop sa kanya. Gusto kong alamin kung bakit di nila tinulungan si Lea na makabalik sa amin. Kung bakit hinayaan lang nila na mabuhay ito sa mga taong di naman talaga niya tunay na kilala.

At wala munang dapat makakita sa kanya na kakilala niya. Magtataka siya panigurado.

Pagkasara ko ng pintuan ng kotse, pumunta na ako sa driver seat at nagmaneho. Di ako sanay sa katahimikan. Lalong lalo na pag siya ang kasama ko. Dati rati pag magkasama kami, madalas mainggay at magulo. Lambingan, tawanan, puro saya lang lahat. At ngayon, Di ko na siya pwedeng kausapin dahil mahihiya lang siya at maiilang sa akin. Kailangan boss ako. Kailangan umakto akong normal lang sa kanya. Na hindi ko naman talaga siya kilala.

Nakatingin lang siya sa labas ng bintana buong byahe pabalik ng opisina. Ako naman ay simpleng nasulyap lang sa kanya. Napansin kong may hinahawakan siyang isang kwintas sa leeg niya at seryoso ang mukha niya.

Noong nawala kaya siya, nagmahal kaya siya ng iba? Sa tingin ko, hindi. Hindi siya nagkaroon ng relasyon sa iba sabi niya yun sa akin, kaya malamang hindi.

Habang pasulyap sulyap sa kanya, may naisip ako. Kung hindi kaya siya nawala, kasal na kaya kami ngayon?

Napangiti ako sa isipang yun. Siguro nga, kasal na kami ngayon at meron ng masayang pamilya.

Nung nawala siya, akala ko imposible pa yung mang yari. Nag move on ako pero hindi ko talaga kayang di siya mahalin kahit ang alam ko dati ay patay na siya. At marahil ganun ang naramdaman ko dahil alam ng puso ko na buhay pa siya.

Now that I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon