-19-

3.7K 87 7
                                    

A/N:

Paki plug po natin sa friends ninyo ang kwentong ito.

________________________________

-19- A NEW DAY

"Hoy Babae! Anong meroon at nakita daw kayong magkasama ni Whimper at sabay pumasok sa kotse mo?" Kulit sa kanya ni Sam. Naandito na sila sa school at nagkukwentuhan dahil maaga pa naman para sa first class nila.

Napasulyap naman si Lizzie sa kinatatayuan ni Whimper habang kausap ng binata ang mga kaklase nilang sina Onic, Nina, at Lulu. Eksaktong napatingin naman ito sa kanya at ngumiti. Sinuklian naman iyon ng ngiti rin ni Lizzie at ibinalik na ang attention sa kausap na si Sam.

"Sam, alam mo, mabait naman pala si Whimper eh." Mahinang sabi niya sa kaibigan.

"Oo naman. Matagal ko ng sinasabi sa iyo iyan, hindi ba?" Nakangiting sagot din ni Sam.

"Nung nagkaproblema kasi ako sa family at wala akong matakbuhan ay naandiyan siya para sa akin."

"Mabuti naman at naaappreciate mo na siya ngayon." Natutuwang sabi ni Sam. 

"Oo nga. Kaya nga mabait na ako sa kanya ngayon. Kasi nalaman kong maasahan ko pala siya." Hindi napigilang napasulyap siya muli kay Whimper. Busy naman ito habang kausap ang mga kaharap nito sa kabilang dulo ng classroom.

"Eh di good!" Sagot ni Sam.

"Saka alam mo ba, nakilala na siya ng parents ko."

Napamaang naman si Sam. "Talaga? Pinapasok mo siya sa inyo? Tapos pinakilala mo kina Tita?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sam. Kilalala niya kasi si Lizzie na hindi ito tumatanggap ng basta-basta bisita sa kanila. Ang mga pinagkakatiwalaan lang nitong kaibigan ang tinatanggap nito sa bahay.

Bumalik ang tingin niya kay Sam. "Oo nga, Sam. Kasi naman, ang bait din ng family niya. Tinanggap nila ako noong naglayas ako" sabi pa ni Lizzie.

Hindi naman bago na sa pandinig ni Sam ang ibinalita ng kaibigan. Kagabi pa niya alam ang naging problema nito dahil tinawagan siya ni Lizzie sa telepono para magkwento.

"Mukhang makukuha mo ang iPhone 5 ko ah?" Comment ni Sam referring doon sa pustahan nila.

"Talaga! Hindi lang one month ang itatagal namin. Mukhang aabot pa kami ng one year." Pabirong sabi ni Lizzie.

"Yabang! Hindi ako naniniwala hanggat hindi kayo lumalampas ng isang buwan. Hindi makakatagal sa iyo iyan. Kaya ihanda mo iyang G-Shock mo!"

Falling For Miss PerfectWhere stories live. Discover now