-1-

9.7K 210 6
                                    

A/N:

Kaya ako na writer's block sa My Dead Heart (I.L<3 Part 2) at I Love You, Justine Choi! ay dahil sa naiisip ko ang story na ito. Naisipan kong gumawa ng sobrang wholesome na story kasi alam kong ang mga teens ay mas masipag mag-vote at magcomment kesa sa adults. Tama di ba? Kaya ito na... Tulad ng madalas kong sabihin, VOTE & COMMENT. Thanks!

________________________________________

Hi! Ako si Monaliza Zhane Zacarias, 15 years old, 3rd year highschool sa St. John School. Mayroon akong isang kapatid na babae. Si Menchie Alizza na 17 years old. Mayaman kami, kasi kami ay nagmamay-ari ng iba't-ibang Clinics at meroon din kaming Shipping Line. Isa akong volleyball player, dance troupe, at  drum & lyre member. For short, kilala ako sa school namin.

Dahil nga sa sikat ako sa school namin, marami ang gustong makipag-kaibigan sa akin. Ang problema ay choosy ako sa pagpili ng kaibigan. Ang ayaw ko sa lahat ay kinakaibigan ako out of popularity. Gusto ko kakaibiganin nila ako dahil ako ay ako. 

"Hi Liezzie!" Bati ng kaklase kong si Sam na nakaupo sa harapan ko.. Si Samantha ay isa sa mga kaklase ko dito sa St. John. Mula first year eh kaibigan ko na rin siyang maituturing. Kasamahan ko din siya sa drum & lyre kay masasabi kong medyo close na kami.

"Hi!" Tipid na bati ko. Nakaupo kasi ako madalas sa last row ng klase. First day pa lang kasi ng classes namin ngayon, kaya walang sawa sa kwentuhan ang mga kaklase ko, tutal ay wala pa si Sir. 

"Kumusta vacation mo Lizzel?" Tanong pa rin ni Sam.

"Ayos naman. Nagpunta kami ng family ko sa Hong Kong." Sabi ko na hindi man lang natingin sa kanya. Nasabi ko na bang busy ako sa paglalaro ng Candy Crush?

"Kami ay sa Japan nag-vacation." Sabi naman ni Sam na puno ng sigla.

"Pasalubong ko?" Saglit na sumulyap ako sa kanya at inaantay ko talaga ang sagot niya.

"Syempre naman binilhan kita ng favorite mong Kitkat Green Tea Flavor." Napangiti ako sa sinabi niya. Favorite ko kasi ang chocolateng sinasabi niya.

Naputol ang pagkukwentuhan namin ng nagpasukan na ang mga kaklase ko. Kapag ganyan ang reaction nila, malamang ay papunta na ang adviser namin.

1

2

3

"Good Morning, Mr. Karl." Bati ng mga kaklase ko kaya nakitayo na rin ako sa kanila.

"You may take you seats." Sagot naman sa amin ng aming adviser si Mr. Karl Hernandez. 

Isa-isa kaming pinapunta ni Sir Karl sa unahan para magpakilala. Mayroon kasi kaming 2 new classmates na dati ay taga first section. I wonder why nasa 2nd section sila ngayon? Pero hindi naman ibig sabihin na nasa 2nd section kami ay hindi na kami ganoon katalino. Matalino din naman kami. Yun nga lang at mga genius ang nasa 1st section! Hahaha!

Knock..

Knock..

Lahat kami tuloy ay napatingin sa pintuan kasi nga may kumatok. At dahil lumingon ako sa pintuan, na-dead tuloy ako sa candy crush! Asar naman talaga oh.. Sino ba naman kasi iyon?

_______________________________

A/N:

VOTE & COMMENT po.

Falling For Miss PerfectWhere stories live. Discover now