NTIFY-14

689 27 5
                                    

NTIFY-14

CHARLENE’S POV

Awkwardness .. yan mismo ang nararamdaman ko simula kanina pa. Nabyahe na kami papuntang Alabang para sa lunch meeting kay Mr. Chua but until now, di pa rin natatanggal ang kaba na nararamdaman ko sa dibdib. Ibang klase yung impact nung nangyari kanina.

Bakit ba ako naaapektuhan dahil sa kanya?

Napatingin ako sa direksyon niya at nakita kong patuloy parin ang pag ngiti niya. Actually, kanina pa yan, ewan ba kung bakit. Buntong hininga lang ata ang kaya kong gawin sabay na ang pag iwas ng tingin sa kanya.

‘’hmmm .. ok ka lang?’’ biglang tanong niya ng tumigil ang sasakyan dahil sa heavy traffic. Nagulat pa ako ng bigla siyang magsalita. Kanina pa kasi ako nabobother dahil sa katahimikan.

‘’s ..  sir?’’ tanong ko.

‘’are you ok? You are not talking. I’m not used to it.’’ he’s doing it again. Alam mo yung feeling na parang kilalang kilala ka pa ng ibang tao kesa sa sarili mo? Bakit ganun ang nararamdaman ko pag nagsasalita siya?

‘’mmm .. I’m ok sir.’’ Sabi ko nalang sa kanya. Umandar na ulit ang sasakyan kaya nabalot nanaman kami ng katahimikan kahit alam kong pareho kaming pasimpleng tumitingin sa isat isa pag may pagkakataon. Yun nga lang di namin hinahayaang mahuli ang isat isang nakatitig. Para kaming …. Ewan. Minsan, napapangiti nalang ako.

‘’here we are.’’ Sabi niya habang pinaparada ang kotse sa parking sa harap ng isang sosyal na restaurant.

Tinanggal ko na ang seatbelt ko at agad bumaba. Ilang sandali lang, nasa tabi ko na siya.

‘’let’s go?’’ tanong niya ng nakangiti. Kitang kita ko yung dimples niya. Di ko mapigilang mapangiti. He’s lending his hand to me na akala mo’y isa akong batang mawawala sa kung saan mang pupuntahan namin pag di ako humawak sa kanya.

Anung iniisip niya? Holding hands kami? ganun?

Yoko nga! Kahit na gusto ko.

‘’ehem .. sir?’’

‘’just Kevin will you? The next time I’ll hear  you say ‘SIR’, I will kiss you.’’ Pagbabanta niya ng nakataas pa ang kilay.

Napalunok ako dun ng mga ilang beses bago magsalita.

‘’kevin, I will wait for you here. Di naman na kasi ako kailangan dun.’’

‘’nope, you are going with me. Maglulunch ka. Don’t worry, di ka naman maaout of place. Ok?’’ at hinawakan niya na ang kamay ko without my approval at hinila na niya ako papasok ng restaurant.

Maganda yung restaurant na napasukan namin. Mas sosyal siyang tingnan kesa sa Lea Bella kaya parang kailangan ng mas pormal na kilos dito. Sabagay, perfect meeting place nga ito sa mga meeting meeting na katulad ngayon.

May biglang lumapit na waiter sa amin at may itinanong kay Kevin.

‘’the table we reserved?’’ tanong niya doon sa waiter saka kami sinabihang sumunod sa kanya at dun kami napadpad sa parang special na part ng resto. Medyo private yung pwesto. Mataas yung sandalan ng sofa chair na naandun kaya naman may privacy ang kung sino mang kakain. Though glass at kita ang labas sa pwestong yun. I bet tinted naman ang window kaya di kami makikita sa labas.

Now that I Found YouWhere stories live. Discover now