NTIFY-18

653 16 3
                                    

Hephep! WARNING: medyo SPG ..

readers:comment kayo please. mag iingay din minsan huh? hehe

-----------------------------------------------------

NTIFY-18

KEVIN’S POV

Habang nagdadrive pauwi, di ko maiwasang mapangiti. Sobrang saya ko ngayong araw. Kahit na hindi ko nakasama si Charlene halos buong araw dahil umalis sila ni ate, napunan naman niya ang pagkamiss ko sa kaniya dahil sa halikan namin kanina. Habang hinahalikan niya ako, di ko maiwasang maalala yung mga nakaraan. Yung mga panahong Malaya kaming naeexpress ang pag-mamahalan namin sa isat sa at yung mga oras na parang kaming dalawa lang ang tao sa mundo tuwing magkasama.

Di niya siguro alam na marunong siyang humalik. Natawa tuloy ako sa naiisip. siguro ay naiisip niya na ako ang first kiss niya. Oo siguro, kasi nagkaamnesia siya. Unless may nanghalik na sakanyang ibang lalaki sa loob ngtatlong taong wala siya sa akin.

Ayoko nang isipin yun, ang maahalaga bumalik na siya sa akin. At sisiguraduhin kong this time, wala na siyang takas. Pagnahulog siya sa akin, at pag sinagot niya ako, papakasalan ko siya agad saka sasabihin sa kanya ang totoo. Pero mas maganda din naman na matandaan niya na ang nakaraan niya para hindi na mahirap sa parte naming dalawa. Hindi pa kami annulled ni Nerissa at kukumbinsihin ko pa siya.

Ibang klase talaga, di ko matanggal sa sistema ko ang paghahalikan namin kanina. May naalala tuloy ako. …

*flashback*

Pumunta kami ni Lea sa batanggas kasama si kuya Ralph at si ate. Dito nakatira sina lola kaya naman dito namin naisipang magbakasyon ngayong sem break.  Nagplano kasi kami ni ate na ipakilala kena lola sina Ralph at Lea. Malapit kami sa lolo at lola namin kaya gusto naming dalawa na ipakilala sa kanila ang mga taong mahal namin.

Malapit ang mansion ng mga Jimenez sa dalampasigan. Kaya parang nasa isang eksklusibong beach resort na rin kami. Marami din ditong mga turista na galing pa sa kabilang bayan dahil open langt naman ang dalampasigan sa mga gustong maligo rito.

‘’kevin, ayaw lumabas ng girlfriend mo. Nahihiya. Nakatwo-piece lang daw kasi siya.’’ Natatawang sabi ni ate sa akin habang nakaupo ako dito sa seashore. Hinihintay ko kasi si Lea.

Namula naman ako bigla. Shit! Bat nakatwo-piece lang siya? Di ko na ‘to kakayanin. Di naman niya yun kailangan gawin. Ok lang naman kung ayaw niya ng ganun.

‘’nasaan ba siya? Pupuntahan ko.’’

‘’naandun siya sa cottage. Ayaw maligo. Ayaw magtanggal ng damit. Hahaha’’

Kaya naman pumunta ako sa cottage kung saan naandun nga siya. Nakasuot siya ng isang see through na  dress sa ilalim nun, makikita na nakabikini lang siya. Napalunok nalang ako ng mga ilang beses habang palapit sa kanya.  Di ko pa siya nakikita sa ganitong estado. Ngayon palang.

‘’Lea, tara na magswimmig na tayo.’’ Sabi ko sabay hapit sa kanya sa baywang at halik sa leeg niya.

Napahawak nalang siya sa buhok ko sabay sabing ..

‘’ayaw ko, nakakahiya.’’

Now that I Found YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ