-2-

6.9K 179 8
                                    

A/N:

Sana magustuhan ninyo ito. VOTE & COMMENT po.

_____________________________________

Na-dead tuloy ako dahil sa paglingon ko sa pintuan. Itutuloy ko na lang sana ang paglalaro ng candy crush kasi nasa first row pa lang naman ang introduce yourself na peg ni Sir Karl. Kaso...

"Please come in." Sabi ni Sir sa late ng dumating na estudyante.Napatingin tuloy ako muli sa unahan. Sa uniform pa lang ay alam kong lalake ang dumating. Iyon nga lang at hindi ko makita ang mukha. Nakatungo kasi si Mr. Late.

Pumasok naman si Mr. Late. Noon ko na nakita ang mukha niya. Kilala ko ito ah? Siya iyong isa sa mga honor students ng batch namin. Si ano.... Sino na nga ba pangalan nito? Basta kilala ko siya sa mukha!

"Dahil medyo late ka, magpakilala ka muna." Sabi ni Sir.

Sa sinabing iyon ni Sir ay nakuha niya tuloy ang attention ko. 'Sino nga ba kasi ito?' Nakakunot ang aking mga noo habang inaantay ang pagpapakilala niya.

"Hello sa inyo. I am Whimper Becher, 15 years old, from Binan, Laguna." Pagpapakilala niya at humakbang na habang palinga-linga. Tingin ko naghahanap siya ng upuan.

"What the...." Naiinis na reaction ko. Paano ba naman ay sa tabi ko siya uupo?! 

"Can I sit here?" Tanong niya sa akin while inuurong ang upuan palapit sa kanya. May magagawa pa ba ako eh halos palapat na ang pw3t niya sa upuan? Kaya wala akong choice. Simpleng tango na lang ang naisagot ko. 

Then itinype ko na muli ang password sa Iphone ko at naglaro na ulit ako ng Candy Crush. Ewan ko ba, nakaka-addict kasi talaga ang larong ito eh! At nang ma-complete ko ang level na nilalaro ko ay napatingin ako kay Whimper. OMG! Pulang-pula siya kasi nahuli ko siyang nakatingin sa akin. 

Nagbawi naman agad ng tingin si Whimper sa akin. Ako naman ay ipinagpatuloy ko ang paglalaro sa cp ko. Nakaka-hook naman kasi talaga ang larong ito. 

Kasalukuyang nasa difficult stage na ako ng sikuhin ako nitong asungot sa tabi ko. "Ano iyon?!" Medyo inis na sabi ko sa kanya.

"Susunod ka na." Nakangiting sabi niya sa akin. Agad naman akong napatayo ng marinig ko ang sinabi niya.

"I'm Monaliza Zhane Zacarias, 15 years old, from Binan City." Maikling sabi ko. Pagkatapos ay bumalik ako sa row namin ni Whimper at umupo. Pagkaupo ko ay dinukot ko ulit ang fone ko at naglaro muli.

Hanggang sa...

"Get your pad paper and write your autobiography." Sabi ni Sir. Seriously, 1st day of classes magsusulat na agad ng ganoon kahaba? OMG naman talaga oh!

"Tss.." Naiinis kasi ako. Wala akong dalang bag at papel. Wallet, ballpen at cp lang ang dala ko.

"Paper oh." Abot sa akin nitong katabi ko. Muntik ng tumama sa mukha ko! Paano ba naman inaabot nang hindi siya nakatingin? Ang weird naman talaga nitong katabi ko! Tsskk.. Tsskk..

At dahil no choice, kinuha ko na rin at nagsimula ng mag-sulat. Hay naku! First day na first day, sira ang araw ko. Akala ko banjing-banjing lang ngayon eh. Naman oh!

_____________________________________________

A/N:

VOTE & COMMENT please?

Falling For Miss PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon