NTIFY-9

752 18 2
                                    

NTIFY-9

CHARLENE’S POV

Habang naglalakad sa office, hawak hawak pa rin niya yung kamay ko. Ako naman, di na nakapagsalita sa sobrang kabiglaan. Buti nalang at dumaan kami ng sobrang bilis na parang hinihila niya na ako kaya wala namang nakapansin sa amin. At mukha din namang busy ang lahat kaya ganun at isa pa, lunch kaya konti lang ang mga empleyadong natira sa office.

Pagkababa namin sa car park, di na ako nagtaka na siya ang may ari ng madalas kong makitang magarang sasakyan na nakaparada sa pinakamalaking space dito sa parking. Pag kalapit namin sa sasakyan ay binuksan niya ito agad, lumingon siya sa akin at ngumiti.

‘ang ganda ng ngiti niya.’ Yun nalang ang nasabi ko sa aking sarili.

‘’go, hop in.’’ sabi niya sa akin at sinimulan niya ng bitawan ang kamay ko.

Pumasok nalang din ako agad sa loob at di na nakatanggi.

Ang bango ng loob ng sasakyan. Alam mo yung pakiramdam ng parang nakakacalm yung amoy dun sa loob? Parang namiss ko yung lugar pero ngayon palang naman ako nakapasok sa isang sasakyan. Na parang normal lang na ganito. Na parang nangyari na ito dati pero di ko maalala?

Na aaning na siguro ako nuh?

Siguro nga.

Pagkasarado niya ng pintuan, umikot siya papunta sa driver’s seat. Habang sumasakay siya doon sa sasakyan parang nagsslow motion. Tapos parang may kung anus a dibdib ko na hindi ko maintindihan. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa labas ng bintana.

Maya maya may naramdaman akong hininga sa leeg ko at kamay sa balakang ko. Sobrang kaba at gulat ang naramdaman ko nung nakita ko siya sa harap ko. Sobrang lapit. Sobra.

‘’kakabit ko lang yung seatbelt.’’ Sabi niya habang nakatitig sa akin. Grabe, halos di ako huminga ng dahil sa kaba. At yun, may narinig nalang akong click sa paligid tapos ay nakita kong may ikinabit siya sa akin na sa tingin ko ay seatbelt ata yung tawag dito.

Nung humarap na siya sa manibela, napahilamos siya sa mukha niya sabay hinga ng sobrang lalim. Awkward moment dahil tiningnan niya nanaman ako bigla.

‘’grabe, antagal na rin simula ng may pinasakay akong babae dito sa kotse ko. Di ko akalaing mangyayari  ito ulit.’’ Isang napakasayang ngiti ang ipinakita niya sa akin. Napangiti nalang din ako. Di ko maiwasan.

Nagsimula na siyang magdrive papunta sa di ko alam kung san.

‘’mmm .. sir Kevin, ……’’

‘’just call me Kevin.’’di ko na natapos ang sinasabi ko dahil sa pag singit niya. Sinabi niya yun ng di nalingon sa akin.

‘’oo..ok. k. Kevin, bakit si,,,, si laila kasi, baka di pa din yun nag lulunch.’’ Nag aalala kong sabi. Bawal pa naman yun magpagutom.

‘’tapos na si Laila mag lunch. Actually nauna na siya. And you think kahit di pa siya nakain, di ko siya isasabay sa akin?’’ napatingin ulit siya sa direksyon ko.

Yan kasi, parang assuming lang.

‘’ah, di naman po.’’ Nahihiya kong sambit. Pahiya ako …. Kainis.

Now that I Found YouWhere stories live. Discover now