-11-

3.8K 98 12
                                    



A/N:




Please ipamalita po natin ang kwentong ito.




_______________________________





Free cut nina Lizzie. Wala daw class sa panghapon kasi nasa seminar ang teachers nila. Kaya tumambay muna sa ilalim ng tree sa tapat ng basketball court ang magkaibigan. Nagchichikahan ang magkaibigan tungkol sa naging encounter ni Lizzie sa family ni Whimper kagabi.






"Pero alam mo Sam, ang gwapo noong kapatid ni Nerdie." Parang naiimagine pa niya ang itsura ni Dave.







"Talaga? So, crush mo?" taas-baba pa ang kilay na tanong ni Sam sa kanya.







"Oo ata. Ha! Ha! Ha!" Kinikilig habang tumatawa pa niyang sabi.






"Anong pangalan? Ilang taon na?" Sunod-sunod na tanong ni Sam sa kanya.







"Dave daw. Ang gwapo niya Sam. 5'11 ata ang height, medyo maputi, makinis ang balat, matangos ang ilong, mapingay ang mata, at bakat sa suot niya ang magandang pigura." Parang nanaginip pa niyang sabi habang nakangiti.







"Kung maka describe ka naman parang si Whimper lang din dine-describe mo eh" Ngiting-ngiti na sabi ni Sam sa kanya.






"Sabi ko gwapo, hindi mukhang nerd!" Naiinis na sabi niya kay Sam. Aaminin niya medyo may hawig nga. Pero kumbaga sa idioms, lamang ng 10 paligo si Dave.







"Teka.... Teka... Dave ba kamo? Hindi ba't Becher ang apelyido ni Whimper?"







"Oo. Ano naman?" Kunot ang noong tanong niya. 'Ano naman kung Becher ang surname?' tanong ng utak niya.







Napatayo mula sa pagkakaupo si Sam at humarap sa kanya. " Eh di ibig sabihin, Dave Becher ang Kuya niya?" Follow-up na tanong ni Sam. Hindi pa rin makuha ni Lizzie kung ano bang big deal sa pagiging Villaflor noong dalawa.






"Alam mo ang weird mo. Ano ba jasi talagang gusto mong sabihin?" Naguguluhan pa ring tanong ni Lizzie.








Nagliwanag ang mukha ni Sam. Iyong itsurang I-won-the-lottery-look. "Ayiiiiii!!!" Tili ni Sam kaya tinakpan niya na lang ang magkabilang tenga.







Tinakpan naman niya ng kamay ang bibig ni Sam ng makatayo siya sa bench under the tree. "Hoy! Ano bang problema mo?" Takang-taka niyang tanong kay Sam.









Napaupo na muli si Sam at huminga ng malalim. Nakapatong pa ang isang kamay sa sariling dibdib niya. "Gwapo nga iyon, Lizzie. Hindi mo ba alam na iyon ang reigning Mr. Saint John Colleges?" Sa wakas ay nakapagkwento din ng ayos ang kanyang kaibigan.







"Talaga?" Hindi pa rin makapaniwala si Lizzie. "Kaya pala ang gwapo nito! Ibig sabihin, kung Mr. Saint John si Dave, dito siya nag-aaral?" Ang hindi mapigilang tanong ni Lizzie.








"Oo. Dentistry ang kinukuha niya dito." Nagulat sila sa boses lalaking sumagot. Dahan-dahan pa silang napalingon.










"Whimper?" Si Sam ang nagsalita. Dahil si Lizzie ay natulala sa pagkapahiya. Nahihiya siyang baka narinig ni Whimper ang usapan nila ni Sam.






"Lizzie, iced tea oh.." Sabay abot kay Lizzie ni Whimper ng bottled Nestea Iced Tea. Hindi naman ito tinanggap ni Lizzie. Tinitigan lang niya ang nagaalok nitong kamay. Asar kasi siya, bakit naandito na naman si Whimper? At kung hindi ito laging nakabuntot, eh hindi sana nito narinig ang usapan nila!







Naawa naman si Sam na baka mangalay si Whimper kaya siya na ang tumanggap. "Salamat ha!" Binuksan agad ni Sam at tinungga.






Napamaang naman si Whimper. "Kay Lizzie iyon eh..." Mahinang sambit nito.







Pinipigil naman ni Lizzie ang matawa sa itsura ni Whimper na parang maiiyak na. Kasi naman, ewan ba niya, minsan parang gusto niyang inaasar si Whimper. Pero madalas ang ayaw niyang makausap man lang ito. Cruel na kung cruel pero iyon talaga nararamdaman niya. At least hindi lang naman siya kay Whimper bitchy, sa lahat naman ng boys.








"Teka, kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Sam pagkatapos makalahati ang iced tea. Inakay pa nito si Whimper paupo sa tabi nila.






"Hindi naman. Kadadaan ko lang ng marinig ko ang pangalan ng kuya ko."








Kadadaan ko lang ng marinig ko ang pangalan ng kuya ko.








Kadadaan ko lang ng marinig ko ang pangalan ng kuya ko.








Paulit-ulit na nagpeplay sa utak ni Lizzie na kunyari ay ang attention ay nasa naglalaro ng basketball. Pero ang totoo ay nakikinig din siya sa usapan nilang dalawa ni Sam at Whimper.






Kadadaan ko lang ng marinig ko ang pangalan ng kuya ko.







Ayan na naman. Alam niyang parang crush siya ni Whimper kaya ayaw niyang mainvolve dito. Ang pangit naman kasing tingnan kung crush siya ni Whimper, tapos crush niya kuya nito. Ayaw niyang magkaroon ng kinalalaman kay Whimper kasi ang Kuya ni Nerdie ang type niya.








"Ah yun ba? Totoo bang kapatid mo itong Dave Becher ng Department Dentistry?" Tanong ni Sam kay Whimper.









"Oo, bakit?" Takang tanong ni Whimper kung bakit interested si Sam sa Kapatid niyang nakakatanda?








"Ha? Ah eh wala." Sagot ni Sam na kakamot-kamot ng batok.









"Lizzie." Pagtawag pansin ni Whimper sa kanya. Napalingon naman ang dalaga sa kanya na nakaupo sa kabilang side ng nasa gitna nilang si Sam.







"Oh?" Tanong niya na walang kagana-gana.









"Gusto mo?" Alok ni Whimper ng sliced cake na from Goldilock's ang balot.








"Wow masarap yan!" Sabi ni Sam at pilit na inaabot ang pagkaing ibibigay ni Whimper. Tumayo naman si Whimper at itinaas ang kamay para hindi maabot ni Sam. Anong laban ng 5'3 sa 5'11 di ba? Ha! Ha! Ha! Pinapanood niya lang sila habang si Sam ay parang palakang tatalon-talon maabot lang ang food.








Napaupo si Sam at humihingal na ininom ang natitirang iced tea. Napagod na ito. Sinamantala ni Whimper na makalapit na sa kanya na kanina pang nanonood lang sa kanila ni Sam.







"Binili ko ito." Abot ni Whimper ng slice ng cake na naka-wrap sa kanya. Ang totoo, paborito niya itong butter cake from Goldilock's na ito.







"Thanks!" Ang ganda ng ngiti ni Whimper ng tanggapin niya ang bigay niya. Nagningning ang kanyang mga mata. Hindi kaya siya nagrecess kanina mabili lang iyong cake at bottled iced tea.








"Ah ang daya! Gusto ko iyan eh." Himutok ni Sam. Tiningnan niya ang cake na hawak at napatingin sa mukha ng kaibigan niya. Alam niyang paborito din ito ni Sam. Addict sila dito sa flavor na ito eh.







"Oh.. Busog pa ako eh." Abot niya kay Sam ng cake. Naisip din kasi niya na hindi siya dapat tumanggap ng kahit na ano from Whimper. Kasi para niya na ring binibigyan ng pag-asa ang damdamin nito. Ayaw niyang mangyari iyon kasi nga gusto niya si Kuya nito.







"Naku, Lizzie! Huwag na. Bigay yan sa'yo eh." Pagtanggi ni Sam. Nabigkas niya lang iyon kanina ng hindi sinasadya. Wala siyang balak na hingin pa ito lalo na ng nakita niyang napatungo at nalungkot si Whimper. Hindi naman siya insensitive na tao para deadmahin lang iyon.








"Ayos lang naman kay Nerdie diba?" Baling niya kay Whimper na nakatungo at nakatulos sa pagkakatayo sa harap niya.







"Lizzie, huwag na..." Saway ng nakokonsensyang si Sam kung bakit ba hindi niya inisip ang paghingi niya kanina.








"Sa iyo na nga. Ayos lang yan kay Nerdie." At tumayo siya mula sa bench. Lumingon si Sam sa tinatanaw ni Lizzie. Napatingin naman si Sam kung saan siya pupunta.







"Lizzie, Whimper!" Humahangos na sabi ni Dave.






Napatayo naman si Sam at sumingit sa gitna nila ni Dave. "Samantha... Sam for short. Dave right?" Tumango lang at nakipagkamay ang nakangiting si Dave sa namumulang si Sam. Kinikilig ito! Tama si Lizzie! Ang gwapo pala nito sa malapitan.







"Kuya, may kailangan ka?" Tanong ni Whimper ng makabawi na sa pagtataka kung bakit sila nilapitan ng kapatid niya.








"Ah... Ibibigay ko ito sana sa'yo." At inabot ni Dave ang parehas na parehas na buttered cake kay Lizzie na nakatayo lang sa likod ni Sam. Tumabi naman sa gilid si Sam para padaanin ang kamay ni Dave.







Napatingin si Lizzie sa mga mata ni Dave. Iniisip niya kung tatanggapin ito. Bumaling siya sa umiiling na si Sam. Isinesenyas na huwag na.







"Kuya, busog pa siya." Singit ni Whimper ng hindi makasagot siya.









"Talaga? Sayang naman..." Ibaba na sana ni Dave ang kamay na may kapit na cake.









Kinuha bigla ni Lizzie ang pagkain mula sa kamay nito. "TY!" Sobrang tipid na pasasalamat nito. Napangiti ng maluwang si Dave. Tuwang-tuwa itong tinanggap niya ang cake. Si Whimper naman ay napaupo sa bench. Hindi makapaniwalang tinanggap ni Lizzie ang cake.









"Welcome." Masayang sabi ni Dave. "Oh paano? May klase pa ako. Kanina ko pa nga kayo hinahanap." Dagdag pa nito.







"Sige." Sagot ni Lizzie.









"Tol, alis na ako." Paalam ni Dave kay Whimper. Malungkot na napatingin si Whimper at tumango.







"Bye, Dave!" Paalam naman ni Sam.








Ginulo naman ni Dave ang buhok ni Sam. "Bye." At tumalikod na sa kilig na kilig na si Sam. Pupunta na ito sa Department nila.








Nang makaalis na si Dave ay pilit na pinasaya muli ni Whimper ang mood nito. "Binigyan ka ng cake, wala namang drinks. Ibibili lang kita." At tumakbo na si Whimper papuntang canteen.





"He's really something!" Nasabi ni Sam referring to Whimper. Napaupo na lang si Lizzie pabalik sa bench at tinanaw ang palayong si Whimper.







He's really something!








Parang nagplay ulit sa utak niya ang sinabi ni Sam. She must admit, kakaiba talaga si Whimper. Kakaibang-kakaiba!








_________________________________






A/N:






Vote & comment po. Salamat!

Falling For Miss PerfectМесто, где живут истории. Откройте их для себя